Chapter 26 - [Chris]

3.5K 56 0
                                    

Habang kausap ang kaniyang Ninong ay nahagip ng mata ni Chris ang isang tao na pamilyar sa kaniya. Noong una, akala niya ay baka namamalikmata lamang naman siya pero hindi pala dahil totoong naroroon sa venue ito at nakikipag-usap pa nga sa isa sa mga models na invited sa event.

Nang lumingon ito sa direksyon niya at magsalubong ang kanilang mga mata ay biglang bumangon ang kaba sa kaniyang dibdib at nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan dala ng labis na pagkagulat at takot sa presensya nito. Nakadagdag pa ang nakaiinsultong ngiti sa mukha ng dalaga.

"Excuse me Ninong, I'll just have to make a quick call to my parents. Naalala ko kasing may importante pala akong dapat na ibalita sa kanila." Hinging paumanhin niya sa kaniyang Ninong ng putulin niya ang pag-uusap nilang iyon.

"No problem, take your time. Sige at kakausapin ko na rin muna ang ilan pang mga kilala kong naririto." Saad naman ng matanda at saka nagpaalam sa kaniya at nakipagkamay.

Pagkaalis ng kaniyang Ninong ay mabilis na inilabas ni Chris ang kaniyang phone at tinawagan si Daniel. "Where are you? I'm here now near the beverage bar, come and meet me here. There is an emergency. ASAP."

Sunod ay mabilis niyang kinuha ang atensyon nina Jace at Trace nang senyasan niya ang dalawa na lumapit sa kinaroroonan niya. Ganoon din ang ginawa niya ng makita sina Clara at Stefan. Pasimple niyang tinipon ang mga kapatid niya upang sabihin sa mga ito ang kaniyang nakita.

"Why, what's wrong Kuya?" Nalilitong tanong ng bunsong si Clara.

"The Devil." Seryoso niyang sagot.

"What do you mean?" Tanong pang muli ng bunsong dalaga ng di nito makuha ang ibig niyang sabihin.

"The devil bitch is here. Nakita ko siya ngayon lang. Narito siya." Ani Chris ng may magkahalong galit at kaba habang pilit na pinipigil ang sarili namagwala.

"What?!" Nanlalaki ang mata sa gulat at napatakip pa sa bibig si Clara ng dahil sa sinabi niya. Maging ang mga kapatid na sina Jace, Trace, Daniel at Stefan ay napaawang ang bibig sa gulat at tahimik pa ngang napamura.

"What the fuck!?" Naiiling na wika ni Trace na napabitaw pa ng isang malalim na buntong hininga.

"Hell, No way!" Hindi makapaniwalang Reaksyon ni Jace. "Tell me this is just a joke."

"No." Mabilis niyang kumpirma. "She's here, somewhere."

"Are you serious? Kailan? Paano? Sure ka ba na siya nga, kasi baka naman namamalikmata ka lang Kuya, baka naman kamukha niya lang?" saad ni Stefan na halata na rin ang kaba.

"I'm fucking sure Stefan. Nakita ko siya dito, nagkatinginan pa kami at alam niyang na-recognize ko siya." Tugon ni Chris na hanggang ngayon ay di pa nga rin makapaniwala sa nakita ng kaniyang mga mata. "She's here now."

Nag-aalalang hinanap ng mga mata niya ang asawang si Amanda, mabuti na lang at nakita niyang naroroon ito sa kanilang table na masaya at busy pa nga sa pakikipagkwentuhan kay Vince.

"What are we gonna do now?" Tanong ni Daniel na bakas sa mukha ang pag-aalala, "Hindi siya pwedeng makita ni Amanda dito."

Tama si Daniel, hindi maaaring makita ni Amanda ang taong iyon dahil tiyak na masisira ang lahat ng pinaghirapan nilang surprise para sa gabing iyon. At tiyak na magdudulot rin iyon ng hindi magagandang memorya para rito, lalo pa ngayon na marami na rin itong mga pinagdadaanan at iniintindi. Hindi na makakabuti kung madagdagan pa iyon ng panibagong stress.

"Clara, Stefan bumalik kayo sa table and make sure to entertain Amanda. Siguraduhin niyong hindi siya aalis sa table na iyon and that her attention will all be given to you." Agad na utos niya sa dalawa na mabilis ring kumilos at nilapitan ang table na kinaroroonan nina Vince at Amanda.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon