Chapter 3
Jenny's POV
Tinuturuan kami ng teacher naming tungkol sa mga piano. Halos 1 month na din kami nag aaral dito sa music school at ganun parin si Chase. Di kami magkatabi sa piano class e. pero sa halos lahat ng subject magkatabi kami
Nag halumbaba ako para kunwari nakikinig ako sa teacher ko pero tumitingin ako sa may bandang likuran nun at tahimik lang si Chase na nakikinig. Well he's really silent naman talaga pero nagsasalita naman siya kapag kinakausap siya ng teachers namin. Grabe nga e parang mas magaling pa siya sa teacher namin dito sa piano class kasi nung kelan tinama niya yung teacher. Dami niyang sinabi e
Napatagal nanaman ata ang tingin ko sakanya kasi napatingin siya sakin kaya ngumiti ako pero dedma nanaman siya ulit! Nako kung di lang ako sanay sakanya e! sakanya na nga ako minsan sumasabay sa lunch kasi naiintindihan naman daw nila Seunghee na kawawa naman si Chase na laging mag-isa
Inalis niya na yung tingin niya nun at tumingin sa binder niya habang iniikot ikot sa daliri niya yung ballpen niya. Tumingin nalang din ako nun sa teacher ko nun dahil baka mahuli ako sa lessons kakatitig sa perfect feature niya. Oo gusto ko siyang i-praise sa isip ko. Baka naman kasi pag sinabi ko sa personal isipin niya na crush ko siya. Onti lang? hehehehe
Nag bell na nun ibig sabihin tapos na ang class at kanina nag work na akong umaga so wala na kong work ngayon hapon hehe. Nalaman ko din nga na ang dami ring mga kaklase kong nagw-work e. si Chase rin pala! May ari pala sila ng clothing company dito sa Boston. Ang galling galling talaga!!
"bye Jenny! See you tomorrow!" sabi ni Julia kaya nag bye bye na rin ako sakanila nun at aalis pa sila sa work nila. Tumingin ako sa likuran at naka-ub ob nun si Chase. May sakit kaya siya? Tumingin ako sa paligid nun at lumabas na rin yung iba kong kaklase kaya lumapit na ako sakanya nun
Umupo ako sa tabi niya nun sinilip ko siya. Nakapikit siya nun "Chase? Okay ka lang?" tanong ko at kinalabit siya. Umayos naman siya nun at sumandal sa upuan niya sabay tingin sakin na, as usuall walang emotion pero mukhang pagod yung mukha niya
Tumingin siya sa wrist watch niya at tumayo na siya sabay kuha sa bag niya at lumabas ng classroom. Ito talagang taong to eh no? rude siya medyo ha? Tumayo na rin ako nun at sinundan siya hanggang sa palabas ng school nun
Nakapamulsa siyang naglalakad nun pero pansin ko na parang dito din akong dumadaan kapag sumasakay ng bus pauwi ah? Nakita ko na tumayo na siya dun sa may sign ng bus stop at sumandal nun sabay pikit niya
Ivan Chase' POV
Nakapikit lang ako nun habang nakasandal sa sign ng bus stop. Pagod na pagod ako ngayon dahil sa nagttrabaho din ako sa company namin. Ang hirap din maging anak ng CEO dahil ikaw na syempre magiging sunod na CEO at di mo ma-enjoy ang pagiging bata dahil sa ganito
Tapos nasira pa yung kotse ko, bus zoned tuloy ako "Chase! Nandito na yung bus!" medyo nagulat ako nun deep inside kasi nag no emotion ako sakanya. Nauna naman siyang sumakay sa bus at sumakay na rin ako. Di ko alam kung nananadya yung tadhana pero sa column na sa dulo ng bus nalang ang walang naka-upo
No choice kaya dun na ako umupo sa tabi niya. Umandar na yung bus nun at nag-unat siya nun. Siguro matutulog. Dapat di natutulog mga babae sa bus lalo na pag mag-isa. Baka mamaya kung anong mangyari. Di na safe ang mundo
10 minutes palang naman ang nakakalipas nun at naramdaman ko na parang may sumandal sa balikat ko kaya napitingin ako. Si Jenny lang pala, nakatulog siya. Di ko alam at napangiti ako sakanya nun. Antok na antok siya e. ang hirap talaga maging adult, puro work
"Morton street!" sabi nung lalaki kaya gumalaw nun si Jenny at napatingin sa labas at tumayo. Siguro taga dito siya. Lumingon siya sakin nun tapos ngumiti siya at kumaway. Tinignan ko lang siya nun tapos bumaba na siya. Sinundan ko lang siya ng tingin nun hanggang sa umandar ulit yung bus
Di ba siya napapagod bumuntot ng bumuntot sakin? Ang lamig lamig ko na nga sakanya e. kaya naman ako ganun sakanya kasi masyado siyang mabait at masiyahin. Ayoko nang mahulog ulit. When I fall, I fall damn hard. Umiling nalang ako sa mga naiisip ko nun
Tumayo na ako kasi dun na ako bababa nun, pagkababa ko nun naglakad lang ako ng kaonti at pumasok na sa apartment ko. Nag elevator ako nun at pumasok na sa apartment. Buong 5th floor kasi sakin. Malay ko ba sa nanay ko. Masyado niya akong na-baby at lahat binibigay
Sinara ko na yung pinto at humiga ako nun sa kama ko, nakipag titigan sa kisame. Inabot ko yung cellphone ko at tinignan yung lock screen ko na kami ni Bea. I miss her, I really do. Napa-buntong hininga nalang ako at hinayaang mag dilim yung screen ng cellphone ko
Why am I so damn broken. Why can't I help myself to move on and be happy. Bakit ang hirap. Ivan, grow up. Magtu-22 ka na but you can't still help yourself to be happy. Habang nakatitig ako sa kisame nun, I felt a tear fell from my eyes
BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomanceA cold heart can blossom with a White Sugar