Chapter 33 - [Amanda]

2.9K 46 1
                                    

Lumipas ang mga araw at linggo na napapansin ni Amanda ang tila ba'y malaking pagbabago sa asawang si Chris. Sa lumipas na tatlong linggong lumipas ay nagiging madalas ang pag-uwi nito ng late, ni hindi na nga niya nakakasabay kumain ng dinner ang asawa, minsan pa'y nakakatulugan na niya ang paghihintay na makauwi ito.

May ilang beses rin na madalas ay para itong balisa at wala sa sarili kapag nagkukwento siya, at kung minsan pa ay nagiging maikli rin ang pasensya nito sa mga bagay-bagay, nagiging mainitin din ang ulo ng binata kapag tinatanong niya ito ng tungkol sa mga trabaho nito sa opisina. Hindi na rin ito madalas magkwento ng mga ginagawa nito sa opisina o kaya'y mga updates sa proyektong ginagawa ng kompanya nito.

Pero ang mas malaking napansin ni Amanda na pagbabago sa asawang si Chris ay ang madalas nitong pag-iwas sa tuwing mag-aaya siyang kumain sa labas, palaging sinasabi ng binata na sa bahay na lamang sila mag-dinner dahil sawa na raw ito sa mga pagkain sa labas o kaya ay masyado na itong pagod at gusto na lamang mag-stay sa bahay kasama siya.

Lately ay napapansin rin niya ang tila pagiging matamlay o kawalan ni Chris ng gana pagdating sa pakikipagsiping sa kaniya. Kung dati ay napakaaktikbo nito at laging tila hayok na matikman siya ng paulit-ulit, ngayon ay parang ginagawa na lamang nito iyon upang makapagparaos at makabawas ng stress, Bagay na ipinagdaramdam ng labis ni Amanda kung minsan pero pilit na iniintindi at inuunawa dahil alam niyang dulot lamang iyon ng matiding pressure na nakukuha nito sa trabaho.

Pero kahit ganoon ay may mga oras pa rin naman na bumabawi ang binata sa kaniya. Madlad ay susulpot na lamang ito bigla sa opisina na may dalang bulaklak at pagkain, o kaya ay may mga delivery ng mga bulaklak na darating sa kaniyang opisina kalakip ang isang love note na talaga namang nagpapakilig sa kaniya. At kung pagod ito sa gabi ay sinisigurado pa rin ni Chris na bumabawi ito sa kaniya sa umaga, kung minsan nga ay nagigising na lamang nga siya sa mga halik na ginagawa nito sa kaniyang katawan o kaya ay gaya ng nangyari ngayong umaga ng magising siya bigla na nakapaibabaw na sa kaniya ang asawa na si Chris.

Sabi nga sa kasal, ang pag-aasawa ay hindi palaging parang honeymoon na puno ng saya ligaya. May mga oras talaga na darating na susubok sa kanilang pagsasama at sa kaniyang tatag bilang isang asawa, pero kahit ano't ano pa man, dapat ay gusto ni Amanda na panghawakan ang salita ng pangakong magsasama sila sa hirap at ginhawa.

Kaya naman ng matapos ang meeting at interview ni Amanda sa article ng bagong cover boy ng next month's issue ng Bachelor Magagazine, naisip niyang susorpresahin naman niya ang asawang si Chris sa opisina nito. Siya naman ang magdadala ng pagkain para sa binata, malamang kasi ay sa sobrang busy nito ay hindi ito kumain o kaya kung nag-lunch man ay hindi ito nakakain ng maayos. Mabuti na iyong nandoon siya para masigurong kakain ito ng maayos at sapat, kung sakali man na gabihin din ulit ito ng uwi ay alam niyang nakakain naman din ito.

Habang na sa loob siya ng sasakyan at hinihintay ang GO signal ng traffic light ay nahagip ng mga mata ni Amanda ang Cake Shop na nasa may kaliwang kalsada, bigla ay napangiti siya ng maalala na ito ay iyong Cake Shop na unang pinagdalhan sa kaniya ng asawa ng una siyang dalhin nito sa Pilipinas noong magkasintahan pa lamang sila, doon din niya unang natikman ang cake na pareho nilang gustong-gusto.

Kaya naman ng mag GO signal ay lumiko siya sa kabilang kalsada at agad na napagpasiyahang bumili ng favorite cake at muling ipatikim iyon sa asawang si Chris, tutal ay matagal-tagal na rin ng huli silang nakatikim ng cake na iyon.

Pagpasok sa loob ng Cake Shop ay nakita niyang agad sa mga display ang ninanais na Banapple Choco Cake at agad na inorder iyon sa babaeng na sa counter.

"Hi Ma'am, Good afternoon!" Magiliw na bati ng babaeng naka-aassign sa counter.

"Good afternoon too." Nakangiti rin niyang bati habang umoorder, "I'd like to order one box of Banapple Choco Cake please."

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon