Dumating na nga ang araw na labis na pinakahihintay ng lahat. Ang pag-iisang dibdib nina Amanda at Chris. Pero di tulad noon na piling guests lang ang invited ng ikasal sila sa US, ngayon ay mas engande ang kasal nilang dalawa dito sa Pilipinas. Mas maraming pagkain, mas maraming tao ang invited, mas maraming mga dekorasyon at higit sa lahat ay mas solemn ang kasal na ito kaysa noong una.
Sa unang pagkakataon ay ikakasal sina Chris at Amanda sa simbahan, sa harap ng altar at sa sagradong paligid. Lalo lang tuloy nakadagdag iyon ng labis na kaba at excitement sa dalawa. Noon kasing ikasal sila sa Amerika ay VIP garden wedding kaya piling-pili lang ang mga naimbintahan na bisita.
Sa himig ng pinagsama-samang instrumento ng piano, violin, at flute ay tinugtog ang kantang "Runaway" ay nagsimulang mag martsa ang mga abay sa kasal. Naroroon ang family at relatives ni Amanda mula pa sa US at maging ang buong pamilya ni Chris ay nagsama rin para saksihan ang kasal nila. Syempre pa ay abay sa kasal sina Daniel, Jace, Trace, Vince, Steffan, at Clara.
At nang bumukas na ang pinto ng simbahan at sumilay roon ang mala-anghel na ganda ni Amanda suot ang puting wedding gown nito ay binalot ng katahimikan ang buong paligid ng simbahan. Lahat ng naroroon ay tahimik na namamangha sa labis na gandang taglay at kahalihalinang ligaya na dulot ng presensya ng dalaga.
Habang naglalakad si Amanda papalapit sa sa altar kung saan siya hinihintay ni Chris ay di na mapigilan pa ng binata ang maluha dala ng labis na kasiyahan. Sa wakas, sa hinaba-haba man ng mga paghihirap at mga pasakit na pinagdaanan nila ay naririto silang dalawa ngayon at humaharap sa altar upang ipangako ang muling pagkakaisang dibdib at pangako ng panghabang-buhay.
At nang makarating ito sa kaniyang harapan ay hindi na tuluyan pang napigilan pa ni Chris ang sarili na yapusin ng napakahigpit si Amanda, "Mahal na mahal na mahal kita." Saad niya rito habang patuloy na naluluha. "I LOVE YOU AMANDA!" malakas na sigaw niya na puno ng saya at pagpapasalamat.
Lahat ng mga guests na naroroon sa loob ng simbahan pati na rin ang Pari ay napangiti at napatawa sa kaniyang ginawa. Habang karamihan naman sa mga dalaga at mga kababaihan ay napapaluha sa labis na kilig at saya para sa kanilang dalawa.
"I love you too, so much, very much, the most." Matamis ang ngiting tugon ni Amanda na teary eyed rin gaya niya. Kung hindi pa nga kinuha ng Pari ang kanilang atensyon ay baka di na nila mamalayan pang nasa gitna sila ng kasal.
Sa kabuuan ng Misa ng kanilang pag-iisang dibdib ay ni isang beses ay hindi tumigil ang pagpatak ng luha ng saya at pasasalamat nina Amanda at Chris. Hanggang ngayon kasi ay hindi sila makapaniwala na narito na sila sa piling isa't isa at muling sumusumpa ng tapat at walang katapusan na pag-iibigan.
"Amanda, my love, when I saw you come down that aisle like an angel, I saw everything - my future, my wife, my best friend, the beautiful mother of my children... I said to myself, that was the rest of my life right there, my partner for life, my miracle. I promise to love and care for you, and I will try in every way to be worthy of your love. I will always be honest with you, kind, patient and forgiving. I promise to try to be on time. But most of all, I promise to be a true and loyal friend to you. And the only reason we are perfect together is that we have a perfect God in the center of this, and let's make sure we keep that perfect God in the center of all this at all times. So that no matter how many problems, how many trials and challenges comes our way, we will stand strong and be together... always. I love you the most Misis." Sumpa ng pagmamahal at pangako ni Chris habang isinusuot ang wedding ring sa daliri ni Amanda.
"My dearest Chris Hendelson, from this day forward, I promise to be the best wife for you. I believe in you, the person you will grow to be and the couple we will be together. With my whole heart and soul, I take you and acknowledging and accepting your faults and strengths, as you do mine. I promise to be loyal, faithful and supportive and to always make our family's love and happiness my priority. I will be yours in plenty and in want, in sickness and in health, in failure and in triumph. I will dream with you, celebrate with you and walk beside you through whatever our lives may bring. From now on your happiness is my happiness, what makes you sad will make me more sad, and what hurts you will hurt me the most. It has been a long journey my love, and now, we are finally getting married, and it is a great love story because God wrote ours. You are my person—my love and my life, today and always. You are my home." Buong pusong tugon ni Amanda habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Chris.
Sa puntong iyon ay pareho na silang di nagpipigil ng luha. At hinahayaan na lamang ang saya ng kanilang mga puso na mangibabaw. Sa mata ng Diyos, sa harap ng kanilang mga taong minamahal, at sa sagradong simbahan ay saksi sa totoo at taos pusong pagmamahalan nilang mag-asawa.
"And now, by the power vested in me, I pronounced you Husband and Wife, Mr. & Mrs. Hendelson. You may now kiss the bride!" Nakangiting wika ng Pari bilang senyales ng muli nilang pagkakaisang dibdib.
Nang maglapat ang kanilang mga labi ay naging matunog ang hiyawan at mga tuksuhan, mga palakpakan at ang masayang tugtog ng instrumento sa buong kapaligiran.
Pagkatapos ng misa ay dumiretso ang lahat sa Open grounds Taguig kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal. Ang dating plain at bakanteng lugar ay naging isang malaking-malaking tent house kung saa'y napupuno ng naggagandahang set-up ng tables, chairs, flowers. Mukha iyong magarbong garden na para kang na sa isang nasa isang panaginip. Hindi lanng basta-basta pinaghandaan ang kasal nila kundi talagang ginastusan at pinabongga.
Invited sa reception ng kasal ang lahat ng empleyado ng Hendelson Empire pati na rin ang lahat ng mga empleyado ni Amanda sa kaniyang kompanya. Naroroon rin ang ilang mga taga Media upang i-cover ang kanilang kasal, pati na rin iba pa nilang mga kaibigan mula pa sa ibang bansa ay inimbitahan nila upang saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.
Sa pagsapit ng gabi, habang na sa kalagitnaan ng pagsasayaw ang bagong kasal ay isang surprise video ang nagplay sa screen. "I have a surprise for you babe, I hope you will love it." Nakangiting saad ni Chris.
Ang videong iyon ay naglalaman ng mga litrato ni Amanda simula noong bata pa sya, nagdalaga, pati na rin lahat ng mga litrato nila ni Chris simula noong nanliligaw pa lamang ito, at nang naging magkasintahan sila. Pati na rin ang lahat ng mga regalo at mga love letters na sinulat ni Amanda tuwing monthsary at anniversay nilang mag-asawa ay naroroon sa video kalakip ang ilang cute quotes and captions.
"Oh my God, you still keep all those things..." kinikilig at teary eyed na saad ni Amanda. Bakas na bakas sa mukha nito ang saya at surprise dulot ng surprise video na iyon. Kahit pa sa buong paligid ay naririnig nila ang iilang tuksuhan ng magkakapatid, lahat ay di makapaniwala na ang masungit at bossy na si Chris ay may naitatago palang sentimental at romantic side pagdating sa kaniya.
"Lahat ng bagay tungkol sayo, sa atin, lahat yun importante sa akin. Lahat ng iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan. You are important to me Amanda and so as the memories we make together." Sinserong saad nito ng may matamis at malaking ngiti sa labi.
Pero hindi pa roon natatapos ang surpresa, dahil ng matapos ang video na ginawa ni Chris ay ang video surprise naman ni Amanda ang sunod na nagplay. At sa video na iyon ay isang bagay lang ang nilalaman. "Hello Mister, look oh, I'm pregnant! Yes, finally, I'm 6 weeks pregnant! Say hello to our baby twins!" Masaya at excited na surpresa ni Amanda.
Lahat nang nasa paligid ay biglang natahimik, walang umiimik, lahat ay labis na nasurpresa at nagulat. At maging si Chris na katabi ni Amanda ng sandaling iyon, ay napaawang ang bibig at napasabunot sa sarili dahil sa nakuhang surpresang balita.
"D-da-daddy... daddy na ako??!??!" Nauutal at di pa ring makapaniwalang tanong ni Chris ng humarap ito sa kaniya.
"Yes, daddy ka na" nakangiting sagot niya upang klaruhin dito na tama nga ang napanood nitong video. "Daddy ka na ng twins natin." Muling pag-ulit pa ni Amanda.
"W-what... what... you're?" hindi pa rin makapaniwalang reaksyon ni Chris.
"Daddy ka na. I'm pregnant." Muli pang natatawang ulit ni Amanda.
"WHOA! DADDY NA KO! DADDY NA AKO!" Nagtatatalon sa tuwa at paulit ulit na sigaw ni Chris. "May baby na kami!" Masayang anunsyo pa nito sabay yapos ng mahigpit sa kaniya. "I love you Amanda. Thank you."
"And I love you the most Chris." Magiliw at puno ng pagmamahal na tugon ni Amanda.
Lahat ng bisita ay isa-isang lumapit sa kanilang dalawa upang i-congrats sila sa panibagong blessing na iyon na sa kanilang pagsasama.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Short Story(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...