c h a p t e r 3 6

213 5 1
                                    

Chapter 36






Ivan Chase' POV






Nakaupo lang ako sa sofa dito sa living room sa apartment ko nun. Nilalaro ko lang yung vacuum cleaner na nasa likuran ng sofa. Di kasi ako naka-ayos ng upo. Parang pang tamad na upo lang. Wala kasing magandang palabas. Tapos nakakatamad na mag social media kaya itong vacuum cleaner ang napag-diskitahan ko.



Wala nga pala kaming pasok ngayon. Free day lang. Wala rin kaming practice ni Jenny kasi sabi niya di kami pwede magkita pag walang pasok. Naalala ko nanaman yung kagabi. Akala ko talaga mawawala siya sakin, buti nalang sinunod ko yung instinct ko na sundan siya



"Elo my frenie" napatingin ako sa pintuan ng apartment ko at naka-bukas yun at isang abnormal na Wynter ang nakatayo sa harapan ko "akala ko nag palit ka na ng password sa pintuan?" Tanong niya kasabay ng pag sara niya ng pinto at upo sa mini sofa na nandito rin sa salas



"Pag ginawa ko yun wala ka nang kaibigan" sabi ko sakaniya with my cold voice pero sarcasm yun. "Tamang tama you're here. Do the vacuum" utos ko sakaniya at tinuro pa yung vacuum cleaner



Nakita ko naman yung pagka-gulat sa mukha niya at akala mo inuutusan ko siyang pumatay "I'm not your maid Mr. Lim wtf" sabi niya kaya natawa ako sakaniya "yan. Yan ang tropa ko. Pala-tawa" sabi niya ulit at itinaas ang kamay niya para makipag apir saakin pero tinignan ko lang siya "sige papalakpak nalang ako" sabi niya pumalakpak



"Ano nga bang sadya mo dito? Di ka nag grocery no? Walang pagkain sa apartment mo" sabi ko habang nakatingin sakaniya and he gave me a cheeky smile kaya napa-irap ako nun sakaniya. Kahit kelan talaga tong taong to



"Hindi ako makikikain dito! Papasama ako mag grocery! For a living! Para pag nagka-asawa na ako handa na ako hehehe" sabi niya na masayang masaya kaya umirap ulit ako. Tumayo naman ako nun "oh san ka pupunta?" Tanong niya na may paghawak pa saakin



"Magbibihis. Ayokong lumabas ng ganito" dumiretso na ako sa kwarto ko at nag bihis lang. Lumabas din ako nun at bumaba na kami mula sa apartment "wala palang gas kotse ko. Dala mo sayo?" Tanong ko habang naglalakad kami sa lobby.



Naramdaman ko yung pag tigil niya nun kaya napa-lingon ako sakaniya "nag commute lang ako papunta dito e... lah!" Ang abnormal talaga. Pano ko ba naging best friend tong g-gong to.

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon