Chapter 17
Jenny's POV
Isang lingo na ang nakalipas simula nung di pag pansin sakin ni Chase. Di ko alam kung ano baa ng tumatakbo sa utak ng taong yun! Bigla bigla nalang di namamansin na parang isa lang ako sa mga taong wala siyang pake... sabagay, sino nga ba ako para mag reklamo na di niya pinapansin
Napa-buntong hininga nalang ako at sumandal dito sa pader sa loob ng theater room. Dito kasi ako pinaglilinis. Medyo napagod ako sa paglilinis dito dahil ang laki nung piano organ. Grabe nakakatuwa ngang tignan e.
Napa-pikit ako ng mata ko nun kasi napagod ako sa paglilinis at naf-frustrate ako sa hindi pag pansin saakin ni Chase na hindi ko naman dapat iniisip. Napa-dilat ako nun nung makaramdam ako ng lamig na dumampi sa pisngi ko. Medyo nagulat ako at... kinilig? Ewan ko!!
Walang emosyong nakatingin sakin si Chase habang naka-dikit sa pisngi ko yung hawak niyang iced Americano "hindi to tulugan" sabi niya at nilahad sa mukha ko yung iced Americano. Tumingin naman ako dun na parang.. ewan? Hehe.. hala! "ano titigan mo nalang. Kunin mo" malamig niyang sabi kaya kinuha ko yun sakanya at ngumuso
Nakatayo lang siya sa harapan ko nun at tumingin lang siya sa kawalan. Ang hirap hirap namang basahin ni Chase! Nakakainis! "Chase galit ka ba sakin?" mahinang tanong ko sakanya... nahihiya kasi ako!?!?! Kainis talaga!
Tumingin naman siya ulit saakin non na kumurap kurap. Ano? Di ako marunong mag basa ng pag kurap! Nakakaloka naman to! "bakit ako magagalit" hindi ko alam kung tanong ba yan kasi may salitang bakit pero yung tono niya parang di naman tanong
"kasi di mo ako pinansin e. akala ko galit ka. Ang hirap mong basahin" sabi ko at yumuko. Nahihiya kasi ako! Pero syempre nasasaktan ako na di niya ako pinapansin at akala mo eh wala kaming pinagsamahan! Kinuha niya nga ang first kiss ko! Tamo naalala ko nanaman!
"mas mahirap kang basahin" halos bulong niya pero enough na na marinig ko dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito at napaka-tahimik pa. tumingala ako sakanya na may pagtataka sa mukha ko. Ayan nanaman yung makahulugang tingin niya, o ako lang ang nag iisip na may kahulugan yon? "sino bang gusto mo?" tanong niya na ikina-taka ko.
"ha? Anong ibig mong sabihin?" nag iba naman yung tingin niya sakin. Umirap siya sakin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko kasi parang nainis siya? Hala?
"ang slow mo" mahina nanaman niyang sabi. Napa-hehe face ako pero nahihiya ako sakanya kasi pissed na pissed siya e. "di kita papansinin ulit pag kinausap mo pa si Wynter" sabi niya. Huh? Ano namang issue niya kay Wynter?
"bakit? Eh diba bestfriends kayo? Ba—" napatigil ako nung tinakpan niya yung bibig ko nun. Ginawa naman akong bata nito!
"tsk. Kulit. Sundin mo nalang" medyo inis niyang sabi kaya mas lalo akong nagtaka sakanya. Ano ba to! Nakakaloka siya ha! Hinawakan ko yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko at tinanggal yun
"Chase naman! Nakikipag friends lang yung tao. Tsaka ano namang masama dun? Kaibigan mo naman siya diba" sabi ko pero umirap siya at hinila yung kamay niya na hawak ko. Hmp!
"edi sige sakanya ka makipag kaibigan" umirap nanaman siya at aalis na dapat pero tumayo ako at hinila yung bag pack niya kaya napabalik siya sa harapan ko "tss. Ano ba" irita niyang sabi. Napangiti naman ako "mukha kang tanga. Wag ka ngang gumanyan" sabi niya pero lalo lang akong napangiti
Ehhh!!! Natutuwa ako! Ewan ko! Kasi naman! Heheehe. Wala lang "gusto kong isipin na nagseselos ka" sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya ng diretso saakin "oo na di ko na kakausapin hehehehe" sabi ko na ngiting ngiti sakanya
Umirap nanaman ang loko "porket gwapo no sasamahan mo na" sabi niya kaya tumawa ako ng kaonti sakanya kasi ang cute cute ni Chase! Waaaaah!
"oo. Kaya nga sumasama ako sayo" napatitig naman siya sakin nun sabay iwas niya. Eeeeeh! Ang cute cute! Pinisil ko yung pisngi niya na nun kaya tinanggal niya yung kamay ko at iritang umalis sa harap ko. Nako Chase ha
"di ka pa ba uuwi. Late na" sabi niya "umuwi ka na" tapos lumabas na siya ng theater room. Ngumiti lang ako sa sarili ko nun. Minsan gusto kong isipin na crush ako ni Chase e! pero syempre di ko iisipin niyo kasi mahal niya pa yung naging girlfriend niya dati. Ayoko naman na masaktan no
Binalik ko na sa stock room yung mga pang linis na ginamit ko at kinuha yung bag ko at yung iced americano. Bumaba ako para puntahan yung locker ko kasi maglalagay ako ng libro. Medyo mabigat kasi yung bag ko. Pag-karating ko sa hall way kung nasan yung locker ko at ng ibang students ay nanlaki yung mata ko
May nag spray paint sa locker ko. Naka-sulat. 'SLUT!' kumunot naman yung noo ko nun kasi sino namang mag-va-vandalism dito!? At sa locker ko pa talaga ha! "mga students talaga walang magawa!" sigaw ko sa sarili ko at irereklamo ko talaga to sa office ng school! Nakakainis e! pangalawang beses na na may nangtrip saakin o sa locker ko!
Inano ba siya ng locker ko at ganyan nalang babuyin!?

BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomanceA cold heart can blossom with a White Sugar