Chapter 14
Jenny's POV
Bago ako pumasok sa school eh pumunta muna ako sa grocery store para bumili ng hot honey chuchu basta yun! Maganda daw yun sa mga may sakit e. kahit wala nang lagnat si Chase, nag aalala parin ako na baka mabinat siya! Kawawa naman!
Nags-stroll lang ako nun at hinahanap kung nasaan yung mga honey na yun. Nasan na bay un? Tumingin ako sa wrist watch ko at maaga pa naman kaya di ako mal-late. Tsaka malapit lang dito yung school. Walking distance lang
Habang naglalakad ako eh nakita ko na yung stalls naman honey na ewan kaya inangat ko yung ulo ko at dun ko na nakita yung hot honey! Yey! Napangiti naman ako sa sarili ko nun kaya ini-stretch ko yung kamay ko para maabot yun kaso jusko di ko abot!
Pero don't give up! Maabot din kita! Halos ii-stretch ko na yung buong katawan ko nung may isang kamay na nag abot nun at binigay sakin. Sinundan ko naman ng tingin kung kaninong kamay yun at halos mag drool ako sa nakikita ko ngayon
Grabe demi God siya bes! Ang gwapo niya! Isang napaka-puting lalaki na blonde ang buhok tapos gray yung mata niya e. wala naman siguro siyang catarata. Baka contact lense lang. tapos matangkad siya at broad ang katawan niya. Mukha siyang model kahit naka-white t-shirt at maong pants lang siya
Singkit rin siya at mukhang Asian. Siguro Asian siya? "done scanning?" tanong niya na nakangisi at doon lang bumalik ang kaluluwa ko sakin. Kahit sino naman sigurong makakakita sa taong to eh mapapa-nganga e!
"ah sorry! By the way thank you!" sabi ko at ngumiti sakanya. Aalis na dapat ako nun nung bigla siyang nagsalita
"you're from berklee college?" tanong niya nun habang nakatingin sa patch na nasa coat ng uniform ko. Tumingin rin naman ako dun sabay tingin sakanya at tango "I was about to go there. Can I come with you?" tanong niya na masisilaw ka sa puti ng ngipin niya
"ah.. sure! I'll just pay" sagot ko sakanya kaya pumunta naman kami ng counter para bayaran tong hot honey. Lumabas rin naman kami at naglakad na papuntang school "ah.. are you going to transfer?" tanong ko sakanya kasi medyo tahimik e
"yes. Next sem probably? Well I came along from Seoul just to study here" pag kwento naman niya kaya tumango ako sakanya. Feeling ko makaka-vibes ko siya kasi mukhang happy kid din siya eh!
"I knew it you're Korean! I'm a Filipina" sabi ko naman na nakangiti at medyo napatigil siya dun sabay tingin sakin. Nagtatakang tinignan ko naman siya. Weird niya ng kaonti bes ha? Pero gusto ko ang aura. Masaya ang aura
"my mom is a Filipina! So I'm half Korean and half Filipino. Wow the world is really small" medyo nagulat rin naman ako nun kasi whoaaa!!! Another pinoy bes! Makaka-vibes ko nga talaga tong tao na to lalo na at mag aaral siya dito!
Ivan Chase' POV
Papasok na ako ng school nun nung may sumigaw ng pangalan ko "Chase!" lumingon ako na walang expression pero sana di nalang ako lumingon dahil si Seunghee lang pala. Dinedma ko nalang siya at naglakad nalang ulit. Ayoko ng makulit
Nag lakad lang ako nun hanggang sa naramdaman ko na may humawak sa balikat ko kaya tinignan ko kung sino yun at si Seunghee parin na hingal na hingal. Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko dahil ayokong mainis ngayong araw
"don't ignore me for pete's sake! We're classmates after all so there's nothing wrong if we will go to our classroom together right?" tinanggal ko naman yung isang earphone sa tenga ko at tinignan siya. Malamig na tingin kaya medyo nag make face siya
"don't ruin my day. I had a great day last last day and yesterday so stop" walang reaksyon kong sabi at kinabit ulit ang earphone sa tenga ko sabay lakad papunta sa building namin. Paakyat na ako nung maamoy ko yung pamilyar na pabango at makarinig ng pamilyar na boses
Pumunta ako sa gilid nun para magtago. Di ko rin alam kung bakit ako nagtago e "yes there's the office. You can inquire there" masaya niyang sabi dun sa lalaki na mukhang pinaglihi sa labanos. Tss
"oh thanks for coming with me Jenny" sabi niya na nakangiti rin at hinawakan pa yung kamay ni Jenny. Napa-irap nalang ako at umakyat nalang papunta sa classroom ko. Kainis naman
Jenny's POV
Nakarating na rin naman ako sa classroom nun bago pa mag bell. Grabe ang jolly jolly ni Wynter! Oo Wynter ang pangalan niya. Ang cute cute nga e! pag pasok ko sa classroom eh hinanap agad ng mata ko si Chase nun. Nakita ko naman siya na nakaupo sa upuan niya habang naka-earphones
Ngumiti ako sa sarili ko at pumunta na sa upuan kung saan ako nakaupo "Chase!" sabi ko at pinakita sakanya yung hot honey na honey lemon tea pala ang tawag. Tinignan niya lang yun tapos biglang dedma. Hala anong trip niya?
Dumating naman nun yung violin instructor namin kaya di ko na siya kinulit pa. nilagay ko nalang muna sa desk ko yun. Ano bang problema niya? Bakit siya biglang naging ganyan? Nung nakaraan okay naman! Nagkkwento pa nga siya tas ngayon dedma nanaman!
BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomansaA cold heart can blossom with a White Sugar