St Caedwalla Academy, 1981
Si Ms. Silva ang pinaka kinatatakutang guro sa buong paaralan. Marami sa mga estudyante ang ilag lumapit o makipag usap sa gurong ito dahil alam nilang pwede silang mapahiya. Madalas makitang nagagalit si Ms. Silva kahit wala namang dahilan. Hindi rin siya makikitang nakangiti kapag nagtuturo na marahil siyang istilo niya sa pagtuturo. Maganda naman siya subalit nakakapagtakang wala pa rin siyang asawa sa kabila ng kanyang edad. Marami tuloy ang nag-iisip na marahil tatanda nalang siyang matandang dalaga habang buhay.
"Naniniwala ba kayong mayroong Diyos?!" tanong niya sa kanyang klase habang nagtuturo ng religion class sa IV-Rizal na siyang star section ng pinakamataas na antas. Nang mga oras na iyon, lahat ng estudyante ay sa kanya lamang nakatingin subalit walang naglakas loob sumagot sa kanila.
"Naniniwala ba kayong may Diyos?" pag-uulit ng guro sa kanyang tanong. Kung iisipin, simple lamang ang tanong na iyon subalit isang estudyante lamang ang naglakas loob na sumagot.
"Yes po. totoong may Diyos."
Bumilib si Ms. Silva kung paano sinagot ni Mary Chua ang tanong. Pinagmasdan muna niya ito bago muling humingi ng opinyon. "Ok Ms. Chua, can you please elaborate your answer?"
"Mam, lahat po ng bagay dito sa mundo ay likha ng Diyos, ang langit, dagat, lupa, mga puno, pati narin ang mga hayop. Lahat sila ay may sariling papel sa ating kapaligiran na naaayon na rin po sa may likha nito. Ang araw at gabi ay nilikha rin ng Diyos patunay na nagpapatotoo sa Kanyang presensya. Kahit ang mga kaganapan sa ating buhay ay Sya rin ang may gawa. Lahat ng nangyayari satin ay may dahilan mabuti man ito o masama. At lahat ng iyon ay dahil sa ating Panginoon," malalim na paliwanag ni Mary Chua.
"Kung ganun, kahit ba ang kasamaan ay nilikha rin ng Panginoon?" Mas naging kumplikado ang tanong ni Ms. Silva.
"Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang makapag isip para sa ating sarili at sa iba. Binigyan tayo ng sariling isip para makapag isip hindi lang para sumunod sa lahat ng kagustuhan nya. Pinili nyang maging malaya tayo at mamili sa mga bagay-bagay na gustuhin natin. Ang kasamaan ay syang nasa isip lamang ng tao. Bago tayo gumawa ng isang aksyon, mayroon na tayong dahilan. Ang kasamaan ng tao ay ang bagay na magpapalayo sa atin sa Diyos." Sagot ni Mary.
Bumilib si Ms. Silva pati narin ang buong klase dahil sa matalinghangang sagot ni Mary. "Kung ganun, bakit may mga taong nahihirapan? Bakit may mga nasasadlak sa matinding problema? Bakit hinayaan ito ng Diyos sa ating mundo? Hindi ba't mas mainam kung puro kapayapaan na lang ang umiiral, di ba?"
Ngumiti si Mary Chua bago muling sumagot. "Hindi kagustuhan ng Panginoon ang mga kaguluhang nagaganap sa ating mundo. Tulad ng sinabi ko, may sarili tayong desisyong pumili at mag isip ng tama o mali. Kahit kailan ay di nawala ang Diyos para sa mga tao. Binibigyan nya tayo ng mabibigat na problema dahil alam niyang makakaya natin iyong lagpasan. Ang mga problemang ito ang syang nagbibigay lakas sa ating pagkatao. Dahil ang pag ibig na pinapadama niya ay walang hanggan. Lahat tayo ay may bahagi ng Panginoon na umiiral sa ating pagkatao. Para sa mga taong nagmamahalan, nabubuhay sa kanila ang Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig. At isang patunay iyon na totoong may Panginoon."
Habang nakikinig si Oliver sa mahabang litanya ni Mary, tumatak sa kanya ang isa sa mga katagang binitawan ng dalaga. "Ang Diyos ay Pag-ibig?" bulong ni Oliver sa kanyang sarili. Napahawak sya sa kanyang kwintas na may pendant na Krus. Iyon ang kwintas na bigay sa kanya ni Mary noong magkasintahan pa sila.
Bahagyang natahimik si Ms. Silva dahil sa kanyang narinig. Alam niyang matalinong dalaga si Mary subalit hindi niya akalaing ganoong katalinghaga ang maririnig niyang pahayag mula sa dalaga. Dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na libro at nagsimulang pumalakpak dahil sa sobrang paghanga. Sa puntong iyon ay sumabay na rin ang buong klase sa pagpalakpak dahil sa napakagandang sagot ni Mary.
Nang matapos ang kanilang klase, sabay-sabay na naglakad palabas ng gate ang tatlong magkakaibigan na sina Amy, Mina at Mary pauwi.
"Grabe Cherry, ang ganda talaga ng sagot mo kay Ms. Silva kanina. Kahit yung pinaka-terror na teacher dito ay pinahanga mo, akalain mo yun?" wika ni Mina. "Dahil ang Diyos ay pag-ibig," muling bigkas nito sa sinabi ni Mary at ginaya rin ang paraan ng pagkakabigkas ng kaibigan.
"Grabe, ang galing talaga."
"Kayo talaga, hindi naman. Sinabi ko lang naman kung ano yung laman ng isip ko at ang aking pinapaniwalaan." Hinawi ni Mary ang buhok niya papunta sa kanyang tenga. "Iyon lamang kasi ang mga naisip kong sagot. Pero alam ko namang walang mali o tama sa naisagot ko kanina. Sinabi ko lang naman kasi ang gusto kong sabihin base na rin sa nilalaman ng puso ko.
"Dahil dyan, mag-celebrate ulit tayo. Let's have a slumber party kina Cherry mamayang gabi!" anyaya ni Amy. Nakangiti itong napayakap kay Mary.
"Magandang ideya iyan, Amy, tamang tama magluluto ang mga maid ng mga masasarap na pagkain ngayong gabi. Saka masaya iyon dahil magkakasama tayo buong gabi mamaya," sabi ni Mary.
"Yaaaaahooo!"
"Hay Amy, basta pagkain talaga ganado ka palagi," sabi naman ni Mina sabay ayos ng salamin niya sa mata.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormaleThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.