Chapter 52 - [Amanda]

4.5K 70 2
                                    

Midtown, New York.

Nang makarating si Amanda sa Hospital kung saan naka-confine ang dating asawang si Chris ay napaiyak siya ng makita itong nakahiga sa kama, wala pa ring malay, habang nakasaksak sa katawan nito ang ilang mga aparatus.

Humahagulgol siyang lumapit rito at mahigpit pang niyapos ang binata. "Chris wake up! I'm here now babe, gumising ka na please, please." Pagsusumamo niya sa walang malay na binata.

Nang tumawag ang Mama ni Chris sa kaniya upang ibalita ang masamang nangyari sa binata ay hindi na agad nagdalawang-isip pa si Amanda na magtungo sa Amerika upang makita ang dating asawa. Noong una ay hindi pa siya makapaniwala pero nang tawagan niya si Daniel ay nalaman niyang totoo nga ang balita, mabuti na lamang at may private plane ang pamilya Hendelson kaya hindi na niya kinailangan maghintay pa ng available flight.

"Amanda, hija..." wika ni Senyora Cassarina, ang Mama ni Chris. "I'm really glad you're here now." Bati nito na bakas ang pamumugto ng mga mata at lungkot sa mukha.

"Ma, ano po bang nangyari bakit na Hospital si Chris? Anong findings ng mga doktor?" Susunod niyang usisa upang malaman ang kabuuan ng istorya at ang kalagayan ngayon ng binata. Nakasanayan na rin niyang tawaging Mama ito mula ng ikasal sila noon ni Chris.

"Hindi ko rin alam, wala pang balita si Daniel sa mga nangyari. Pero ang sabi ng doktor ay stable naman na ang lagay ni Chris." Bigay imporma nito sa mga pangyayari.

Kahit paano ay nakahinga si Amanda ng malaman na stable na ang lagay ni Chris at hindi na 50/50 kagaya noong unang tumawag sa kaniya ang Mama nito. "Thank God he's okay..."

"Pero Amanda..." maluha-luhang tugon ng Mama ni Chris. Tila ba may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.

"Pero ano Ma?" Kinakabahan na tanong niya rito. Alam niyang hindi magandang senyales ang nababakas niyang pagdadalawang-isip sa kilos nito. Ngunit hindi umiimik ang butihing Ina, sa halip ay luha lamang sa mga mata nito ang kaniyang nakuhang sagot at sapat na iyong senyales na may hindi magandang bagay ang maaaring mangyari kay Chris. "Ma, ano bang sabi ng doktor? Please tell me." lumuluhang pagsusumamo niya.

Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa kaniyang harapan si Steffan at Vince, "Amanda." sabay na bigkas ng dalawa, mahigpit siyang niyapos ng mga ito at tahimik na inalo. Alam ng dalawang ito kung gaano kabigat para sa kaniya ang masaksihan sa ganoong estado ang Kuya Chris nila.

"Steffan, anong sabi ng doktor, ano raw ang findings sa Kuya Chris mo?" pag-uusisa niya sa binata.

Bahagyang napayuko si Steffan at hindi siya magawang titigan sa mata, batid niyang maging ito ay nasasaktan rin sa mga pangyayari. Kaya naman si Vince na ang nagkusang magsalita at maglahad sa kaniya ng katotohanan, "I really don't want to be the one breaking this news, pero Amanda, ang sabi ng doktor ay may chance na maaaring maging panghabang-buhay na paralisado si Kuya Chris kapag hindi pa siya nagkamalay sa mga susunod na araw. This is still a 50/50 situation for him, It's either he make it out alive and in a very perfect normal condition... or he will wake up half-dead." Ani Vince na noo'y hindi na rin napigilan ang sarili na maluha. 

Nang marinig ang balitang iyon ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Amanda, nanlalambot ang mga tuhod at umiiyak na napaupo siya sa sahig habang nanginginig ang katawan sa magkakahalong emosyon ng pagkabigla, takot, at awa para sa lalakeng minamahal. "No, no, this cannot be. Sabihin mong hindi totoo ang lahat ng iyan Vince, please this are all lies..." halos gabulong sa hanging bigkas niya.

"I'm sorry..." tanging nasambit ni Vince at muli ay dinamayan siya nito at mahigpit na niyapos habang si Steffan ay inaalo ang Mama nito na kagaya niya ay nasasaktan at lumuluha sa hindi magandang balitang kanilang nakuha.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon