c h a p t e r 3 4

197 8 1
                                    

Chapter 34







Ivan Chase' POV





Tumunog na nun yung bell. Ibig sabihin eh dismissal na. Wala namang nangyari ngayong araw. Parang typical day lang. Nakakatamad nga e. Ang maganda lang ata eh si Jenny. Dejoke lang



Para ngang buong araw aakaniya lang ako nakatingin. Di ko naman na yun ipagkakait sa sarili ko. Aminado naman ako e. Nag lalabasan yung mga kaklase ko pero ako hindi pa timatayo. Siya din e.



Kinausap naman siya nung Claire, Julia at ni Seunghee. Tumango tango sila nun at di ko alam kung ano ba yung pinag-uusapan nila "okay we're heading. I hope next time you will come" sabi nung Julia at hinila palabas si Claire at si Seunghee na parang ayaw pa sumama sakanila. Nag tama pa nga ang mata namin



Tumayo siya nun at parang pinakikiramdaman yung paligid niya. Ang weird talaga ni Jenny kahit kelan. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko sabay punta sa harapan niya. Tumayo siya agad nun at diretsong nakatitig sa mata ko. Her eyes are shaking



"Dito nalang tayo sa school mag practice. I mean sa theater room. May mga instruments naman dun" sabi niya with a little bit of authority in her voice. Ang cute nya lang



Nakatingin lang ako ng walang emosyon sakanya at parang di siya komportable dahil dun "good idea. Maganda din itugtog sa instruments yung white sugar. Tara sa theater room" tumalikod na ako sakaniya nun at nagsimulang mag-lakad. Narinig ko din ang mga foot steps niya kaya alam kong naka-sunod siya saakin







Jenny's POV






Nakarating na kami sa theater room at pinaiwan ni Chase yung ID (Identification card) niya para makagamit kami ng mga instruments na nandito. Grabe nakaka-mangha naman yung mga gamit dito



Sa sobrang pagka-mangha ko, di ko namalayan na nakaupo na si Chase sa harap ng drum set at tumugtog siya dun. Napatingin naman ako sakanya at siya focus na focus sa drums nun.



Teka parang alam ko yung tinutugtog niya. Ka-tono nung kantang ginawa niya para sa project namin. Grabe na-amaze naman daw ako kay Chase! Ang talented naman niyang tao

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon