Lumipas pa ang dalawang Linggo na puno ng mga surpresa si Chris para sa asawang si Amanda. Gaya na lang ng pagpapadala nito ng mga flowers sa opisina araw-araw at may kalakip pa iyong mga "i love you" notes and love quotes na lalong nakakadagdag sa kilig at bumubuo sa masayang araw ng dalaga. Isa pa, naging mas madalas na din ang pag dinner date nila at ang pagyaya ng binata na mamasyal sa iba't ibang beach and spa para daw makapagrelax sila at mabawasan ang stress sa trabaho.
Pakaramdam ni Amanda ay para ba siyang nagbalik sa pagkadalaga, iyon bang mga panahon na masugid pa sa panliligaw sa kaniya ang binata na ngayo'y asawa na niya. Sino nga ba naman ang mag-aakala na sa kabila ng unos at mga mabibigat na pasakit sa kanilang pagsasama ay mananatili pa rin silang magkasama hanggang sa huli.
Ngayon ay mas lalong tumibay ang paniniwala ni Amanda sa pangaral na palaging sinasabi ng kaniyang Mommy noong dalaga pa lamang siya; "That in this world, we only have one soulmate. So when a soul finds its perfect match then you can never break them apart no matter what you do and no matter how difficult the circumstances are."
Kaya naman para makabawi sa mga surpresa at pagpapasaya sa kaniya ni Chris ay naisip ni Amanda na siya naman ang gagawa ng surprise dinner date para sa kanila. Pero this time hindi sila kakain sa labas, siya mismo ang magluluto ng mga paborito nito at siya na rin ang magbi-bake ng favorite cake ng asawa. Tama! Good idea Amanda!
Habang nag-aayos ng kaniyang gamit ay pinindot niya ang intercom para makausap ang executive assistant na si Karen, "Karen, what's my schedule for this afternoon?" Tanong niya rito para masigurado na wala na siyang importanteng meetings or activities na masasagasaan kapag nag-undertime siya sa trabaho.
"Wait lang po, I'll check." Magalang na saad ng dalaga. At wala pang isang minuto ay bumalik na agad ito sa linya. "Meeting with the Sales and Marketing team lang po at 3pm. May babaguhin po ako sa schedule nyo Ma'am?"
"Wala naman." Napangiti si Amanda ng masiguradong wala nga siyang mga urgent activities for today. Ibig sabihin ay may isasakatuparan niya ang plano na para kay Chris, "Please cancel the meeting with the Sales and Marketing team. Paki-resched na lang first thing in the morning, may importante lang akong kailangan gawin today. Thank you Karen."
"Noted Ma'am." Ana ng dalaga at saka niya tinapos ang tawag.
Paglabas niya ng kaniyang opisina ay ibinilin niya kay Karen na pag tumawag at hinanap siya ng mister na si Chris ay sabihing na sa biglaang client meeting lang siya. Hindi niya sinabi kay Karen ang kaniyang plano dahil siguradong mabubulilyaso iyon kapag dumating si Chris at tinanong ang dalaga. Hirap kasi itong magtago ng mga ganoong surprises dahil nay pagkamadaldal rin iyon kung minsan.
Pagsakay niya sa kaniyang kotse ay agad siyang nag-drive patungo sa mall. Kailangan niyang mag-grocery dahil karamihan sa mga kailangan niyang ingredients ay maaaring wala o kaya nama'y kulang sa stocks sa kanilang ref. Mabuti na ang meron at sobra sa gamit sa pagluluto at pagbi-bake kesa naman sa wala, ayaw niya mapurnada ang kaniyang surpresa.
Mabuti na lamang din at nakikisama ang kalsada sa kaniya dahil hindi traffic kaya naman wala pang 15 minutes ay nakarating agad siya sa mall. Mabilis siyang kumilos at diretso agad na tinumbok ang 2nd floor kung saan naroroon ang grocery, mabuti na lang at kabisado na niya ang mga bibilhin kaya naging madali lang para sa kanya ang paghanap ng mga kakailanganin sa pagluluto.
"Hmm, ano pa ba ang kulang dito?" Tanong ni Amanda sa kaniyang sarili habang nakatitig sa push-cart na kinalalagyan ng kaniyang mga pinamili. "Mga gamit pang bake, check. May wine na rin, may mga ingredients---"
Naputol ang kaniyang pag-iisip ng mahagip ng kaniyang mga mata ang tila isang pamilyar na imahe mula sa di kalayuang bahagi ng grocery kung saan naroroon ang mga wines and beverages.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Short Story(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...