"Kilala nyo po ba si Mary Cherry Chua?" seryosong tanong ni RJ kay Amy habang nakatitig lang dito. Ilang beses na niyang tinanong ang kaharap ngunit wala pa rin siyang natatanggap na sagot.
Hindi sinagot ni Amy ang tanong ni RJ .Tulala lang ito sa isang direksyon. Matanda na si Amy. Tulala at nakaupo ito sa kanyang lumang wheelchair. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha.
Nasa bahay nina Amy sina RJ, Jake, at Bert. Kinuha nila ang address ng naturang bahay sa lumang year book na hiniram ni Jake kay Joy. Pilit parin nilang inaalam ang tungkol sa pagkamatay ni Mary. Malakas ang pakiramdam nilang malapit na nilang malaman ang lahat ng kasagutan sa kanilang katanungan.
Nagtataka ang tatlong binata kung bakit hindi sumasagot si Amy habang tulala lamang sa isang direksyon.
"Ganyan na talaga si ate simula nang makita nya si Mary noong gabi na nakita itong nakabigti. Simula nun, lagi nang balisa si ate. Sabi ng mga doktor, extreme trauma ang naging epekto ng nangyari sa kanya. Hindi parin nya makalimutan ang nangyari. Nakataga na iyon sa kanyang ala-ala," sabi ni Rose na nagdala ng biscuit para sa kanila. Sya ang kaisa-isa at nakakabatang kapatid ni Amy.
"Kaya pala, hindi na po pala sya nakakapagsalita." Sabi ni Jake.
"Oo. May mga gabi na umuugol si Ate. Umiiyak parin siya kahit na napakatagal nang panahon ang lumipas. Dahil sa nasaksihan niya, hindi madali para sa kanya na kalimutan ang nangyari sa nakaraan. Umaasa parin kami na sana ay balang araw ay bumalik na siya sa normal." Bahagyang pinunasan ni Rose ang kaunting luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita sa kanya ang labis na awa para sa kanyang kapatid. "Noon, kilala si Ate bilang isang napakamasayahing tao. Para ngang wala siyang problema sa tuwing nagpapatawa siya eh. Sa kanilang magkakaibigan, siya ang pinakapalabiro. Nanghinayang rin kami dahil hindi niya natupad ang pangarap niyang maging guro balang araw."
May kinuhang mangkok si Rose na may lamang mainit na lugaw. Tumabi siya kay Amy upang subuan ito at pakainin. Kapansin-pansin ang payat at mahinang katawan nito.
Bakas ang awa sa mukha ng bawat isa sa kanila. Tahimik rin ang buong paligid at tanging tunog lang ng biscuit na kinakain ni Bert ang maririnig.
Napalingon na lamang si Jake sa kanyang katabi. "Hoy, ano ba Bert? Mahiya ka nga."
"Sarap kasi eh." Wika nito habang may laman pa ang bibig.
"Kayo po, may alam po ba kayo tungkol kay Mary?" tanong ni RJ.
"Meron pero 1st year pa ako noon nang narinig at nalaman ko ang tungkol sa kanya. Hindi ko masyadong nabigyang pansin dahil sa ibang school ako nag-aaral nun." Tumayo si Rose. "Teka, may ipapakita ako sa inyo." Kinuha nya ang isang makapal na album na naglalaman ng napakaraming lumang litrato. "Ito yung gabi na kasama ni Ate si Mary. Si Ate yung nasa gilid, yung nasa gitna, yan...yan si Mary Chua. Ung isa, Mina daw ang pangalan."
Pinagmasdan ng tatlo ang larawang iyon. Iyon ay kuha isang gabi habang magkakasama silang tatlo sa Luneta.
"Hinding-hindi yan malilimutan ni ate." Tiningnan ni RJ ang likuran ng litrato at napansin niyang may nakasulat doon.
"Para sa mga tunay kong kaibigan, alam ko na hinding-hindi tayo maghihiwalay!"
-Mary Chua, 11/23/1981
Dahil dito ay bigla na lamang napaiyak si Amy. Pumapatak ang kanyang luha subalit walang ekspresyong makikita sa kanyang mukha.
"Umiiyak nanaman si ate." Inalo ni Rose ang kanyang kapatid mula sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.