Sa kabila ng kaunting di pagkakaunawaan sa pagitan nina Mary at Ricardo ay bumalik pa rin ang sigla ng kanilang pagmamahalan. Araw-araw silang makikitang magkasama. Dahil dito, kumalat sa buong campus ang tungkol sa kanilang relasyon. Lahat ay nakaalam maging ang mga teacher.
Habang lumilipas ang bawat araw, lalong tumitibay ang kanilang pagsasama. Ang lahat ay masaya para sa kanila. Lahat ay maligaya sa maaari pang marating ng kanilang relasyon, maliban sa isang lalaki. Kay Oliver.
Lost and all alone
I always thought that I could make it on my own
Since you left I hardly make it through the day
My tears get in the way
And I need you back to stay
***
May pasok nang araw na iyon subalit mas pinili ni Oliver na hindi pumasok. Mas ginusto niyang magkulong na lamang sa kanyang sariling kwarto habang lihim niyang sinisira ang kanyang buhay. Doon ay nagkalat ang mga aluminum foil. Dahil dito, kahit na sandali lamang ay nakalimutan niya ang bigat ng kanyang nararamdaman. Para sa kanya, iyon na lang ang huling paraan upang makalimot siya. Ito ang tanging gamot para sa kanyang problema.
Kasabay ng kanyang pighati ay may isang makalumang kanta ang tumutugtog sa kanyang radyo.
Tumutirik ang kanyang mga mata habang sinisimot ang puting usok na nagmumula sa butil ng foil na kanyang hawak. Nilalasap nya ng bawat usok nito na tila ba wala nang bukas. Wala na syang pakialam sa masamang epektong pwedeng idulot nito sa kanyang katawan lalo na sa kanyang isipan. Unti-unti ay nawawala na siya sa kanyang katinuan. Nawawala na siya sa kanyang sarili.
I wander through the night
And search the world to find
The words to make it right
All I want is just the way it used to be
With you here close to me, I've got to make you see
"AAAhhhhgggghhh! Ang sarap, para akong nasa alapaap!" wika niya sa kanyang sarili. Hindi na mabilang kung ilang pakete na ang kanyang naubos nang mga oras na iyon. Kulay pula na ang kanyang mga mata dahil sa dami ng drogang kanyang nalanghap. Pakiramdam niya ay hindi nakatapak ang kanyang mga paa sa sahig at tila ba lumulutang siya.
Umiiyak si Oliver habang masayang inaalala si Mary. Kasabay ng pagiging hayok niya sa droga ay ang pagsariwa niya sa mga matatamis na alaala nila ng kanyang dating nobya na ngayon ay nilimot na sya. Tumatawa sya habang may luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya makontrol ang kanyang sarili dahil wala na siya sa tamang katinuan.
That I'm lost without your love
Life without you isn't worth the trouble of
I'm as helpless as a ship without a wheel
A touch without a feel
I can't believe it's real
And someday soon I'll wake
And find my heart won't have to break
Kasabay ng pagtugtog ng malungkot na musika sa radyo ay ang dahan-dahang pagdurugo ng puso ni Oliver dahil sa kanyang pagkabigo. Wala na siyang nagawa kundi ang titigan ang maliit na litrato nila ni Mary noong sila ay nagmamahalan pa. Kupas at malabo na iyon subalit makikita pa rin ang matatamis na ngiti ng bawat isa sa kanila. Para kay Oliver, iyon ang nag-iisang kayamanang maituturing niya ngayong wala na si Mary.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.