Habol-hiningang napabangon bigla si Amanda mula sa pagkakatulog. Ang bilis ng kabog ng kaniyang puso ng mga oras na iyon at nang idampi niya ang dalari sa kaniyang mga mata ay may mumunting butil ng luha ang naroroon. "Panaginip lang pala."
Matagal-tagal na rin buhat ng huling managinip siya tungkol sa pangyayari sa nakaraan, o mas tama sigurong sabihin na bangungot iyon dahil tanging luha at pait lamang naman ang dala ng mga masasakait na ala-ala. Isang memorya ng nakalipas na kahit kailan ay hindi na niya gustong balikan pa.
Ring... Ring... Ring...
Maingay na tunog ng cellphone na nasa bed side table. Pagtingin niya ay nakakakalimang missed calls na pala ang numerong iyon kaya naman ng agad na niyang sinagot ang ikaanim na tawag nito bago pa iyon mawala ulit. Tiyak kasing importante ang tawag na iyon pilit siya nitong kinokontak.
"Hello, who's this?" Tanong niya sa estrangherong tumawag.
"Hello, I'm looking for Ms. Amanda Vergara-Hendelson?" Hinging kumpirma ng caller sa kanilang linya. Base sa boses ay isang babae ang kausap niya.
"Yes, speaking. May I know who is the line please?" Balik-tanong niya rito. Medyo familiar sa kaniya ang boses ng caller kaya nga lang ay di niya matiyak iyon maigi.
"Finally, mabuti na lang at na-contact na rin kita. It's me, Atty. Niemer, your lawyer from U.S." Pakilala na nito sa sarili. At doon nga tuluyang naalala ni Amanda kung bakit tila pamilyar ang boses nito, iyon pala ang kaniyang American Lawyer.
"Atty. Niemer, it's been a long time. How are you?" paunang bati at pangangamusta niya sa dalagang lawyer.
"I'm good, thank you." Masiglang bati nito sa kabilang linya. "How about you? I'd been trying to reach you thru e-mails but I got no response. I also called you on your number a few times but it's unattended. I only got your new number from your secretary." Imporma naman ni Atty. Niemer kung papaano nito nakuha ang kaniyang number.
Mula ng mag-away at maghiwalay sila ni Chris may tatlong Linggo na ang nakalilipas ay nagpalit na siya ng number at pansamantalang lumayo muna upang hindi magkrus ang landas nila ng binata. Patuloy pa rin naman siya sa pagtatrabaho gamit ang laptop ay doon ipinapadala ng kaniyang mga empleyado ang lahat ng mga kailangan niyang report. Nakikipag-meeting din siya sa mga ito sa pamamagitan ng live video conference.
"I'm good." Tipid niyang sagot rito. "Anyway Attorney, why did you call me? Is there anything I can help you with?" Pagbabago naman niya sa topic upang umiwas na mapunta pa ang usapin sa problema nila ni Chris.
"O yes, about that actually, I just want to give you a really very good news na alam kong labis mong ikakatuwa." Masaya ang boses na balita nito mula sa kabilang linya ng telepono.
"What news?" Curious niyang tugon.
"It's about the Annulment case you filed against your husband, Chris Hendelson." Walang paligoy-ligoy na saad ni Atty. Niemer.
"Huh? what about it attorney?" Nauutal na tugon pa ni Amanda. Ramdam na ramdam rin niya ang biglaang malakas na kabog ng kaniyang dibdib dahil sa sinabing iyon ni Atty. Niemer.
"You're finally annulled Amanda." Anito, "Your marriage with Chris is now considered nulled and void." May saya sa boses pang pagbabalita nito.
"Huh? Papaanong---"
Hindi pa man natatapos ni Amanda ang kaniyang tanong ay mukhang nahulaan na iyon ng dalagang attorney kaya't dali-dali itong nagpaliwanag. "I received a letter two days ago from your husband's attorney's law firm. Nakasaad sa letter na muling pinabuksan ng dating asawa mo ang naudlot na hearing para sa annulment case niyo noon. And he actually asked the higher court to grant your request for annulment as soon as possible. At dahil wala naman kayong hinihinging demands and arrangements sa isa't isa maliban sa pawalang bisa ang inyong kasal, naging mabilis lang ang proseso ng inyong annulment." Buong detalye ni Atty. Niemer sa mga pangyayari. "That's a really good news right?"
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang puso ni Amanda sa nalamang balita. Kung gayon pala ay si Chris pa mismo ang personal na nag-asikaso ng kanilang annulment ng wala man lang pasabi sa kaniya sa plano nito. Ganoon ba talaga ito ka desperado na agad siya hiwalayan? Ganoon na ba ito talagang kasabik na makasama ang bruhang kabit nitong si Cindy kaya pinamamadali pa agad nito sa korte ang proseso ng pagkansela ng kanilang kasal?
At doo'y muling sumagi sa isipan niya ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Cindy. Ano nga ba naman ang laban ko, buntis na ang babaeng iyon at si Chris ang Ama ng sanggol na dinadala niya. Bagay na kahit kailan ay hindi ko na ata maibibigay pa sa kaniya kaya siguro ganoon na lang siya kakati na makasama ang babaeng iyon at hiwalayan ako.
Naputol ang labis na pagdaramdam at pagngingit-ngit ni Amanda ng muling marinig ang tinig ni Atty. Niemer mula sa linya ng telepono. "hello, Amanda are you still there?"
"A-ah, yes, yes, I was just checking some really important documents, sorry for that Attorney." Kunwaring pagpapalusot niya para hindi mag-isip ng kung ano pa ang dalagang Attorney.
"I see, oo nga pala at umaga na diyan sa Pilipinas ngayon. I was so excited to tell you the news that I forgot na baka maistorbo kita sa oras ng trabaho mo." Sinserong hinging paumanhin naman nito. Mukhang napapaniwala niya si Atty. Niemer na kunwari ay busy siya. "Anyway, as I was saying, may mga importanteng dokumento ka na dapat pag-aralan at pirmahan. Dahil may mga conjugal properties kayo ni Chris ay kailangan ninyong magkaroon ng agreement ng dati mong asawa kung papaano ang gagawin ninyo doon. At base sa mga ipinasa niyang contract of liquidation ay wala naman siyang demands regarding sa conjugal properties ninyo, ang option lang na inilagay niya ay ibebenta ang lahat ng iyon at 50/50 share kayo or you would take the properties you like and leave the rest to him."
Sa totoo lang ay hindi makapag-isip ng maigi si Amanda kung ano nga ba ang mas tamang gawin ng mga sandaling iyon. Masyado kasing okupado ang kaniyang isipan ng naunang balita ng Attorney niya patungkol sa kanilang annulment ni Chris kaya naman wala nang iba pang bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan bukod doon.
"Attorney, I'd like to discuss all this details in person. I will book a flight to U.S. this weekend, that's 3 days from now, and then I will meet up with you para naman mas personal na mapag-usapan natin ng maayos kung anong mga proseso ang mas magiging maganda para sa akin." Suhestiyon niya kay Atty. Niemer, hindi kasi talaga siya makapag-isip ng tama ngayon kaya naman mas makakabuti nga kung palilipasin na lamang muna niya ang ilang araw para naman maging mas malinaw ang kaniyang pag-iisip.
"I think that's a really good idea. Okay, I will free my sched on the weekend just so we could meet up personally and discuss every important details." Pagsang-ayon naman nito at saka nagpaalam na sa kaniya.
Labis-labis ang lungkot na nadarama ni Amanda. At muli pa, sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, ay natagpuan na lang ng dalaga ang kaniyang sarili na lumuluha dulot ng labis na kirot at pighati sa kaniyang puso na kagagawan ni Chris. Hindi pa nga naghihilom ang sugatang puso sa sakit na dulot ng pagtataksil ng kaniyang asawa, ngayon naman ay dumagdag pa ang pasakit at hapdi na ng balitang tuluyan ng natuldukan ang pagsasama nilang mag-asawa. At ang kasal na nagduduktong sa kanilang pagsasama, ngayo'y tuluyan ng nawala at naglaho.
"Diyos ko, ano po bang nagawa kong kasalanan, ano po ba ang mga nagawa kong masama at bakit kailangan maghirap at magdusa ng ganito? Wala na po ba talagang katapusan ang lahat ng pasakit na ito?" may bahid ng pagdaramdam na lahad niya habang yakap-yakap ang sarili at patuloy sa walang tigil na pag-iyak.
Hanggang sa muli pa ay nakatulugan na lamang ni Amanda ang labis-labis na pag-iyak. Kung tutuusin nga ay ayaw na niyang magising pa, ayaw na niyang mabuhay pa dahil wala naman ng saysay pa kung paulit-ulit lang din naman pala niyang mararamdaman ang sakit at hirap sa kaniyang puso.
Paano mo nga ba naman talaga kasi gugustuhing mabuhay kung sa bawat araw lang na magdaraan ay puro masasakit na bagay ang mangyayari sa buhay mo. Kung sa bawat araw na gigising ka ay parang unti-unti ka na din namang pinapatay...
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Historia Corta(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...