Chapter 10: Angelus

14.2K 139 19
                                    


Valentines Day

Maraming dekorasyon sa pasilyo ng eskwelahan. Lahat ng iyon ay ginawa mismo ng mga estudyante mula sa mga pulang papel na ginupit upang maging korteng puso at kupido. Halatang pinaghandaan ang okasyon dahil isa iyon sa mga araw na hinihintay ng marami.

Maraming estudyante sa hallway. Lahat sila ay nagkukumpulan sa harapan ng malaking bulletin board. Hindi sila magkada-ugaga habang binabasa ang nakasulat doon.

"Anong meron?" pagtataka ni Amy nang mapadaan sila sa hallway.

"Tara Cherry, tignan natin kung ano 'yung pinagkakaguluhan nila," pag-aaya ni Mina.

Nakaramdam ng pananabik ang tatlo, lalo na si Amy, nang malaman kung ano ang nakapaskil sa kanilang buletin board. Announcement letter iyon ng kasiyahang inaabangan ng lahat, ang JS Prom Night.

"Js Prom? Sorry pero mukhang hindi ako papayagan dyan," malungkot na sabi ni Mary.

"Cherry, two times lang ito mangyayari sa highschool. Noong 3rd year tayo, hindi ka sumama. Tapus ngayon, hindi ka na naman pupunta? Isipin mo, ito ang pinakaromantiko at pinakamasayang bahagi ng buhay highschool, palalampasin mo pa?"

"Pero hindi pwede eh. Kasi si Daddy, hindi ako pinapayagan nun sa mga ganyang event," malungkot na sabi ni Mary.

"Nge? Napaka-boring naman nun. Isa pa Cherry, ikaw ang Ms. Popular dito sa school. Maraming hindi matutuwa kung wala ka dun. Ikaw ang ang inaabangan ng marami, sigurado ako."

"Papayag ka na lang ba na hindi makukumpleto ang highschool life mo dahil hindi ka nakadalo sa JS Prom natin?"

"Ok lang naman 'yun sa'kin. Di ko na ine-expect ang mga ganyang program. Ang sabi kasi ng Daddy ko, nandito lang ako sa school para mag-aral."

"Aba, sobrang strikto naman ng parents mo!"

Napaisip nang matagal si Mina. "Ano kaya kung um-attend ka pa rin sa Prom Night? Pilitin mo pa ring pumunta," suhestyon ni Mina sabay ayos ng kanyang salamin sa mata.

Huminga nang malalim si Mary. "Hayaan na lang natin."

"Hello girls!" bati ng matipuno at gwapong estudyante.

Halos mapatili si Amy dahil sa lalaking bumati sa kanila. Iyon kasi si Del-bert, ang lalaking crush na crush ni Amy. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Hindi inaasahan ng dalaga ang yugtong iyon. Kaharap na ngayon ni Amy ang lalakeng lubos niyang hinahangaan. Bahagya siyang nahilo. Pakiramdam nya ay malapit na syang mahimatay sa gwapong si Del-bert.

"Ahhh...eeeeh... Hi Del-bert?" pautal-utal na sabi ni Amy.

"Uuuuuuuuuuuuy..." mahinang bulong ni Mina.

"Nabalitaan mo na ba ang papalapit na JS prom? It's a big night. Pupunta ka ba?" tanong ni Delbert kay Amy habang nakangiti nang napakatamis.

"Ah...eh...syempre naman. Oo naman, dadalo ako. Bakit mo nga pala naitanong?"

"Wala kasi akong makitang kagaya mo. Can you be my partner sa gabing iyon?" magalang na tanong nito sa dalaga.

"SUUUUURE!" pasigaw na sagot ni Amy dahil sa sobrang kasabikan. "Oo naman! Ang totoo nyan, ikaw lang ang hinihintay kong magtanong sa'kin tungkol sa bagay na iyan." Sa pagkakataong iyon ay malumanay na ang paraan ng kanyang pagsasalita.

"Huh? Ano, Amy? Anong sabi mo?" tanong ni Delbert.

"Wala. Ang sabi ko...oo, partner na tayo sa JS Prom!"

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon