c h a p t e r 2

464 16 1
                                    

Chapter 2






Jenny's POV






Tapos na ang classes namin kaya dumiretso ako sa stick room kung nasaan yung mga panglinis. Alam niyo ba na ang part time job ko dito sa school Janitress? Di ako nahihiya kasi alam ko naman na disente tong trabaho na to at kailangan ko to kasi kung di ako kikilos sino?



Kinuha ko na yung walis at dustpan tsaka nagsimulang linisin yung mga nakikita kong trash sa school. Minsan nagugulat yung mga iba kong kakilala pero okay lang kasi I know na they like me. Wala naman akong ginagawang masama



Nung alam kong nalinis ko na yung mga corridors eh umakyat ako sa pinaka-taas na floor at pumunta sa roof top. Di naman ako recquired mag linis dito pero gusto ko lang pumunta hehehe. Nung una kong pumunta ditto ay nung enrollment hehehe



Ang ganda kasi dito. Parang kapag stress ka pwede ka mag stay dito. Fresh ang hangin, mag isa ka lang, makakapag isip isip ka talaga ng bongga. Mukhang painting pa yung sky. I love God's masterpiece



Naglakad ako nun habang hawak yung cleaning matterials nun kaso parang may tao? Bawal dito ah? Pano nagka-tao. Naglakad pa ako nun papalapit at nakahiga siya nun habang yung kamay niya eh nasa ulo niya.



Lumapit ako at si Chase! Nakapikit lang siya nun habang nakahiga dun kaya lumapit ako at tinignan siya. Wow ang perfect ng features niya! Promise! Pwede na siya mag artista!






Ivan Chase' POV






Peacefully akong nakahiga dito sa roof top ng school nung parang naramdaman ko na may tao at humarang pa siya sa sunlight na bumabalot sakin kanina at naramdaman ko pa na pinindot nun yung ilong ko. Anong trip nito!?



Napa-dilat ako ng mata ko nun at nakita ko yung kaklase kong Jenny daw ang pangalan nan aka-pindot parin sa ilong ko pero tinanggal niya dun nung nakita niyang nakadilat na ako at tumawa sakin. Lagi ba talaga tong happy?



Umupo siya nun sa tabi ko pero pumikit lang ulit ako nun. Wala naman akong pakialam sakanya kaya bahala siya diyan "bawal dito ah? Pano ka nakapunta" lame niyang tanong. Yung totoo? Ano bang tumatakbo sa isip ng taong to?



"eh ikaw, bakit ka nandito kung bawal pala" sabi ko na walang reaksyon at nakapikit parin. Tumawa naman siya nun at narealize siguro na ang lame lame ng tanong niya. Naramdaman ko yung malamig at malakas na hangin sa balat ko nun



"aww!" napadilat ako nun at napatingin sakanya na napuwing ata at grabe yung pagkusot sa mata niya. Gusto niya bang matagal yung mata niya? Umayos naman ako ng upo nun at tumingin lang sakanya na nagkukusot ng mata



"akin na nga" walang kabuhay buhay kong sabi at hinawakan ko yung kamay niya sabay tingin sa mata niya "dilat" tinatry niyang dumilat nun kaso mukhang masakit nga kaya ako yung nag-open ng mata niya at hinipan yun. Nag blink naman siya nun kaya nakatingin lang ako sakanya



"hehehe thankyou" sabi niya at okay na ata yung mata niya pero namumula yung pisngi niya, at dedma lang ako dun kaya tumingin nalang ulit ako sa kawalan nun at nag sigh "wow ang lalim ng pag buntong hininga mo ah" sabi niya nun na sa tunog ng boses niya happy kid nanaman siya



"pumikit ka. Mapuwing ka nanaman" sabi ko at pumikit ako dahil gusto ko ma-feel yung malakas na hangin. Yung coldness ng hangin na nararamdaman ko. Medyo relaxing din dito ah. Napadilat ako ulit at tumingin dito kay Jenny na naka-pikit at fini-feel din yung hangin, naka-smile din siya nun



Namimiss ko tuloy si Bea. Madalas din kasi siyang laging naka-smile. Pano ba makakangiti ulit? Alam kong maraming reason para sumaya ulit kaso ang hirap. Ang hirap pag sayo na nangyayari. Yung malulungkot ka nalang without any reasons



Tumayo na ako nun kasi malapit na mag sunset



"aalis ka na?" napatigil lang ako sa paglalakad nun pero dumirederetso nalang kasi di ba obvious na aalis na ako? Lame niya talaga. Umiling lang ako sa thoughts ko nun at umalis na dun sa rooftop ng school para pumuntang parking lot dahil nandun yung kotse ko






Jenny's POV






Pinanood ko lang siyang umalis nun. Napa-pout lang ako nun dahil siguro naiisip niya na wala akong kwenta and I'm a waste of time? Pero curious parin ako sakanya! Wala naming masama kung makipag kaibigan ako sakanya hehehehe



Umalis na rin ako sa rooftop nun para ibalik na yung mga cleaning materials at kinuha ko na rin yung bag ko para lumabas na ng school. Padilim narin nun kaya pumunta na ako sa bus stop para maghintay ng bus



Habang nag-sesenti, joke hehehe. Habang naghihintay eh di ko talaga maiwasang di isipin yung Chase na yun. Di naman talaga ako chismosa eh, nac-curious lang talaga ako sakanya. Di ko rin siya crush ah. Pero gwapo siya hehehe. Nac-curious lang ako kung bakit ganun yung ambiance niya



Parang may bitbit laging yelo sa sobrang cold. Sumakay na ako sa bus nun at nag scan sa card then upo na. nakatingin lang ako sa bintana dito sa bus. Senti lang hehehe.



Mga after 20 minutes siguro nakarating din ako sa street naming at pumasok na agad sa apartment ko. Ni-lock ko yung pinto at napahiga sa higaan ko, nakakamiss din ang kama ko. Di na muna ako nag palit ng uniform dahil ang lambot ng higaan ko huhuhu. 

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon