Ring... Ring... Ring...
Ring... Ring... Ring...
Ang maingay na tunog na iyon ng cellphone ang gumising kay Amanda mula sa kaniyang pagkakatulog. At nang kuhanin niya iyon sa bedside table ay di na siya nag-abalang silipin ang screen ng phone upang alamin kung sino ba ang istorbong iyon na tumawag sa kaniya.
Sino naman kaya to? Ang aga-aga naman mang-istorbo. Tanong niya sa sarili at saka pinindot ang answer button.
"Hello, who's this?" Aniya sa inaantok na boses habang nakahiga sa kama.
"Good Morning, this is Doctor Juliette from St. Lukes Medical Center, Can I speak with Amanda?" Tanong ng isang boses babae sa kabilang linya.
"Good Morning din Doktora." Bati rin niya sa OB-Gyne Doctor niya. Ngayon ay na-curious na siya sa kung anong dahilan ng pagtawag nito sa kaniya ng ganoon kaaga. "Bakit po kayo napatawag?"
"Hi, I just called to ask if you could drop by at my clinic today. Lumubas na kasi ang resulta ng mga test na ginawa natin sayo, and I really would like to personally talk to you about it as soon as possible." Pahayag ng Doktora sa dahilan ng pagtawag nito ng umagang iyon.
"Yes, I'm free today. Pupunta po ako ngayon diyan as soon as possible." Bigay kumpirma naman niya rito.
"Okay, that's good. I'll expect you at my clinic today before lunch time. Thank you Amanda." Paalam nito at saka ibinaba ang tawag.
Kung kanina ay medyo inaantok pa siya, ngayon ay gising na gising na ang kaniyang diwa. May kakaibang kaba at nerbyos rin siyang nadarama ng mga oras na iyon dahil nabanggit ng doctor na lumabas na ang resulta ng test niya sa clinic nito. Napakaimportante nga talaga na makausap siya nito dahil ito pa ang personal na tumawag sa kaniya para papuntahin siya sa Clinic nito nang ganoon kaaga.
Lord, wag naman po sanang masama ang balita. Please, kayo na po ang bahala sa akin. Wag niyo po akong pabayaan. Taimtim niyang Dasal sa kaniyang isipan habang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama.
Matapos magdasal ay mabilis siyang kumilos at iniayos ang kaniyang kama at saka tinungo naman ang banyo para maligo. Hindi na siya makapag-hintay pang makausap ang Doctor, kailangan na niyang malaman ang resulta ng test at ang importanteng sasabihin sa kaniya ni Doktora Juliette.
Nang makalabas sa banyo matapos maligo ay agad niyang tinungo ang dresser upang magbihis. Hindi na rin siya nag-abala pang maglagay ng make-up, tutal ay sanay at confident naman siya sa sarili niya. Simpleng lipstick at blush on lang ang inilagay niya, okay na. Chineck rin niya ang kaniyang bag at nang masigurong naroroong na ang mga kailangan niya ay saka siya lumabas at dumiretso sa kaniyang sasakyan.
Makalipas lang ang halos isang oras na pagda-drive ay nakarating na rin si Amanda sa St. Lukes Medical Center sa Global City kung saan naman nagki-clinic si Doctor Juliette ng araw na iyon. Diretso niyang tinungo ang 3rd floor ng hospital kung saan naroroon ang OB-Gyne clinic nito.
"Good Morning, I have a scheduled appointment with Doctor Juliette." Bungad na bati niya sa nurse na nasa front desk ng clinic.
"Good Morning din po Ma'am. Your name po?" Nakangiting bati rin ng nurse.
"Amanda." Imporma niya rito.
"Please, come inside po. Doc Juliette is waiting for you" Mabilis na tugon nito. Kung ganoon pala ay inaasahan na ng Doktora ang pagpunta niya.
"Thank you." Aniya at saka pumasok sa nakasaradong pinto ng silid.
Pagpasok niya sa silid ay agad na bumungad sa kaniya roon ang may katandaan nang si Doktora Juliette. Mukhang busy ito sa binabasa nito kaya't hindi agad napansin ang kaniyang pagpasok.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Historia Corta(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...