c h a p t e r 1 0

279 9 2
                                    

Chapter 10






Jenny's POV 







Kakatapos lang namin mag exam ngayon. Midterm exam to be exact. Finals period na namin. Ang bilis naman ng panahon hehehehe. Tumayo ako nun kasi ipapasa ko na yung paper ko tapos bumalik na ako sa upuan ko ulit para ayusin yung gamit ko. Nung naayos ko napatingin ako sa way kung saan nakaupo si Chase. Nakatingin lang siya sa bintana ng classroom namin. Wow senti oh



Nakatingin lang ako sa likod niya nun na nakatingin sa bintana. Naalala ko yung sinabi nila Claire na parang di pa nababanggit ni Chase kahit isang beses yung pangalan ko. Kei lang daw. Eh pangalan ko naman yung kei diba? Pero oo nga parang di pa niya nababanggit yung Jenny? Bakit kaya? May issue ba siya?



Naka-isip naman ako ng brilliant plan non para masabi ni Chase yung pangalan ko. After ilang minutes eh natapos na din yung Iba sap ag eexam kaya pinalabas na kami ng instructor naming. Bago lumabas eh nilapitan ko si Chase "Chase pahawak ako!" sabi ko at binigay sakanya yung wallet ko. Lame siya pero hehehe malay nyo naman



Tumakbo na ako palabas ng classroom nun at pumunta sa tagong gilid. Nakita ko naman siya na parang inis. Pag tinitigan at kilala mo talaga makikita mong inis at hindi blank face ang mukha niya. Hehehe ngayon ay tumalikod na siya. Time ko na para lumabas at kunwaring may hinahalungkat sa bag ko



Lumabas ako sa pinagtataguan ko at naghahanap kunwari sa bag ko. Pero nakatalikod ako at di ko alam kung napansin niya ba ako. Dapat mapansin niya ako! "hoy" medyo malapit siya! Narinig ko siya e hehehe "tsk, yung wallet mo" sabi niya pero si halungkat parin ako



Say my name na kasi! Two syllables lang naman ang jenny ah! Walang kahirap hirap na pangalan ang binigay sakin!



Naramdaman ko naman na kinalabit nya ako kaya no choice at nilingon ko na siya. Ano ba yan! Inabot nya lang sakin yung wallet ko kaya ako naman kinuha yun sakanya na nakanguso "mukha mo" sabi niya at pinisil pisngi ko kaya napatingin ako sakanya



"anong pangalan ko?" tanong ko sakanya at tinanggal naman niya yung kamay niya sa mukha ko at nag lean doon sa may bandang bintana ng school. Ano ba to! Bastusan kausap eh no!? nako Chase kung di ka lang pogi di kita pagtya-tyagaan!



"bakit di mo ba alam sarili mong pangalan" sabi niya na oh so called at tumingin sakin with his cold gaze. Ba yan kaginaw ha! Nakatingin lang siya sakin at umayos siya sabay lakad niya paalis. Suskong gwapo to oh nilalayasan nalang ako!

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon