Tumunog nang malakas ang alarm clock ni Amy. Mahimbing ang kanyang pagkakatulog kaya naman nakapikit pa siya nang patayin niya iyon. Wala pa kasi siyang balak gumising. Kasalukuyan siyang nasa gitna ng napakaganda niyang panaginip.
"Oh Delbert, halika ka rito sa tabi ko. Hagkan mo ang aking mga labi habang niyayakap mo ang aking katawan. Ooooh Delbert...you're my sweetheart!" wika ni Amy sa kanyang panaginip. Tumutulo na ang panis na laway mula sa kanyang labi.
"Oh Delbert ko, halikan mo ang aking napakatamis na labi! Lasang strawberry ito."
Malapit na sanang maglapat ang kanilang mga labi. Napakasaya na sana ang kayang pananginip kung hindi lang dahil sa malakas na katakot ng kanyang ina.
"Hooooy! Amy! Gumising ka na! Mahuhuli ka na!"
Dahil doon, nakasimangot na bumangon si Amy. "Ma, sabado ngayon at wala namang pasok. Alas-kwatro lang ng madaling araw eh ginigising mo na ako." Muli siyang bumalik sa kanyang masarap na pagkakahiga.
Sumagot naman nang malakas ang kanyang ina mula sa labas ng kanyang kwarto. "Oh sige, hindi ka na ba sasama sa fieldtrip niyo sa Baguio?"
Biglang dumilat si Amy nang marinig iyon. Lumingon siya sa kalendaryong nakasabit malapit sa kanya. Nakita niya ang bilog na marka sa petsa nang araw na iyon.
"OH MY GOD! Field trip pala namin ngayon!" Tumalon siya mula sa kanyang kama at dali-daling pumunta sa banyo upang maligo.
***
Alas singko pa lamang ay handang-handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Madaling-araw ang oras ng kitaan nila kaya naman nangangatog ang karamihan sa kanila dahil sa lamig. Sa labas ng gate ng kanilang paaralan ay naroon ang mga estudyanteng sasama sa fieldtrip. Nakaparada na rin ang limang school bus na gagamitin nila sa kanilang malayong byahe.
Lahat sila ay tila sabik na sabik. Sa katunayan, ilan sa kanila ay mukhang hindi na nakatulog dahil sa sobrang kasabikan. Marami sa kanila ay balak na lamang matulog sa byahe dahil may kalayuan rin ang Maynila sa Baguio kaya mahaba ang oras nila para matulog.
"Ang tagal naman! Wala pa rin ba si Amy?" tanong ni Mary. Marami siyang dalang bag. Karamihan ng laman noon ay mga reserbang damit at napakaraming pagkain.
"Oo nga eh. Ang sabi niya kahapon ay sasama siya ngayon. Pero mag aalas-sais na, wala pa rin siya. Aalis na ang mga bus oh," sabi ni Mina. Wala pa man sila sa Baguio ay nakasuot na siya ng makapal na jacket.
"Sayang naman itong mga binili kong pagkain kung wala siya. Kakainin natin lahat 'to pagdating doon."
"Hay naku! Eh kung kasama natin si Amy, siguradong madaling maubos lahat nang 'yan. Alam mo naman 'yung babaeng 'yun... Kababaeng tao pero panlalaki ang sikmura dahil sa katakawan."
Ngumiti si Mary bago nagsalita. "Tama ka! Kaya dinamihan ko ang baong pagkain dahil alam kong kukulangin tayo dahil kay Amy."
Mula sa 'di kalayuan ay may babaeng tumatakbo papalapit sa kanila. Agad naman nilang nakilala kung sino ang paparating.
"Friends, I'm here na. Sorry na-late ako!"
"Oh...speaking of matakaw, andyan na siya."
"Amy, mabuti at nakaabot ka. Ilang minuto na lang kasi ay bibyahe na tayo," sabi ni Mary.
"Pasenya na talaga ha. Eh kasi naman, ang ganda ng panaginip ko kaya ayun, nawala sa isip ko na fieldtrip na pala natin ngayon," nakangiting sabi niya. Hinahabol niya kanyang paghinga dahil malayo-layo rin ang kanyang tinakbo.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.