Chapter 26
Jenny's POV
Kaka-dating ko palang sa school nun pero tinatawag na agad ako ng kalikasan!! Tumakbo ako sa pinaka-malapit na comfort room at pumasok sa cubicle na naka-bukas ang pintuan at agad kong sinara yun sabay upo sa toilet. Haaaaay success!!!
Tumayo na ako nun tapos inayos ang uniform ko. If-flush ko na dapat yung toilet nung makarinig ako ng pagbukas ng pintuan at kasunod yun ay yapak na parang papunta sa bandang harapan ng kung saanl
Hindi ko alam sa sarili ko at nanatili lang akong nakatayo sa loob ng cubicle. Hanggang sa makarinig ako ng isang pamilyar na boses "im really tired pf pretending! I still cant caught his attention!" Hindi ako pwedeng magkamali kung kaninong boses yun
Kahit pawis na pawis na ako eh keri pa rin. Ewan ko ba at pinanganak akong chismosa at napaka-curious ko sa lahat ng bagay! Hay nako Jenny
"I did everything to hurt her mentally and also physically!" Nag echo yung boses niya sa buong comfort room dahil base sa instincts ko eh dalawa lang kaming nandito dahil maaga pa
Pinunasan ko yung tumulong pawis mula sa noo ko kasi bes ang init dito. Tapos kanina pa ako dito. Kulob bes. Kulob. Napatigil naman ako sa pagpapahid ng pawis ko nang marinig ko siya ulit
"I think she's mad at him. I dont know what the reason is but im glad that she's mad! They're not talking to each other this past few weeks and thats good!" Tumawa siya nun at ako naman eh napakunot ng noo
Bakit parang pamilyar yung mga sinasabi niya? Alam niyo yung gusto na ayaw ng utak ko isipin yung mga thoughts na kinanatakot ko kasi alam kong mabuti siyang kaibigan saakin
"It was sad that Jenny was about to drink the cooking oil" tumawa siya ulit nun at doon. Parang naramdaman ko na gumalaw bigla yung brain cells ko at pinagtatagpi tagpi ang mga nangyari hanggang sa nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig ko nang ma-realize ko na tama si Chase...
Binuksan ko ng kaonti yung pintuan ng cubicle kaya nasilip ko siya. Tama, si Seunghee nga.. naglalakad lakad pa siya nhn habang may cellphone siya sa tenga niya. Hindi siya pilay? Bigla akong nakaramdam ng inis. Naiinis ako sa sarili ko na... di ko pinaniwalaan si Chase
"I know im one step closer to get Chase. If my plan to get rid of Jenny will succeed then Ivan Chase will be mine" pakiramdam ko eh namumula na ako sa sobrang inis na nararamdaman ko sakanya. Naging mabuti naman ako sakanya ah! "Nae, see yah! Annyeong!"
BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomanceA cold heart can blossom with a White Sugar