Chapter 11
Jenny's POV
Nung sinabi kong kukuha ako ng tubig eh dali dali na akong lumabas ng kwarto niya. Nakakaloka ha! Tumingin ako sa paligid nun. "San ko hahanapin ang dapat hanapin?" Tanong ko sa sarili ko kasi jusko malala ang laki naman ng apartment nya! Mansion na ata to e!
Naglakad na ako papunta sa ewan ko at binuksan ko yung isang kwarto at ito yung CR! Pumasok naman ako dun at nag hanap ng basin.
Nakakita ako ng maliit na palanggana at kinuha yun tapos nilagyan ko ng tubig. Doon sa sink eh may salamin sa ibabaw kaya binuksan ko yun "first aid kit!" Masaya kong sabi sa sarili ko at kinuha yun
Lumabas ako ng CR tapos bumalik sa kwarto niya para ilapag sa side table nya yung mga kinuha ko. Lumabas ulit ako at luminga linga nang makita ko yung kusina. Jusko mag isa lang ba talaga si Chase? Bakit ang laki naman ng apartment ng taong to!
Pumunta ako sa ref at kumuha ng ice tube tsaka dali daling binalikan si Chase doon sa kwarto nya. Nilagay ko yung ice tube sa palanggana at tinignan siya
Nakahiga lang siya at nakapikit habang pawis na pawis kahit may aircon naman dito sa apartment niya. Loose parin yung neck tie nya... napalunok nalang ako sa napaka-gwapong nilalang na nasa harapan ko
Hinila ko yung upuan na nakita ko dito sa kwarto nya na halos kasing laki na ng apartment ko. Binuksan ko yung first aid kit at kinuha yung towel na nandun. Nilublob ko yon sa tubig na lumamig na dahil sa ice tube.
Tinignan ko si Chase na parang hinahabol parin yung hangin niya habang nakahiga. Sinimulan ko siyang punasan sa noo niya na sobrang init. Grabe kung ano yung kina-cold ni Chase eh yun yung kinainit nya ngayon! Pinunasan ko yung buong mukha niya at makikita mo yung pag daing niya dahil doon
Binaba ko yung pag punas ko sakanya papunta sa leeg nya. Jusko feeling ko ako rin eh pinagpapawisan! Malakas naman aircon dito sa apartment nya diba!?
Patuloy lang ako sa pag punas ng leeg niya nun kaso diba kapag may sakit dapat punasan buong katawan! Kaso naman! Virgin ang mata ko! Tsaka pwede ko naman na siyang hayaan diba? Eh kaso nakakaawa naman! Waaaaah! "kaya mo to Jenny. Fighting" bulong ko sa sarili ko at nakapikit na tinanggal yung neck tie nya. Uwaaaa!
Sumilip ako ng kaonti nun dahil sa nakapikit nga ako at ganun parin naman siya pero natanggal ko na yung necktie niya. Ayan Jenny dahil bida kid ka panindigan mo yan jusko ako! Hinila ko na yung necktie niya at nilagay sa gilid yun
Woooh next naman! Yung coat niyang black wooh. Keri ko to! "Chase.. saglit lang ah.. kailangan ko lang ikaw punasan hehehe" kahit nag hehe ako e hindi masaya ang mukha ko kasi my virgin eyes!!!! Waaaaah! Inangat ko yung kamay niya para matanggal yung coat nya at successful naman po!
Bumuntong hininga ako at nakapikit na in-unbutton yung white polo niya "ginagawa mo?" parang nanigas naman yung buong katawan ko nung nag salita siya. Waah waaaaah! Ang husky husky husky ng boses niya! Sobrang deep! Underground na!
"ah.. ano kasi... may sakit ka.. kailangan punasan.. hehe" tinignan ko siya pero parang dedma siya at bagsak ulit. May sakit nga siya. Wala sa wisho e. so ayun tinuloy ko na ang pag un-button at halos lumuwa yung mata ko nung Makita ko yung... yung... pandesal bes! May ganito pala siya!? May abs siya!!! Kahit apat lang well toned naman! Waaaah jusko!!!
Napalunok ako nun habang nakatingin dun pero pumikit ako bigla. Jusko Jenny wag mo na lokohin sarili mo! Nakita mo na e!! tinanggal ko na ulit ng dahan dahan yung white polo niya at nilagay sa gilid. Binasa ko ulit yung bimpo at dahan dahang pinunas sakanya.
Jusko ano bang ginawa kong mabuti at may isang demi God na nasa harap ko ngayon! Wooh! Matapos ko siyang mapunasan eh nakahinga ako ng maluwag nun at tumayo papunta sa malaking cabinet niya. Ang laki e! kasya nga ata sampung tao dito!
Binuksan ko yun at halos malula sa dami ng damit niya. Jusko parang every 3 minutes pwede ka magpalit ng damit eh! Naghanap ako ng t-shirt na komportable at pilit na sinuot kay Chase. Buti nga di siya mahirap alagaan e. kinuha ko yung mga uniform niya tapos pumunta dun sa may CR na Malaki. Nilagay ko sa washing machine yun at hinayaang mag wash
Bumalik ako sa kwarto ni Chase tapos kinumutan ko siya at nilagay yung bimpo sa noo niya tsaka kinuha yung basin at binalik sa CR. Nung okay na yung washing machine eh sinampay ko na uniform niya. Bakit kaya hindi ako magkatulong dito eh no? mayaman naman si Chase baka Malaki sweldo ko nito!
Pumunta ako sa kusina nun at tinignan yung ref. kailangan niyang kumain para makainom siya ng gamot. Wala naman sigurong masama kung titignan ko kung ano ang pwede niyang kainin diba? Tumingin ako sa ref at may nakita lang akong mix soup something chuchu at kinuha yun sabay basa sa instructions
Tinignan ko naman yung stove nya. Ay kabog oh electric stove ang gamit ng kuya niyo Chase. In-open ko naman yun at niluto na. after ilang minutes okay na siya kaya nilagay ko na sa mangkok at bumalik sa kwarto niya. Nilapag ko sa side table niya yun at kinalabit siya "hmm" yun lang sagot nya
"Chase kainin mo to para gumaling ka" pero di siya nag respond kaya kinalabit ko ulit siya hanggang sa niyugyog na at nagulat ako sa bigla niyang paghila sakin

BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomantikA cold heart can blossom with a White Sugar