Chapter 15: Bisita

15.2K 185 94
                                    


Kasalukuyang nakasubsob ang mukha ni RJ sa malambot na unan. Wala siyang suot na pang-itaas, bagay na nakasanayan na niya tuwing siya ay matutulog. Tumunog na ang kanyang alarm clock ngunit pinatay lamang niya iyon. Hindi sya bumangon. Mas gusto niyang matulog na lamang sa kanyang kwarto buong araw. Wala syang gana. Ilang sandali pa, lumingon sya at napatingin sa kanyang uniporme.

Makalipas ang ilang sandali, sumilip na ang liwanag ng araw sa kanyang kwarto at tumama iyon sa kanyang mukha.

"Panibagong araw." Malungkot na sabi ni RJ.

Sinubukan nyang bumangon upang inunat ang kanyang katawan. Bago magtungo sa banyo ay kinuha muna nya ang nakasabit niyang twalya.

Direktang bumuhos sa kanyang mukha ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. Nang mga oras na iyon, wala siyang ibang iniisip. Gusto na nyang mabura ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya ng tungkol sa huling pinag-usapan nila ng kanilang principal. Habang naliligo ay hindi maalis sa kanyang isipan ang lahat ng tungkol kay Mary Chua. Ngayon na pinagbawalan na sya ng kanilang paaralan na alamin ang nakaraan, labis siyang nakaramdam ng awa para kay Mary, sa kaluluwa nito na hindi nabigyan ng hustisya.

Paglabas niya ng banyo ay nasilayan nya ang litrato ng kanyang ina na matagal nang nakapatong sa kanyang study table. Iyon lamang ang kanyang tinitingnan sa mga oras na nalulungkot siya. Sa pamamagitan noon, nararamdaman niya na mayroon siyang kakampi. Matagal na kasi itong kinuha ng Diyos. Namatay ito pagkapanganak kay RJ. Kasabay ng kanyang pagsilang sa mundo ay ang pagbawi naman sa buhay ng kanyang ina. Nakakalungkot isipin na wala siyang kahit isang alaala man lang kasama ang kanyang ina. Ni hindi nya naramdaman ang init ng yakap nito o kahit man lang narinig ang boses.

Hinawakan nya ang maliit na pictute frame. Luma at kupas na ang nasabing litrato ngunit maaninag pa rin ang masayang ngiti ng kanyang ina. Subalit para kay RJ, naging malungkot na ang kanyang buhay simula nang isilang siya. Lumaki siyang hindi nakaramdam ng kaligayan sa kanyang puso dahil sa puwang na iniwan ng kanyang ina. Hindi rin nya natutunang makibagay sa maraming tao.

Ang kanyang ama ay isang magaling na doktor subalit hindi nito iyon napatunayan sa kaso ng kanyang ina. Ito ang nagpaanak sa kanyang ina pero sa kasamaang palad, hindi nagawa ng kanyang ama na sagipin ang buhay nito. Naging malayo ang loob nya sa kanyang ama nang malaman nya ang tungkol sa nangyari. Ngayon ay nag-iisa na lamang si RJ sa kanilang napakalaking bahay kasama ang kanilang mga katulong. Nagtatrabaho kasi ang ama nya sa ibang bansa at nagpapadala na lamang ng pangtustos para sa kanyang mga pangangailangan.

Ilang beses na nasanggot si RJ sa maraming gulo sa paaralang una niyang pinasukan. Palagi syang napapaaway sa mga kapwa niya estudyante dahilan para tuluyan siyang ma-kick out. Mabuti na lamang at tinanggap pa rin sya sa Caedwalla sa kabila ng hindi niyang magandang record. Isang catholic school ang Caedwalla kaya naman naniniwala ang kanyang ama na sa pamamagitan nito, titino siya at mag-aaral na ng mabuti.

Pinayagan si RJ na makapag-enroll doon kahit tapus na ang 1st quarter ng school year. Nang matanggap ang binata sa kanyang bagong eskwelahan, ipinangako nya sa kanyang sarili na babaguhin na niya ang kanyang asal. Mag-aaral na sya ng mabuti at lalayo sa lahat ng gulo. Nabago ang kanyang pananaw at tuluyan na ngang nagbago.

"Mah, pinapangako ko po sa inyo, pagbubutihin ko pa lalo ang aking pag-aaral sa Caedwalla. Makikita nyo po na magiging successful ako balang araw. Makaka-graduate po ako. Hindi po kayo magsisisi na naging anak nyo ako. Mahal ko po kayo." Tuluyan nang pumatak ang kanyang luha sa hawak niyang picture frame. Malungkot naman niya iyong pinunasan gamit ang kanyang kamay.

Tok! Tok! Tok! Bahagya siyang nagulat nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Alam niya na isa iyon sa kanilang mga katulong. Bago nagsalita ay pinunasan muna niya ang kanyang sipon. "Yaya, bakit?"

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon