"Hi, Miss." Bati ng isang lalake na tumabi sa bakanteng upuan katabi niya.
Ngunt di iyon pinansin ni Amanda. Sa halip ay iniba niya ang direksyon ng kaniyang katawan at tinalikuran ang binata. Hmp! Masyadong presko!
"You sound really good up there." Papuri ng binata sa kaniya habang nagbabayad siya ng mga inorder na mga foods & drinks na inorder nila ng kaniyang mga kaopisina.
"Thanks." Pasimple niyang tugon na walang kainte-interes sa sinabi nito.
"What's the title of that song? I've never heard it before." Pag-uusyoso pa ng binata sa kaniya.
"Little House from the movie Dear John." Tipid niyang sagot. Wala naman na siyang balak sana na pansinin ito kaya lang ay may kakulitan ang binata.
"How can an extremely beautiful woman like you be so talented at the same time?" Muling tanong pa nito habang hawak ang ang baso ng alak sa kaliwang kamay nito.
"It's called practice. You shoud try it sometimes." Nakangisi niyang tugon na nakataas pa ang isang kilay. Iyon ang paraan niya upang ipakita rito na hindi siya interesado
"Feisty... I like that." Preskong tugon nito at saka inihayag ang kamay upang magpakilala sa kaniya. "By the way, I am---"
"I'm married." Putol niya sa tangkang pagpapakilala nito. "And I am not interested to know your name."
"But you don't have a wedding ring yet." Komento naman nito habang nakatingin sa kaniyang daliri at walang makitang singsing na nakasuot roon.
Shit! Oo nga pala, hindi ko pa nga pala nakukuha ulit ang wedding ring na ibinalik ko dati ng maghiwalay kami. Aniya sa sarili ng ma-realize na di pa pala niya nababawi iyon sa asawa.
"I... I just don't have it yet." Aniya saka inirapan ito.
"I'm also married." Pag-amin ng binata sa kaniya. "I have a beautiful, sexy, hot wife just like you are." Dagdag pang pambobola nito.
"Good for you." Aniya sabay isang tungga ng hawak na baso ng ladies drink na inorder niya. Feeling naman ng lalake na to? Ako pa bobolahin mo eh di ka naman uubra sa akin.
"Do you want to go out some other time?" Paanyaya ng binata habang mapusok na nakatingin sa kaniyang mga mata. "Or how about now? We can have some drink at my place. I can drive you home."
Napako ang tingin niya sa mata ng binatang ito. Masasabing gwapo ito, matangkad, at malakas ang sex appeal. Base rin sa kurba ng damit na suot nito ay kitang-kita na matipuno ang pangangatawan nito. Kahit di man niya aminin ay di maitatangging ito ang tipo ng lalake na lilingunin mo talaga at susundan ng tingin, iyon bang klase na kahit sinong babae ay makukuha nito gamit lamang ang physical attributes nito.
"So," Muling tanong nito sa kaniya. Mukhang napansin nito na napatulala siya sa pagkakatitig sa kagwapuhan nito. "Do you like what you see?" Sabay kindat sa kaniya.
Aba tignan mo tong sira uli na to?! Palibasa alam niyang gwapo siya kaya feel na feel habulin! Hmp! Baliw! Reklamo niya sa kaniyang isipan.
"I like you and I know you also like me too..." Mapang-akit na saad nito at sinuklay pa ang ilang piraso ng buhok niya at ibalik iyon sa kaniyang likuran ng tainga.
Dahil sa ginawang iyon ng binata ay napakislot siya, napalunok at napigilan ang paghinga. Naramdaman din niya ang pagdaloy ng mumunting kuryente ng tumama ang daliri nito sa kaniyang tainga. Oh my! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Nouvelles(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...