c h a p t e r 1 8

235 10 2
                                    


Chapter 18






Jenny's POV







Kakatapos ko lang mag linis ng corridors this morning. Naglalakad na ako papuntang unang class namin. Pag bukas ko ng pintuan nun eh wala pang students. Ako palang ang tao pero nagtaka ako na may nakalagay sa desk ko.



Nilapitan ko naman yun at bottle siya ng isang sikat na brand ng inumin dito sa Boston. Sino naman ang nakaiwan nito dito? Luminga linga naman ako nun para i-check kung ako lang bna ang tao pero ako lang talaga e. kinuha ko yung bottle at may letter pala dun!



'Hi Jenny! Drink this because I know you're exhausted! Smile always :)'



Napangiti naman ako nung mabnasa ko yung nakasulat dito na note na nakadikit sa bote. Napatingin ako sa pintuan nung bnumukas yun at si Chase pala. Napatingin siya saglit saakin pero umiwas din siya at naglakad na papalapit saakin dahil seatmates kami. Napansin ko naman na nakatingin siya dito sa hawak ko. Gusto niya ba?



"ano yan?" tanong at lumanding ang mata niya sa mata ko. Eh? Nakikita naman niya na bottle siya ng oft drinks diba? Naulanan ata si Chase. Nako nako



"edi inumin ano ka ba!" sabi ko at binuksan yung bottle pero agad niyang inagawa sakin yun kaya nanlaki yung mata ko "Chase!" sita ko sakanya pero nakatingin lang siya sa bote nun na parang ine-examine niya kung ano yun


"wag mong iinumin to" simpleng sabi niya kaya nagtaka naman ako



"bakit naman hindi?"



"cooking oil" simpleng sagot niya lang sabay upo sa upuan niya at nilagay lang sa ibabaw ng desk niya yung bottle. Pano naman naging cooking oil yun?



"cooking oil? Bakit naman may magbibigay sakin niyan eh di naman ako magluluto tapos nakalagay pa inumin ko" sabi ko pero tumingin siya sa bintanang maliit sa pintuan ng classroom namin sabay tayo at tumingin sakin. Nakakabigla naman to!



"you're not wearing the clip I gave you" sabi niya sabay hawi sa buhok ko na tumatakip ng bahagya sa mukha ko. Naramdaman ko yung pag init ng mukha ko at kasabay nun ang pag bell kaya nag sipasukan na ng classroom yung mga kaklase namin



"hi Jenny!" bati saakin ni Seunghee kaya ngumiti ako sakanya

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon