c h a p t e r 1 3

263 7 1
                                    

Chapter 13






Ivan Chase' POV








Nagising ako dun sa araw na sumisilip sa curtain ng kwarto ko. Pag dilat ko syempre kisame ang una kong nakita. Nakipagtitigan ako dun ng ilang Segundo hanggang sa napatingin ako sa bandang gilid ko. Nakita ko siyang naka-ubob sa gilid ng kama ko at natutulog 



Umupo ako nun at napahawak sa noo ko. Wala na akong lagnat pero ang sakit ng ulo ko, medyo lang naman. Tinignan ko siya nun at ang peaceful ng mukha niya. Ang tahimik naman pala niya pag tulog. Akala mo babaeng di mag iingay 



Napansin ko naman nan aka-uniform parin siya. Hala eh ang ikli ng palda ng uniform ng mga babae edi giniginaw na to panigurado. Tumayo ako nun at tinignan yung aircon, ang lakas pala kaya hininaan ko tapos pumunta ako sakanya at binuhat siya sa kama ko para doon pahigainat kinumutan siya. Tulog mantika naman nito 



Tinignan ko lang siya nun na tahimik lang na natutulog. Minsan nacu-curious na din ako sakanya na bakit lagi niya akong tinitignan at sinusundan. Bakit ba siya curious sakin e may sarili naman siyang buhay na dapat maging curious siya. Bumuntong hininga nalang ako at lumabas ng kwarto ko 



Matapos kong mag hilamos at toothbrush eh dumiretso ako sa kusina. Wala pala kaming pasok ngayon kasi free day. Binuksan ko yung ref at nag hanap ng pwedeng kainin. Ano bang kinakain nung babaeng yun? Di naman siguro siya picky eater diba? 



Kinuha ko nalang yung bacon na nasa tapperware at niluto yun. Kumuha din ako ng itlog para lutuin yun. Nung okay na eh nilagay ko na siya plato at nilagay sa lamesa. Kinuha ko yung mga bread na nasa ref din at sumubo ng isa nung naamoy ko yung pabango niya 



"Chase! Okay ka na ba?" bigla niyang sabi at nagmamadaling lumapit sakin sabay hawak sa nook o. ano nanamang problema nito? "Chase baka mabinat ka!" napa-irap naman ako sakanya nun at tinanggal yung tinapay na nasa bibig ko at sakanya ko sinubo yun 



"nakita mo naman na okay na diba" sabi ko at naupo na sa dining table. Tumingin naman ako sakanya nun at nakatayo lang siya dun sa counter habang nginunguya yung tinapay. Gusto kong matawa s aka-cute-an niya eh. Yung totoo? 20 na ba talaga siya? Parang 5 years old e "umupo ka na. lalamig yung pagkain" sabi ko pinalaman yung bacon sa tinapay 



Umupo naman siya sa harapan ko kaya inabot ko sakanya yung bread. Kinuha naman niya yun at nakatingin parin siya sakin kaya tumingin din ako sakanya. Di naman ako naiinis na makipagtitigan sakanya kasi cute naman siya so okay lang 

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon