Chapter 35
Jenny's POV
"Someone please look, you're seriously so cute" pag-kanta ko nun. Medyo naiilang ako kasi nakatingin siya saakin na akala mo may dumi ako sa mukha. Mayroon nga ba? Nakakahiya kung meron. Pero alam kong wala naman e hehehe kasi nag salamin naman ako kanina, maayos naman mukha ko
1 week na rin kaming nag p-practice. Next week na rin yung performance sa voice lesson. Nakapag-exam na kasi kami sa ibang subjects at nakapag-oral na. Iba talaga kapag may kasama lang pro na sa pag gawa ng kanta. Pero syempre secret tong pag p-practice namin. I mean secret ko. Kasi naman pag nalaman to ni Seunghee baka kung ano nanaman ang gawin niya. Pero malakas pakiramdam ko na nakakatunog na siya
"You're good" sabi niya nung matapos yung pag tugtog namin. Ngumiti naman ako ng kaonti sakaniya. Jusko ang hirap tiisin ni Chase kasi medyo nagiging pala-ngiti na siya which is napaka-cute lang ng sobra huhuhu "may na-discover akong talent ko" out of the blue niyang sabi kaya napatingin ako sakaniya
Binigyan ko siya ng nagtatakang look "ano naman yun? Nasalo mo na lahat ng talent sa mundo" lowkey lang naman yung pag compliment ko sakaniya kasi ngumiti lang siya ng konti. Bakit pakiramdam ko nahi-hypnotize ako sa ngiti niya?
Nagsimula naman siyang gawin yung talent niya daw. Naka-lusot yung drum stick sa magkabila niyang daliri tapos napapa-andar niya yun hanggang sa dulo ng kamay niya kaya natawa ako kasi ang cute cute lang. Proud na proud siya sa talent niyang yan
Tumingin ako sa screen ng cellphone ko nun at 7pm na pala. Nako baka maubusan na ako ng bus nito "Chase mauna na ako. Late na e" sabi ko at inayos na yung bag ko sabay takbo palabas. Baka kasi pag binagalan ko e mag insist siya at ihatid ako. Di naman ako nag a-assume, baka lang naman. Atsaka may sa-demonyo ata si Seunghee dahil nalalaman niya lahat ng ginagawa ko.
Nung may bus na akong nakita agad akong sumakay dun at naupo na sa may bandang gitna kung saan mayroong bakante. Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga. Nakakapagod na mag panggap na masaya ako sa klase dahil sa totoo lang nahihirapan ako kay Seunghee. Parang bawat galaw ko nakatingin siya at sinasabing 'im watching you'
I'm physically and mentally tired and hurt because of her. parang dinidikta na niya yung buhay ko. Sobrang nakakapagod lang. Palagi ko Kailangan mag galit galitan Kay Chase para lang mapakita kay Seunghee na di ko inaagaw ang love of his life.
BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomanceA cold heart can blossom with a White Sugar