<Flashback>
Nagdaan ang humigit-kumulang sa dalawang buwan mula ng makalabas si Amanda sa Hospital at nang malaman niyang nakunan siya sa kaniyang panganay na anak. Lumipas ang mga araw at gabi na puro pag-iyak lamang ang kaniyang ginawa, paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa aksidenteng nagsanhi ng pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Bagay na nagdulot rin ng malaking lamat sa pagsasama nilang mag-asawa.
Malaki ang naging pagbabago sa ugali at kilos ni Chris mula ng makalabas siya sa Hospital at tuluyan na ngang maka-recover sa natamong injuries at komplikasyon mula sa aksidente. Hindi katula noon na sweet at romantic ang binata sa kaniya, ngayon ay halos mas malamig pa ata sa yelo ang naging pakikitungo nito sa kaniya sa mga nagdaang araw.
Buhat ng makalabas siya sa Hospital ay hindi pa sila muling nagsiping na mag-asaw. Palagi na lamang itong sa guest room natutulog. Kung minsan naman ay late na ito umuuwi ng bahay, kundi ito lasing ay pagod naman daw ito sa dami ng trabaho. Bihira na nga lang din silang kumain ng magkasama, kung mag-aabot man sila sa dinner ay hindi siya kikibuin nito o kaya'y isang tanong isang sagot lamang ang binata. Hindi na rin siya inaaya nitong kumain sa labas o mamasyal, lagi na lamang kasi itong umaalis at nagpupunta sa mga business meetings.
Hindi man aminin ni Chris ay ramdam na ramdam ni Amanda ang galit ng binata sa kaniya. Kung sa bagay, hindi naman niya masisisi ito kung magalit man ito ng ganoon katindi sa kaniya. Kung tutuusin kasi siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya nakunan, siya ang dapat sisihin kung bakita naging ganito na ang kanilang pagsasama. Kung sana ay hindi naging matigas ang kaniyang ulo ay hindi sana sila mauuwi sa ganitong sitwasyon. At kung sana ay buhay pa ang sanggol sa kaniyang sinapupunan, baka ngayon ay puno na ng mga ngiti at saya ang simula ng kanilang buhay pamilya.
At dahil pakiramdam ni Amanda na mahirap na para sa kanila ni Chris ang magsama pa dahil sa sitwasyon nilang mag-asawa ngayon, pinili na muna niyang bigyan ng time at space ang kanilang pagsasama. Iyon na lamang kasi ang tanging solusyon na naiisip niya pansamantala para maiwasan ang tuluyang pagguho ng pundasyon ng kanilang pagsasama.
Matapos na maiempake ang lahat ng gamit niya ay nag-iwan na lamang si Amanda ng sulat para sa kaniyang asawang si Chris. Naisip niyang mas makakabuti na umalis siya habang na sa opisina pa ito, sa ganoong paraan ay mas kakayanin niya ang sakit na dulot ng kaniyang desisyon kaysa naman magpaalam rito ng harapan dahil tiyak na mahihirapan siyang iwan ang binata.
Chris,
My love, my heart is pounding aloud and my eyes are full of tears, I do not know how to tell you that I am going. I am so sorry that I have to do this to you, to us, but this is the only thing I can think of at the time being... time and space.
A time to think and a space to breathe. Both you and I have noticed for sure that things were different ever since that accident. You changed, I changed, everything about our marriage and relationship changes. We aren't the same happy couple we were back then, and that really breaks my heart into pieces because to me, you are my world, my everything, my life line.
It really hurts to us like this when I know for a fact that we can be something better. I don't blame you though for your silent grudge towards me for I know I caused you pain and heartache. If it wasn't for my stubbornness, our baby would still be alive today.
Right now, I'm trying to fix myself, picking up the pieces and trying to be whole from all that was left of me. I honestly do not know how long will it took me to find myself again and move on from this very painful experience in our life. But I am not giving up on hoping that one day we will wake up again with renewed faith and greater hope that this marriage will work just as it should be.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Short Story(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...