Manila University,2004 (Makalipas ang 23 taon)
Kanina pa nakadungaw si Jake sa bintanang malapit lamang sa kanyang upuan. Katatapos pa lamang ang 1st quarter ng kanilang school year pero para sa kanya, wala pa ring nangyayaring exciting. Sa araw-araw na pagpasok niya, palagi na lamang niyang tinatanong ang kanyang sarili. "Bukod sa mga lesson ni Ms. Silva, anong bago ngayon?"
Pinagmasdan niya ang kanyang mga kaklase sa loob ng kanilang classroom. Lahat sila ay may sariling mundo. Marami sa kanila ang masayang nagkukwentuhan habang nagliliparan ang iba't-ibang bagay tulad ng libro, chalk, black board eraser, sapatos, bag, at kahit nga ang dustpan at bunot ay hindi rin pinatawad. Kilala kasi ang seksyon nila bilang pinakamagulong klase sa buong paaralan. Lahat ng magulo, pasaway, at malokong estudyante ay naroon.
Hindi naman bulakbol si Jake para mapunta siya sa seksyong iyon. Sa katunayan, siya ang pinakamatalino at palaging top 1 sa kanilang klase. Hindi rin nakapagtataka na siya ang ibinoto ng marami bilang class president ng IV-Rizal.
Bilang class president, siya dapat ang manguna sa kaayusan ng kanilang klase. Subalit heto siya ngayon, nakaupo sa isang sulok habang pinapabayaan lamang ang kanyang mga kaklase sa kanilang gustong gawin. Pero sabagay, wala rin naman siyang magagawa kahit suwayin niya ang mga ito dahil paniguradong wala namang makikinig sa kanya.
Huminga na lamang siya nang malalim at muling dumungaw sa bintana. Sa ganoong paraan, kahit papaano'y nakahanap siya ng kapayapaan.
"Haaay...anong bago ngayon?" bulong niya sa kanyang sarili habang pailing-iling. Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niyang bumilis ang takbo ng oras upang sa gayon ay matapos na ang school year na iyon. Hindi bale, sa susunod na taon ay college naman na sila. Sadyang hindi lang talaga makayanan ni Jake ang pagkabagot sa kanyang nakikita at nararanasan araw-araw.
"SHIT! Andyan na si Ma'am Kulugo!" sigaw ni Bert, ang pinakamalokong estudyante ng IV-Rizal. Ang kanilang adviser ang tinutukoy niya.
"HAH!? ANO!? Si Ma'am Kulugo!?" pag-uulit pa ng isang estudyante.
Nang marinig iyon ng kanilang mga kaklase ay para silang mga dagang dali-daling bumalik sa kani-kanilang upuan. Kulang na lamang ay magkaroon ng stampede. Lahat sila ay nataranta dahil parating na ang kanilang teacher na kinatatakutan hindi lamang sa kanilang classroom kundi pati na rin sa buong eskwelahan. Ito marahil ang dahilan kung bakit siya naging matandang dalaga.
"Blag! Blag! Blag!" Hinahampas nang malakas ng kanilang guro ang mesa nito.
"Attention! Quiet!" sigaw ni Ms. Silva sa harap ng kanyang klase. Mabilis namang tumahimik ang kanyang mga estudyante. "Mayroon kayong bagong classmate. Sana maging mabuti kayo sa kanya kahit late na siyang nag-enroll ngayong school year."
Bumulong ang isang estudyante sa kanyang katabi. "Pre, kutob ko chix 'yan. Baka yummy-sexy transferee!"
"Ano ba? Tumahimik ka nga, Bert. Kahit kailan talaga, puro babae 'yang nasa utak mo," sagot naman Jake. Sa likuran sila nakaupo kaya naman hindi sila napapansin ng kanilang guro.
Ilang sadali pa'y pumasok na ang estudyanteng tinutukoy ni Ms. Silva. Isang lalaking transferee iyon na sa unang tingin ay maangas at mayabang base na rin sa porma nito. Kasalukuyang umuulan kaya nakasuot siya ng itim na jacket. Habang nakatingin sa kanyang mga magiging kaklase ay walang bakas ng anumang emosyon sa kanyang mukha. Samantala, lahat naman ng atensyon ng mga estudyante ay nakatuon lamang sa kanya.
Isa lang ang pumasok sa isip ni Jake nang makita niya ang bago nilang kaklase. Malamang ay wala rin itong ipinagkaiba sa kanyang mga kaklase kaya nilagay ito sa pinakamagulong section.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Mary Cherry Chua
ParanormalThis is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), published the story. Now whether you believe the story or not, is up to you.