Unang Istorya
Gabi, sa Manila University, mag-isang nagta-type sa computer si Ms. Silva. Mayroon siyang importanteng ginagawa. Kanina pa siya naroon. Pinatay niya ang ilaw upang makatipid sa kuryente ang paaralan. Habang patuloy sa kanyang ginagawa ay unti-unti siyang nakaramdam ng kakaiba.
Pakiramdan niya, hindi na siya nag-iisa. Tila mayroon siyang kasama na hindi niya nakikita. Subalit hindi niya iyon pinansin. Sa edad niyang iyon ay hindi na siya naniniwala pa sa multo.
"Tok, tok, tok, tok, tok, tok, tok, tok," tunog ng keyboard mula sa hindi kalayuan. Hindi naman siya nagta-type. Pinakingan nyang mabuti kung may kasama ba siya sa kwarto nang sandaling iyon."May tao dyan?"
Walang sumasagot sa kanyang tanong. Nagtaka na siya. Dahil dito'y tumayo na siya at inalam kung mayroon ba siyang kasama. Nilibot niya ang buong laboratory ngunit wala namang katao-tao. Siya lang ang naroon nang mga oras na iyon. Ang ipinagtataka niya, patuloy pa rin ang naririnig niyang pagtipa ng keyboard. Kahit nakakaramdam na ng natatakot, pilit pa rin niyang tinukoy ang computer na pinagmumulan ng ingay.
Ilang sandali pa ay natunton na niya ito. Nakaramdam siya nang matinding pangingilabot nang mabasa ang nasa monitor nito.
'Tulungan mo ako, tulungan mo ako!' Paulit-ulit na nakasulat ang mga katagang iyon habang patuloy pa rin sa pagtipa ang keyboard kahit wala namang gumagamit nito. Sa takot ng guro, nagmadali siyang lumabas sa naturang computer laboratory.
Pangalawang Istorya
Pumasok ang isang estudyante sa girl's CR. Alam niyang siya lang ang naroon. Pumunta siya sa loob ng cubicle. Maya-maya'y muling may pumasok sa CR at tumungo sa katabing cubicle na pinasukan niya. Inakala niyang isa lamang iyon sa mga babaeng estudyante sa kanilang eskwelahan. Mula sa kanyang pagkakaupo sa loob ay kitang-kita niya ang paa ng babaeng iyon. Wala namang kakaiba roon kaya hindi niya iyon pinansin.
Lumabas na sa cubicle ang estudyante. Bago siya tuyang lumabas sa CR, naghugas muna siya ng kamay at humarap sa salamin.
Habang abala siya sa pag-aayos ng kanyang sarili, narinig niyang nag-flash na ang babae sa kabilang cubicle. Lumipas ang ilang minuto subalit hindi pa rin ito lumalabas mula roon. Doon na siya nagtaka.
Dahan-daha siyang lumapit sa nasabing cubicle para alamin kung ano na ang nangyari sa babae. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hindi naman inaasahang bumukas ito. Laking gulat niya nang makitang walang tao sa loob. Siya lang pala ang nasa loob ng CR. Dahil dito'y nangilabot siya at nagsimula nang tumayo ang mga balahibo. Maya-maya'y kumurap ang ilaw at sinundan pa ng nakakatakot na pagtangis.
"Tulungan mo ako!" sabi ng tinig na kanyang narinig. Nakakakilabot ang boses na iyon.
Nagpatay-sindi na ang ilaw. Tumingin sa salamin ang takot na takot nang estuyante. Patuloy man sa pagkurap ang ilaw ay malinaw naman sa kanyang paningin ang imahe ng isang nakabigting babae. Gulat na gulat siya. Gusto niyang sumigaw subalit walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig.
Tuluyan nang namatay ang ilaw kaya namang nagdilim ang buong paligid at wala siyang makita. Muling sumindi ang ilaw. Nakita na lamang niyang nasa harapan na pala niya ang duguang babae.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
Ikatlong Istorya
Matutulog na si Bert. Hindi pa siya dinadalaw ng antok subalit ramdam niyang tila may malamig na humahawak sa likod niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag-aakalang insekto lang 'yun. Maya-maya pa, naramdaman niyang tila may humahatak sa kumot niya pababa. Doon niya nalamang may nakaupo sa kanyang paanan. Ilang sandali pa, nakita na lamang niyang kaharap na pala niya ang isang duguang babae.
Sa sobrang takot ni Bert ay nabasa na ang short niya. Napatulala na lamang siya.
"Tulungan mo ako," wika ng babae sa kanya.
"AHHH!" sigaw niya. Wala na siyang nagawa kundi ang magdasal, bagay na hindi naman talaga niya madalas ginagawa. "Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo..." taimtim na dasal ni Bert habang nakapikit. Nilakasan pa niya ang kanyang dasal sa paniniwalang mapapaalis nito ang multo. Pagmulat ng kanyang mga mata, wala na nga sa harapan niya ang babae. Dahil dito'y nakahinga na nang maluwag ang binata.
Subalit paglingon niya, katabi na pala niya ang duguang babae.
Simula noon, palagi nang nagmumulto si Mary Cherry Chua. Tila lahat na ng estudyante sa Manila University ay minulto niya. Dahil sa takot ng mga mag-aaral, ang iba ay lumipat na ng eskwelahan. Tunay ngang kakaiba sa lahat ang paaralang iyon.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.