Isang mabuting estudyante si Mary Cherry Chua na punong-puno ng pangarap. Lahat ay nasa kanya na. Marangyang buhay, kasikatan, kagandahan, talino, at mabuting pag-uugali. Ngunit isang malagim na pangyayari ang ikakagulat ng lahat. At ito ay ang misteryosong pagkamatay ng naturang dalaga.
Lumipas ang maraming taon ngunit patuloy pa ring walang nalalaman ang lahat tungkol sa nakaraan. Wala ni isang nakakaalam sa tunay na pangyayari, sa kanyang tunay na pagkamatay.
Sa tulong ng kanyang dalawang kaibigan na sina Jake at Bert, pilit pa ring tinuklas at hinanapan ng kasagutan ni RJ ang tungkol sa tunay na pangyayari. Malaki ang kanilang paniniwala na may malaking lihim ang kanilang paaralan tungkol sa naganap na insidente.
Ang mga naiwang magagandang alaala na lamang ni Mary Cherry Chua noong nabubuhay pa ito ang syang tangi nilang susi upang masagot ang napakaraming tanong na bumabalot sa paaralan at sa ikakatahimik na rin ng naghihinagpis nitong kaluluwa.
Tunghayan ang pangalawa at huling yugto ng storya.
Ang Rebelasyon ng 1981.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.