Chapter 3: Class picture

23.5K 209 37
                                    



Hindi makatulog si Rj nang gabing iyon. Naiisip pa rin niya ang boses na narinig nila kanina sa school. Ilang beses na siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa pagtulog ngunit sadyang mailap ang antok sa kanya.

"Kanino kaya ang boses na iyon? Napakaganda at ang lamig sa tenga. Sino kaya siya? Siya rin kaya 'yung misteryosong babae sa school? Bakit kailangan niya ng tulong? Totoo kaya na multo ang narinig namin?" tanong niya sa kanyang sarili.

Dahil doon, nawalan na ng ganang matulog ang binata. Patuloy siyang ginugulo ng kanyang narinig kanina. Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Patuloy lang siya sa pag-iisip. Sumapit na ang ala-una ng umaga subalit gising pa rin siya.

Alas-dos, gising pa.

Alas-tres, gising pa rin.

Alas-kwatro, medyo inaantok na.

Alas-singko, tulog na siya.

Ilang minuto pa lamang siyang naiidlip subalit nakaamoy na siya ng itlog na piniprito.

"KRRRING! KRRRING! KRRRING !" tunog ng kanyang alarm clock.

"Sir Rj, handa na po ang breakfast!" sigaw ng maid.

Sa madaling salita, walang maayos na tulog si RJ nang gabing iyon.

***

"T*ng in*! Napuyat ako!" Antok na antok si Rj pagdating niya sa kanilang silid. Bagsak na bagsak ang kanyang mga mata. Ngayon lamang siya tinamaan ng antok. Subalit wala siyang magagawa, kailangan niyang pumasok dahil marami silang quiz ngayong araw.

"Pre, ok ka lang? Parang may hang-over ka ah?" tanong ni Bert na katabi lang niya.

"Wala akong hangover 'no!" Kinusot niya ang kanyang mga mata nang biglang may sumagi sa kanyang paningin. Pumukaw sa kanyang atensyon ang isang magandang dalaga na kanila ring kaklase. Nakaupo ito habang tahimik lamang na nakikinig sa lesson ng kanilang guro. Gulat na gulat si RJ sa kanyang nakita. Kamukha ito ng misteryosong babaeng nakita niya sa lumang larawan na siya ring dahilan kung bakit siya napuyat. Isang bagay lang ang pinagkaiba nila. Maiksi ang buhok nito kumpara sa babaeng nakita niya sa larawan.

"Sino 'yun?"

Hinanap ni Bert kung sino ang itinuturo ni Rj. "Ah, si Flora 'yan. Bakit? Type mo ba?" tanong niya.

"Hindi ah!" mabilis na angal naman ni Rj.

Hindi maipagkakaila na maganda talaga si Flora. Matagal niya itong pinagmasdan na parang isang painting. Namangha si Rj sa mapungay nitong mga mata at tila rosas nitong labi. Makinang rin ang maiksi nitong buhok na kasing itim ng gabi. Subalit nagtaka si Rj kung bakit tila may itinatago itong lungkot sa likod ng maganda nitong mukha.

Bumulong si Bert. "Alam mo, may bali-balitang kabe-break lang nila ng boyfriend niya noong nakaraang buwan. Baka hindi pa nakaka-move on. Kung ako sa'yo, makikipagkilala na ako sa chix na 'yan. Malay mo, di ba? Baka maging girlfriend mo pa. Maganda naman eh."

Binatukan ni RJ si Bert. "Tinatanong ko lang kung ano ang pangalan niya. Tsaka hindi ganyan ang tipo ko sa isang babae. Boring ang mahinhin. Sa isang girlfriend, ang gusto ko ay 'yung wild and sexy. 'Yung exciting ba."

"Aba! Eh parehas pala tayo kung ganun."

"Pero hindi kagaya mo na manyak!"

Napangiti at napailing na lamang si Bert.

Muling napasulyap si Rj kay Flora. Laking gulat niya nang makitang nakatingin rin pala ito sa kanya. Dahil sa hiya ay agad tinakpan ni Rj ang kanyang mukha gamit ang libro.

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon