Chapter 16
Wynter's POV
Dumiretso kami dito sa canteen nila. Napansin ko naman na parang hindi mapakali si Jenny kahit nung naka-order na kami ng pagkain. "uy thankyou sa pag libre ah! Promise babawi ako next time!" sabi niya sakin at ngumiti. Ang cute niya talaga
Ngumiti din naman ako sakanya "no problem. Just always be with me and it'll be okay" napansin ko naman yung pamumula ng pisngi niya at nanahimik siya bigla. Napa-ngisi naman ako dun. Well, I like her eh.
Umupo na kami sa isang table non at panay parin ang likot niya. Tinignan ko siya at panay stretch ng leeg niya. Hinahanap ba nito si Chase? Ngumisi naman ako sa naisip ko nun at napansin ko na parang may nakatingin sakin kaya napatingin din ako dun
Lalong lumaki yung ngisi ko sa labi nung nakita kong nasa may bandang gilid na unahan naming nakaupo si Chase. Ako lang nakakakita sakanya kasi nasa harapan ko si Jenny kaya di niya mapapansin si Chase "Jenny, masarap daw yang yogurt na yan?" tanong ko at tinignan yung yogurt na kinakain ni Jenny
"ah ito? Oo masarap to! Gusto nga to ni Chase e" sabi niya na ngiting ngiti. Chase nalang bukang bibig ah. Tumingin ako saglit kay Chase at binalik din agad ang tingin ko kay Jenny
"can I have some?" tanong ko pero pinakita niya saakin na ubos na yung yogurt
"hala! Dapat sinabi mo na gusto mo. Bibilhan nalang k—" tatayo na siya dapat nun pero hinawakan ko siya sa kamay niya kaya napa-upo ulit siya. Sumilip ulit ako kay Chase na ang sama sama na ng tingin sakin. Haha
"hindi pa ubos" sabi ko at nilagay ko yung thumb ko sa gilid ng labi niya kung nasaan may kaonting yogurt pa at nilagay ko sa bibig ko yung thumb ko "that yogurt was indeed delicious" nakangiti kong sabi at nakita ko naman yung pamumula ng pisngi niya
Ang hilig talaga ni Chase sa mga cute.
Tumingin ulit ako sakanya na halos matadtad na yung yung mga vegetables na nasa tray niya. Pinanggigilan ata niya yun. Nakakatawa silang panuorin sa totoo lang. ngumisi ako nun at pinat (pat) sa ulo si Jenny habang nakangiti sakanya

BINABASA MO ANG
White Sugar [BOOK I / COMPLETED]
RomanceA cold heart can blossom with a White Sugar