f i n a l c h a p t e r

298 6 0
                                    



Final Chapter







Jenny's POV






Nahiga ako sa higaan ko nun at napabuntong hininga habang nakatitig sa kisame. Mahal niya ako? Totoo ba yun? Hindi ba ako nagkamali ng pagkarinig sakaniya? "aish!!!" nagpagulong gulong ako sa higaan ko dahil sa frustration. Gusto kong kiligin pero galit siya! Pero yun naman yung goal ko diba? Yung layuan na niya ko nang patahimikin na ni Seunghee ang buhay ko



Napa-nguso ako nun at tagilid na humiga. Niyakap ko yung unan ko at tumitig sa kawalan. Gusto ko si Chase, sinabi niya rin na gusto niya ako, pero paano si Seunghee? Paano ang company nila Chase? Paano ang pangarap ko? Nakaka-frustrate!



Diretso ulit akong humiga at tumitig sa kisame. Dalawa lang ang maaari kong piliin "ang lovelife ko, o ang pangarap ko?" tanong ko sa sarili ko at napa-buntong hininga ulit. Grabe ngayon ko lang pinroblema (problema) ang lovelife ko. Tsaka dapat na rin no! kasi 20 na ako... ay nako kung ano ano iniisip ko!!



Umupo ako nun at tumitig sa pader. Eh pader nasa harapan ko e. ano na Jenny? Positive girl ka diba? Lahat nagagawan mo ng paraan pero ano na? Jenny!!! Think of a solution!!! Ayoko maging... isa sa dahilan kung bakit malungkot si Chase. Ayoko maging isa sa kung tignan niya eh parang nagt-tear up siya..



Ayokong mawala lahat ng pangarap ko. Lahat ng pag-hihirap na ginawa ko ayokong masayang. Ayokong mauwi sa lahat yung mga ginawa ko para lang makapag-aral sa magandang music school at maging isang singer. Ano baaaaaa






Ivan Chase' POV






Pagka-park ko sa kotse ko eh tumingin ako sa labas. It's raining snow. I sighed at binuksan yung pinto atsaka ko kinuha yung bag ko. Aalis na sana ako nang maalala ko yung kanina. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan ko yung sarili kong mapalapit sakaniya



Naramdaman ko naman na na masasaktan lang din ako sakaniya pero hinayaan ko parin yung sarili ko na mahulog sakaniya. "nakakainis!" sinipa ko yung tire wheel ng kotse ko at nag-flat naman yun bigla. Ang galing. Ang galing mo Ivan, todo iwas kang masaktan pero lapitin ka ng hurtness at kamalasan



Napa-irap nalang ako nun at buntong hininga nang biglang tumunog yung cellphone ko. Nilabasa ko yun mula sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag saakin. Si Bea. Sinagot ko yun at nilagay sa tenga ko ang cellphone ko "Ivan! Classes in music school will end right? Did you bought plane ticket already?"

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon