Chapter 5
Jenny's POV
"Here you go. You've been such a hard working employee and also a student. You're an inspiration" sabi sakin nung head nung basta hehe yung nagbibigay ng sweldo. Nag bow naman ako nun as a respect at naglakad na palabas ng office niya. Habang naglalakad ay binuksan ko yung envelope na binigay niya at binilang yun
Nag bilang bilang naman ako sa mga gastusin ko sa araw araw at medyo nanlaki mata ko kasi may malaki laki pa akong tira nun. Gusto ko sana ilagay sa savings pero may gusto lang akong paglaanan
Ngumiti ako sa sarili ko nun at nag lakad na papuntang Classroom. Pinalabas lang kasi ako kanina kasi tawag nga daw ako so ayun. Pagka-pasok ko ng classroom nun ay may nag eendorse? Endorse ba tamang term? Basta. Ng organization nila kaya medyo maingay yung klase
Dumaan lang ako pabalik sa upuan ko sa may bandang unahan nun na walang nai-interup. Umupo lang ako at nag halumbaba sa desk ko kasi nakaka-bored yung mga ganyan ganyan sa classroom. Tumingin ako sa bandang likuran nun at nakatingin lang siya sa mga nagsasalita. Kung di mo siya kilala iisipin mong nakikinig siya. Pero dahil basa na basa ko na ang mata niya, alam kong lutang o wala diyan ang utak niya
"Chase!" Tawag ko na hindi ulit sila nai-interup kasi kanya kanyang business lang yan. Tumingin naman siya sakin na parang di siya Interesado sa sasabihin ko "libre kita mamayang uwian!" Sabi ko at Tumingin lang siya sa harapan ulit nun sabay tango. Ngumiti naman ako kahit di na siya nakatingin
Ivan Chase' POV
"This handouts will serve as your reviewers" sabi nung teacher at pinasa pasa nila yung handouts daw. Ba yan exam nanaman. Di pa ako move on sa naunang exam tapos exam ulit. Nasa last row ako nun kaya ako yung huling mabibigyan ng handouts
Pagka-abot nung Seunghee sakin nung handout may nalaglag na papel. Hahayaan ko na sana kasi kalat lang yan at dedma ako sa papel na yan kaso tinuro yun nung Seunghee na kaibigan ni Jenny kaya inabot ko
Pagpupulutin pa ako ng kalat. Nung pinulot ko yun hahayaan ko na sana sa desk ko pero nahagip ng mata ko na may sulat siya kaya binuklat ko at binasa kung ano yung nakasulat sa papel na mukha nang pang kalakal
![](https://img.wattpad.com/cover/75955433-288-k556441.jpg)
BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomansaA cold heart can blossom with a White Sugar