"H-hi."
"Hello..."
Bakas sa parehong mukha nina Chris at Amanda ang gulat dala ng hindi inaasahang pagkikitang iyon sa balkonahe ng dating tinitirhang bahay nila noong sila ay mag-asawa pa.
"Hindi ko alam na---"
"Sorry I didn't know that---"
Magkasabay nilang bigkas, halata sa kilos ng dalawa ang awkwardness at bahagyang pagpa-panic. Hindi nila malaman pareho kung ano nga bang sasabahin o sinong mas mauunang magsalita, pareho silang natetense sa hindi inaasahang pagtatagpo lalo pa nga at mahigit sa isang buwan at kalahati na rin ang nakalilipas noong nagkaroon sila ng hindi magandang alitan na nauwi sa kanilang tuluyang hiwalayan.
"Sorry, aalis na lang ako." Paalam ni Amanda.
"No, please stay." Pigil na saad ni Chris mula sa kinauupuan nito. "Just stay here. I promise, I won't give you a hard time. Kahit ngayon na lang please, for the very last time, sana pagbigyan mo man lang akong makasama ka kahit saglit at makakwentuhan." Dagdag pang pangungumbinsi nito na bakas pa sa boses at mukha ang sinseridad sa mga binitawang salita. "Please?"
Nagtatalo ang puso at isip ni Amanda kung papayag nga ba siya sa hiling na iyon ng dating asawang si Chris. Oo, magstay ka! Pagbigyan mo na dahil huling beses na to. Hindi na kayo magkikita at magkakasama pa ulit gaya ng ganito. Utos ng kaniyang puso. Wag, umalis ka na! Mas lalo mo lang papahirapan ang sarili mo at masasaktan ka lang! Dikta naman ng kaniyang isipan. Pero ano nga ba sa dalawa ang mas susundin niya?
Ngunit sa huli ay mas pinili ng dalaga na pakinggan ang bulong ng puso niya at ibigay kay Chris ang hiling nito na magkasama sila sa huling beses, bagay na pilit man niyang itanggi sa kaniyang sariling isipan, ay gusto rin naman talaga niyang mangyari. Just one last time, just this one, promise. Pagbibigyan ko lang ang puso ko na makasama ka ulit for one last time.
"Here, have a seat." Alok ni Chris ng tila ba mapansin nito ang pagtatalo ng kaniyang isipan.
"Thanks." Simpleng tugon lang niya. Imbes na maupo sa tabi nito sa sofa ay doon siya naupo sa kabilang dulo malayo rito. I can't risk it, baka kapag tumabi ako sa iyo ay di ko magawa na kontrolin ang sarili ko.
Hindi rin naman nakaligtas sa mga mata ng dalaga ang magkahalong facial expression ng amusement at disapppointment sa gwapong mukha ng binatang si Chris. Sumungaw rin sa labi nito ang isang tipid na ngiti na hindi niya makipawarian kung ano nga bang kahulugan.
"You always amuse me with your stubbornness." Mahinang tugon ni Chris habang nagsasalin ng red wine sa isang flute glass.
"What did you say?" pagkukunwari namang patay malisyang tanong ni Amanda kahit narinig talaga niya ang ibinulong ng binata.
"I said, how are you, it's been a while since... you know..." palusot rin ni Chris bilang pagbabago ng kanilang topic.
"I'm okay." Tipid na Kibit-balikat na tugon ni Amanda pakuwanri na wala siyang interes na magkwento.
"Here's some wine. Have a drink." Alok naMan ni Chris sa baso ng alak na iniabot sa kaniya.
Para bang biglang pinagbawian ng hininga si Amanda ng sadyain ni Chris na hawakan ang kaniyang kamay habang iniaabot ang baso ng red wine. Ramdam na ramdam niya ang paggapang ng tila ba kuryenteng pakiramdam sa buo niyang katawan, para ba siyang naestatwa ng mga sandaling magsalubong ang tingin nila ng binata. Ang asul na mata ni Chris, puno iyon ng lungkot, pero kita rin doon ang maalab na panunukso at pananabik na animo'y para itong isang leon na nakakita ng pagkain at ano mang oras ay nakahanda siyang lapain.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Historia Corta(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...