Chapter 14: Babala at Ala-ala

13.4K 154 33
                                    


St. Caedwalla Academy, 2004

Nakailang ulit ng katok si RJ sa pinto bago siya tuluyang pumasok sa loob ng Principal's office. Wala siyang ideya kung bakit siya pinapatawag doon. Mag-isa lamang siya at hindi niya kasama sina Bert at Jake. Kakatapos lang ng kanilang Christmass party nang mga panahong iyon.

Hindi niya maiwasang mag-isip na marahil ay may nagawa siyang hindi maganda sa kanilang paaralan. Sa kabila nito, lakas loob pa rin niyang hinarap ang kanilang principal na si Mr. Sacdalan.

Pagpasok niya'y agad bumungad sa kanya si Mr. Sacdalanan. "Good morning po, sir," sabi niya sa kanilang principal. Napalunok na lamang ng laway si RJ nang maramdaman niyang mukhang seryoso ang dahilan kung bakit sya pinatawag ng kanilang principal sa opisina nito.

Nagsalita si Mr. Sacdalan ngunit hindi ito lumingon sa binatang kapapasok lamang ng kwarto. "Ok Mr. Calubayan, take your seat," sabi nito habang tila may hinahanap sa mga papeles na nasa mesa nito.

Dahan-dahang naglakad si RJ palapit sa table ng kanilang principal. Katahiminkan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Tanging tunog lamang ng aircon at orasan ang tanging maririnig.

Matapos basahin ni Mr. Sacdalan ang ilang mga papel na hawak nito ay huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. Seryoso syang tumingin sa binatang estudyante. Mata sa mata. "Romar Jhon Calubayan... Ikaw ay transferee dito sa Caedwalla and limang buwan ka nang namamalagi rito," umpisa ng principal.

"S-sir. May nagawa po ba akong violation sa school? Maayos naman po ang mga grades ko sa mga subjects ko lalo na kay Ms. Silva. Sa katunayan po ay umiiwas talaga ako sa mga gulo upang maging maganda ang records ko dito." May ideya na si RJ kung bakit siya pinatawag. Tama, naging mabuting estudyante nga siya sa nasabing paaralan ngunit sa kabila nito, aminado siyang may nagawa siyang lubhang taliwas sa kagustuhan ng paaralan.

"I've noticed that your academic performance is improving and I don't have anything to say about that. Nag-eexcell ka na sa mga subjects mo. Pero masyado ka na atang maraming nalalaman na hindi naman dapat." Tinanggal ni Mr. Sacdalan ang kanyang salamin sa mata at ibinaba iyon sa table. "Saka, I have one thing to say to you, RJ," seryoso nitong sabi.

"Ano po yun, sir?"

"You know, for so many years ng pamamalagi dito sa paaralan, ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong sitwasyon. At ayokong dahil lang sa isang kwento, tuluyang bumagsak ang reputasyon ng paaralang ito. Alam kong may mga hindi magagandang alaalang naiwan dito subalit mayroon din namang ilan na hindi dapat mabalewala, kaya naman gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang ito, ang paaralang matagal na panahon naming inalagaan."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni RJ. Ni hindi niya nagawang magsalita. Nanatili siyang nakikinig kay Mr. Sacdalan.

"Sinasabi ko sa iyo ito dahil alam kong may alam ka na posibleng malaman pa ng marami. At iyon ang ikinatatakot ko, ang masira ang reputasyon ng Caedwalla dahil sa mga natuklasan at matutuklasan mo. Isipin mo RJ, marami sa mga estudyante ang hindi magdadalawang isip na umalis dito nang dahil lang sa madilim na kahapon ng eskwelahan. And tulad ng sinabi ko before, walang ligaw na kaluluwa sa Caedwalla!"

Hindi napigilan ni RJ na makaramdam ng galit dahil sa narinig mula sa kanilang principal. Hindi siya makapaniwala na nagawang isikreto iyon ng kanilang paaralan. Reputasyon lamang ng institusyon ang iniisip nila. Hinayaan nilang hindi mabigyan ng katarungan ang isang napakaganda sanang buhay na nasayang.

"Sir! MALI KAYO!" pasigaw na sabi ni RJ. "Parang hindi naman po makatarungan ang iniisip nyo. Kapakanan na lamang ba ng eskwelahan ang uunahin at iisipin nyo!? Paano po si Mary Chua? Alam niyo po bang hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang kanyang kaluluwa sa paaralang ito dahil hindi pa rin nahahanapan ng hustisya ang kanyang pagkamatay!?"

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon