Chapter 44 - [Amanda]

3.3K 43 11
                                    

<Flashback> 

Pagdating sa kanilang tinutuluyang Residential Suite ay kinakabahan at excited na binuksan na binuksan ni Amanda ang main door, pero napansin naka-lock pa and seradura niyon. Ibig lang sabihin ay wala pa si Chris sa bahay, napasilip tuloy siyang bigla sa mga bintana at napansin niyang patay pa rin ang mga ilaw sa bahay, mukha ngang wala pang tao sa loob.

10:00 PM na bakit wala pa siya? Hindi na naman ba siya umuwi ngayon? Nagtatakang tanong ni Amanda sa sarili. Pero saan naman kaya pupunta ang lalakeng yun?

Agad niyang kinuha ang sariling kopya ng susi at binuksan ang pintuan ng bahay. Pagpasok pa lamang sa loob ay agad na siyang dumiretso sa kusina, naisip ni Amanda na huwag ng buksan ang iba pang ilaw sa bahay para kapag dumating si Chris ay isipin nitong wala pa rin siya roon. Basta ang plano niya ngayon ay surpresahin ito at ipagluto ng paborito nitong pagkain, mabuti na lamang at marami pa ring stocks ng mga gulay, karne, at seasonings kaya makakagawa siya ng kahit na anong putahe na gustuhin niya.

At makalipas ang halos isang oras ay natapos na niyang lutuin ang paborito nitong Scallops and seafood Pasta at Beef Wellington. "Hmm... Ang sarap! Good job Amanda. Good job! For sure magugustuhan to ni Chris." Nakangiti na papuri ni Amanda sa kaniyang sarili.

Nang masiguradong naihanda na niya ang lahat ng pagkain at mahugasan ang mga gamit na pinaglutuan ay saka siya nagpasyang umakyat sa silid nilang mag-asawa para iayos naman ang kaniyang mga gamit at para na rin makapagpa-shower at makapag-ayos. I have to make sure I look good when he comes home, gusto ko ma-surprise ng sobra pag-uwi niya.

Kaya nga lang ay napawi ang lahat ng ngiti sa kaniyang labi ng makarinig siya ng kakaibing ingay na nagmumula sa silid nilang mag-asawa. Kasing bilis ng kidlat na kumalat sa kaniyang katawan ang kaba at takot, ang puso niya'y parang isang tambol sa lakas ng kabog niyon, at ang kaniyang mga katawan ay biglang nanlalambot na tila ba iyon marshmallow at nabitawan pa niya ang sukbit na malaking bag.

"What's going on... " halos gabulong sa hangin niyang bigkas. No, no... guni-guni ko lang lahat ng ito. Hindi to totoo.

At bago pa man siya makapag-react ay muli na naman niyang narinig ang isang malakas na ungol ng isang babae. Ngayon ay mas malinaw na iyon sa kaniyang pandinig at mas sigurado na siyang may ibang tao ngang na sa loob ng silid nilang mag-asawa. "Ohhhh! yeah.. yeah.. harder Chris... uhhhmm... yes i like that! Don't stop!" At iyon na nga ang tuluyang dumurog ng puso ni Amanda. Ang asawa niya, naroroon ngayon sa kanilang silid, sa ibabaw ng mismong kama nilang mag-asawa at may kinakalantaring ibang babae.

Lumuluhang napaupo si Amanda sa sahig ng hallway habang ang mga kamay ay nakatakip sa kaniyang tainga. Ayaw niyang marinig ang lahat ng nangyayaring kabubuyan ng kaniyang Mister at ng kabit nito, kaya nga lang ay kahit anong gawin niya ay hindi niya matakasan ang sakit at kataksilan nito. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang kaniyang puso sa tuwing maririnig niya ang ungol na ginagawa ng kung sino mang babaeng iyon habang nagpapakasasa ito sa piling ng kaniyang taksil na Mister.

At dahil hindi na niya maatim pang tagalan ang kababuyang iyon ay sinugod na niya si Chris at ang kabit nito sa loob ng kanilang silid. Malakas na padabog niyang binuksan ang pinto ng silid at tumambad sa kaniya roon si Chris na nasa ibabaw ng isang babae, at hindi langiyon basta ordinaryong babae, dahil ang babaeng kinapapatungan ng kaniyang asawa ng mga sandaling iyon ay ang kaniyang childhood Best friend na si Cindy.

"Amanda?!" gulat at natatarantang na reaksyon nina Chris at Cindy ng makita siya. Mabilis pang naghiwalay at napabangon ang dalawa habang tinatakpan ang mga hubad na katawan.

"B-bakit, bakit ka narito?" nanlalaki ang mata sa takot at gulat na tanong ni Chris na halatang di mapakali na makita siya roon. "Anong ginagawa mo rito at----"

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon