c h a p t e r 3 0

227 8 3
                                    

Chapter 30 






Jenny's POV






"You caught a cold. I bet you waited for the first snow last night" pagbiro nung Doctor saakin kaya ngumiti ako ng kaonti non



"Kung sino sino pa ang kasama" narinig kong nag murmur si Chase pero hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Gusto ko sanang tanungin kung ano pero wag na atsaka masama pakiramdam ko. Nag sulat na yung Doctor sa papel nun kaya nakatingin lang ako dun



"This is a medicine for your flu, cough and cold. Drink one tablet every 8 hours okay?" Sabi niya at inabot na saakin yung reseta. Tumayo ako nun at sakto naman na kaharap ko si Chase kaya kinuha niya saakin yung papel at hinawakan ako sa wrist sabay hila saakin papunta sa pharmacy na nandito sa clinic. Ito nanaman siya sa pag hila saakin.



Bumibili na siya nun nung mapagtanto ko na sipon at ubo lang naman tong sakit ko. No big deal "ahm.. Chase, sipon lang naman to. Pahinga at inom lang ng tubig ayos na" mahina kong sabi. Feeling ko mahina pagkakasabi ko kasi di ko marinig yung sarili ko dahil sa sipon



"Di naman kita sisingilin" sabi niya na hindi man lang tumingin sakin at nagbayad lang dun sa teller or cashier "rest on my apartment. Para atleast you will hear the song" dagdag nya at hinila naman ako palabas ng clinic



Ang hilig hilig niya talaga akong hilahin no? Di lang ako makapag-react kasi sobrang sama ng pakiramdam ko






Ivan Chase' POV







Binuksan ko yung pinto dito sa mini studio ko na nasa apartment ko. Pinaupo ko siya sa malaking sofa at inabutan ng kumot at unan pero nakatingala lang siya sakin "para saan?" Mahina niyang tanong



"Try mong kainin" sabi ko at nilapag yun sa lap niya at lumabas dun. Kumuha ako ng tubig at bumalik sakanya. Inabutan ko din siya ng gamot niya. Nakakapanibago tong babaeng to pag may sakit. Di nangungulit e tapos sobrang tahimik. Walang bahid ng pagka-hyper

White Sugar [BOOK I / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon