Chapter 39 - [Amanda]

3.1K 55 8
                                    

Paglabas ni Chris sa shower ay napatunganga ito ng makita siya. "Amanda.. Cindy...?" At kagaya niya'y tila naestatwa na lang rin sa kinatatayuan. "A-anong, bakit, what's happening here?"

"This is such a good reunion, right?" Nakangiting saad ni Cindy na halatang nag-eenjoy sa mga nangyayari. Bago pa man siya maka-react ay agad na siyang hinawakan nito sa kamay at hinila papasok sa loob ng silid.

Hindi pa rin makapaniwala si Amanda sa kaniyang nasasaksihan ng mga sandaling iyon, si Chris at si Cindy, ang dalawang ito ay magkasama sa loob ng iisang silid at base pa sa suot ng dalawa ay kahit sinong tanga o bobo ay alam na ang sagot sa bagay na iyon.

Nang akmang lalapitan siya ni Chris ay agad niyang itinaas ang kanang kamay para pigilan ito at saka humakbang palayo para makadistansya pareho kina Cindy at sa kaniyang taksil na asawa. "Wag na wag kang lalapit sa akin! Nakakadiri ka!" Punong-puno ng galit at pagkasuklam na utos niya sa binata.

"Amanda, let me explain please..." Panunuyo ni Chris sa kaniya habang pilit na lumalapit. "Please makinig ka sa akin babe. It's not what you think..."

"O really?!" Nanlalaki ang mata sa galit na puna niya sa sinasabing iyon ng binata.

"Yes it's not!" Nagsusumamo pa ring wika nito ng lapitan siya at yapusin. "Please maniwala ka sa akin Amanda wala akong masamang ginagawa..."

"Biitawan mo ko!" Panlalaban niya habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakayapos ng asawa.

"Parang awa mo na please makinig ka muna sa---"

"MAKINIG? ANONG PAPAKINGGAN KO HA?! MGA KASINUNGALINGAN MO CHRIS? MGA PALUSOT MO?" Puno ng galit na sigaw ni Amanda. At ng makawala na siya sa mahigpit na yapos nI Chris ay ibinato niya rito ang hawak na envelop at polo. "O AYAN PAANO MO IPAPALIWANAG SA AKIN NGAYON! KITANG-KITA KUNG PAANO KA MAKIPAGLANDIAN SA IBANG BABAE TAPOS SASABIHIN MO PA SA AKIN NA WALA KANG GINAGAWANG MASAMA? WAG MO KONG GAGUHIN CHRIS!"

Isa-isang pinulot ng binata ang nga nagkalat na litrato at pinagmasdan iyon maigi. Bakas sa mukha nito ang tila labis na pagkalito sa nasasaksihan sa litrato. "H-how did you get these?" Nauutal at naguguluhang tanong nito.

"Oh come on Chris, don't play dumb with me! Na sa sasakyan mo lahat ng yan, nakatago sa ilalim ng upuan mo." inis na paliwanag ni Amanda dahil sa inaakto nitong animo'y hindi nito alam ang tungkol sa bagay na iyon. "Wag mo na subukan pang mag-deny dahil hindi na uubra pa yan sa akin ngayon!"

"Pero... Amanda, wala akong alam dito. Believe me. Hindi ko---"

"Wala kang alam? Na sa sasakyan mo lahat yan at malinaw na malinaw na ikaw rin ang lalake dyan sa litrato! How dare you!" Paulit-ulit niyang dinuro ang asawa dahil sa patuloy na pagtanggi nito kahit huling-huli na. "Ilan pa bang babae ang kinakalantari mo ha!"

"I, I don't---"

"It's me." Biglang sabat ni Cindy sa eksena. "Ako yang babae na kasama ni Chris sa litrato. That was over a month ago ng dalhin ako ni Chris sa isang bar to celebrate the partnership of our company."

"Partnership? Anong partnership?" Nalilitong tanong ni Amanda sa pinagsasabing iyon ni Cindy.

"Huh? You mean hindi pa sinasabi sayo ng asawa mo?" Nagmamaang-maangang balik tanong naman nito sa kaniya.

Napatingin naman siyang bigla kay Chris na noo'y biglang napaupo na lang sa sofa na katabi nito sabay takip ng kamay sa mukha nito. Kitang-kita sa kilos nito na mayroon nga itong itinatago sa kaniya.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon