Chapter 6: Misteryo

16.9K 202 51
                                    


"Put*ng *na, pare, kung nakita niyo lang ang nakita ko kagabi, siguro hindi niyo kakayanin. Muntik na akong himatayin," pagbabahagi ni Bert sa naranasan niya.

Tahimik lamang si RJ.

"A-anong ichura?" tanong ni Jake.

"G*go! Syempre nakakatakot noh! Kung ikaw kaya ang makakita ng multong duguan ang mukha?" wika ni Bert.

"Baka nagpakita sa iyo ang multo ni Mary Chua?"

"Di ba kwento ni Mrs.Reyes ay maganda sya?" -Jake

Napansin nina Bert at Jake ang pananahimik ni Rj. Kanina pa ito walang imik habang malayo ang tingin.

"HOY PARE!" sabay tapik ni Bert na ikinagulat naman ni Rj.

"Ano ba talaga kasi ang iniisip mo? Pansin namin na tahimik ka ngayong mga nakaraang araw," wika ni Jake.

"Wala ba kayo napapansin? Sa tinagal-tagal ng panahon, wala pa ring nakakaalam kung ano ba talaga ang ikinamatay ni Mary Cherry Chua. Isa talaga itong malaking misteryo. Isa pa, hindi na mabilang ang sunod-sunod na kababalaghang nagaganap dito. Lahat 'yun ay may kinalaman sa kanya," paliwanag ni Rj sa dalawa.

"So, anong plano mo, Rj?" tanong ni Bert habang nangungulangot. Binilog muna niya ito bago pinitik. Muntik pa nitong tamaan si Jake.

"Ano ba, Bert! Kadiri ka ah!"

Mangas na tumayo si Rj at seryosong hinarap ang kanyang dalawang kaibigan. "Alamin natin ang buong detalye tungkol sa pagkamatay ni Mary Chua. 'Pag nalutas na natin 'yun, tiyak na tatahimik na ang kaluluwa niya. Isang napakalaking palaisipan kung paano siya namatay. 'Yun marahil ang rason kung bakit hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin si Mary sa mga estudyante sa ating paaralan. Para may umalam sa tunay na nangyari sa kanya. Aalamin ko ang tunay na nangyari kay Chua! Ano? Pabor ba kayo dun?" paliwanag ni Rj.

"Hmmm...parang hindi eh. Kasi imposibleng malutas pa natin 'yun. Ilang taon na ang lumipas di ba? At walang makapagsabi kung ano ang ikinamatay niya. Tayo pa kaya?" saad ni Jake.

"Ano ba kayo? Kailangan niya ang tulong natin! Humihingi siya ng hustisya!" pagpupumulit ni Rj sa mga kaibigan.

Sandaling natahimik ang tatlo. Napaisip muna si Jake bago tuluyang sumagot. "Sige, pabor ako sa binabalak mo, Rj."

Tumingin ang dalawa kay Bert.

"Hehehe...sige na, talo na ako. Pabor na rin ako. Wala na akong magagawa eh. Tiyak ko namang kakailanganin niyo rin ako."

Naghawak-hawak sila.

"PROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTT!"

"Baho! May umutot!"

" Sorry ha, excited lang," nakangising sabi ni Bert.

"Ano ba 'yan, Bert, panira ka lagi. Game, ulitin natin!" wika ni Jake

Inulit nilang tatlo ang kanilang ginawa. Muli silang naghawak-hawak at sabay-sabay na sumigaw.

"MAIBAAAAAAH...TAYAAAAAH!"

***

Inalam nga nila ang lahat ng detalye tungkol kay Mary Chua at ang bumabalot na hiwaga at misteryo tungkol sa kanya.

"Sino nga ba talaga si Mary Chua?"

"At ano ang tunay na nangyari nuong gabi ng 1981?"

Nagtanong-tanong sila sa mga estudyante at mga gurong matagal nang nagtuturo sa kanilang eskwelahan tungkol sa lahat nalalaman nila kay Mary Chua. At hindi nga sila nabigo. Mayroong mga nagbigay ng pahayag, mayroon din namang hindi samantalang ang iba ay wala talagang kaalam-alam tungkol sa nangyari. Pati mga school records ay pinakialaman na rin nila.

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon