CHAPTER 12: BESTFRIEND

13.6K 147 35
                                    


Mabilis na nakuha ni Ricardo ang bola mula sa kalaban. Nang mahawakan niya ito ay hindi na siya nagpatumpiktumpik pa. Agad niyang pinakawalan ang hawak niyang bola at mabilis naman itong lumipad sa ere.

"PRRRIIIIIIIT!" nakakabinging pito ng referee.

Pumasok ang bola. Ang puntos na iyon ang nagpapanalo sa Manila University. Sinundan iyon ng malakas na hiyawan ng mga manunuod sa loob ng gym. Napakaraming babae ang tumiliti hindi lamang dahil sa galing ni Ricardo sa paglalaro kundi dahil na rin sa kanyang angking kagwapuhan.

Nagtakbuhan ang buong team papunta kay Ricardo upang buhatin siya. Lahat sila ay masayang-masaya dahil sa gintong tropeyong kanilang nasungkit. Isa na naman iyong malaking karangalan para sa kanilang paaralan.

"Ricardo, We love you!" sigaw ng mga dalagitang nanunuod. Napakalakas ng kanilang hiyawan. Iisa lamang ang pangalang pauli-ulit nilang isinisigaw, ang pangalan ni Ricardo.

Walang dudang napakagaling ni Ricardo sa larong basketball dahil bata pa lamang siya ay nakahiligan na niya ito. Dahil dito'y kinuha siya ng kanilang paaralan upang maging miyembro ng kanilang school varsity.

Nang matapos ang kanilang laro ay agad siyang uminom ng malamig na tubig. Basang-basa ng pawis ang buong katawan niya. Sa sobrang pagmamadaling uminom ay bumuhos na rin ang tubig ang kanyang leeg pababa sa matipuno niyang katawan.

"Ang galing mo pare! Nice game ah!" bati ng kanyang kalaro.

"Thank you," nakangiting sagot niya.

"Mukhang may inspirasyon ka ngayon ah kaya mas lalo kang gumaling. Sino ba 'yan? Bagong nobya ba?"

Tumingin si Ricardo sa kanyang kalaro. "Teka pare, hindi 'yun chicks lang para sa'kin. Siya ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para sa larong ito."

"Ayan eh! Iba na talaga kapag lover boy."

Napangiti na lamang muli si Ricardo sa kanyang kausap. Tama ang sinabing iyon ng kalaban niya na may pinagkukunan siya ng inspirasyon. At iyon ay ang nag-iisang babaeng nagbibigay sa kanya ng pag-asa at lakas ng loob. Simula nang makasama niya si Mary ay hindi na ito nawala sa isip niya. Marahil ay isa lamang ang ibig sabihin nito, mas espesyal na siyang nararamdaman para sa sa dalaga.

***

Mag-isang nag-iinom si Oliver sa isang maliit na beer house. Hindi na mabilang kung ilang bote na ng beer ang kanyang nauubos subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagkasaling. Gusto niyang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman, ang malaking sugat sa puso niya.

"Miss, isang bote pa!" sabi niya.

Nais niyang kumawala mula sa katotohanan. Hindi pa rin niya matanggap ang masakit na katotohanang wala na sila ni Mary. Tatanggapin nalang niya ang katotohanan. Ayun na ang huling pagkikita nila ni Mary

Pinagmasdan niya ang hawak niyang bote. Kasing lamig iyon ng kanyang emosyon. Marahil ay hindi magagamot ng gaano man karaming alak ang sakit na dulot ng kanilang paghihiwalay.

"Oliver, bakit ka nandito!?" tanong ng isang lalaki.

Tumingin si Oliver sa kanyang likuran kung saan nagmula ang boses. Hindi na siya nagulat dahil boses pa lamang ay kilala na niya kung sino ang paparating.

"Ricardo, ikaw pala." Sa dami nang nainum ni Oliver ay halos naging singkit na ang kanyang mga mata.

"Bakit ka nag-iinom rito?" pagtataka ni Ricardo. Napadaan lamang si Ricardo sa bar na iyon pauwi sa kanilang bahay. Nagulat siya nang makita roon si Oliver. Hindi niya lubos akalaing makikita niya si Oliver sa ganoong klaseng lugar.

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon