"Best, best, best, best. Lahat na ata ng best ay nakuha na ni Mary Cherry Chua..." wika ni Jake na kasalukuyang nakatingala habang tinitingnan ang mga certificate na nakasabit sa dingding ng library. "Sayang, napakatalino pa naman nya."
"Higit sa lahat, sexy pa..." sabat ni Bert.
"Ano ba Bert? Kahit kailan talaga ang libog mo," sabi ni Jake.
Ilang saglit pa'y nagpasya nang lumabas ang tatlong magkakaibigan sa library. Sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga di kalayuan sa kanilang library sila dumiretso at doon ay naghukay si Jake.
"Jake, ano ba ang hinuhukay mo dyan? Wala namang kayamanan dyan eh," wika ni Bert.
"Sa panaginip ko kagabi, may nakita akong napakagandang babae at itinuturo niya ang parteng to. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin nun, pero alam ko na may gusto siyang ipahiwatig," wika ni Jake na patuloy sa paghuhukay.
Makalipas ang ilang minuto ng paghuhukay, doon na nila natagpuan ang isang kinakalawang na floor mop. Kahit puno na ito ng kalawang ay mababakas parin ang dugo dito. Ito ang ginamit na pagpatay kay Mary!
"Hindi nagpakamatay si Mary, pinatay sya!"
"Pero sino. Sino ang pumatay?" tanong ni Bert.
Malayo ang tanaw ni RJ, malalim ang kanyang iniisip. "Alam ko kung sino ang pumatay sa kanya," seryosong wika ni RJ. Alam nyang malapit nang masagot ang kanyang mga katanungan tungkol sa totoong pangyayari.
***
Manila City Jail, 2003
Ito ang lugar kung saan nakakulong si Oliver. Hinuli at nakulong siya dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pagkakasangkot sa iba't ibang gulo at krimen sa Kamaynilaan.
"Oliver!" tawag ng isang pulis. "Lumabas ka dyan! Tawag ka ni Father. Gusto ka niyang makausap."
Bumangon ang isang lalake mula sa double deck na nasa gilid lamang ng selda. Wala itong pang-itaas kaya naman agad itong nagsuot ng damit. Makikita sa kanyang matipunong katawan sa kaliwang dibdib ang isang tattoo.
Mary 81
Kapansin-pansin ang makisig nitong pangangatawan. Malaki ang ipinagbago nito kung ikukumpara sa dati niyang hubog. Subalit sa kabila nito, mababakas pa rin sa kanyang mukha ang nagkukubling misteryo sa kanyang pagkatao.
"Tawag ako ni Father? Baket? Lalaya na ba ako?" sabay ngiti ng nakakaloko.
Binuksan ng pulis ang selda. "Basta, sumunod ka na lang!"
Naglakad si Oliver kasama ang dalawang pulis na nakahawak sa kanyang dalawang kamay habang siya ay nakaposas. Hindi niya alam kung ano ang kailangan sa kanya ng mga ito. Subalit sa kabila noon ay sumunod na lamang siya sa mga ito habang hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Kansin-pansin na sa bawat seldang kanyang nadadaanan, maririnig ang sigawan ng kanyang kapwa preso. Isinisigaw ng mga ito ang kanyang pangalan. Ganoon kasikat si Oliver sa naturang kulungan sa tagal ng panahon na pamamalagi niya roon.
Nang makarating na sila sa tapat ng silid kung saan naghihintay ang nasabing pari, agad siyang ipinasok doon ng mga pulis. Umupo si Oliver sa upuang katapat lamang ng pari pero hindi sya tumingin dito. "Oh Father, bakit nyo ako gustong makausap?"
"Oliver, matagal ka na panahon ka nang nakakulong dit—"
"Bakit Father? Sabihin nyo agad kung lalaya na ako dito sa mabahong bilangguan na 'to." Hindi na pinatapos pa ni Oliver ang pari sa sasabihin nito. "Kailan ba ako makakalaya sa impyernong lugar na ito!?" matigas na tanong ni Oliver.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.