Chapter 1

72 8 3
                                    

"Kringg! Kringg!" I snap back from dreaming when I heard that sound. Psh, stupid alarm clock, I said to myself. Then I just remembered something. Oh my God! today is the first day of school. I stumble in my bed as I hurriedly went into the bathroom. I frowned as I saw my reflection in the mirror. My scar is still visible in my left cheek. After I took a bath and ate my breakfast, I got ready to go to school. The cold wind in the morning greeted me as I walked down the street. Its still early when I arrived in school. "Tak,Tak,Tak" my shoes was making noise when I climbed the stairs of our 2-storey building. Namangha ako ng nalaman ko na nag-iisa pa pala ako sa aming building. Early bird kasi talaga ako. Nagmumuni-muni ako nang,

"Class,alam niyo bang ang 2-storey building ng grade 10 na iyan ay may naganap na nakakatakot na pangyayari?" bigla komg naalala ang ikinuwento ng aming guro noong grade 8 pa ako. Naganap kasi ang isang killing spree noong grade 7 pa ako. At ang hindi alam ng lahat ay isa ako sa mga biktima noon, sa kabutihang palad ay nakatakas ako. At iyong killer? Well, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero hinding-hindi ko malilimutan ang kanyang mukha.

"Althea!", nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin sa gitna ng aking pagmumuni-muni.

"Oh, Stefanie, ikaw pala. Hay, ginulat mo naman ako."

"Sorry kung ginulat kita. Eh ikaw kasi, ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?" tanong ni Stefanie sa akin.

"Wala lang. Naalala ko lang iyong ikinuwento ni Sir noong grade 8 tayo tungkol sa building na ito." sagot ko.

"Hi guys. Ang aga niyo naman, hindi talaga kayo nagbago."

"Uyy Zyann! Ikaw pala. Kumusta?" tanong ni Stafanie.

"Okay lang naman. Alive and kicking pa rin." sagot ni Zyann.

Nagsidatingan na ang aming ibang mga kaklase at binuksa na rin ang aming guro ang classroom. Nagpasalamat ako dahil walang na lagas sa aming klase at nadagdagan pa kami. Sumumangot ako ng sa pinakadulo ako pinaupo ng aming guro. Eh, nagsisimula lang namn sa letter "T" ang last name ko eh.

"Good morning guys. My name is Rubelyn Bestudio, from FSUU." Pagpapakilala nung transferee daw. Nagbulung-bulungan ang aming mga kaklase.

"Bkit kaklase natin siya? Diba dapat Grade-11 na siya?" tanong ng aming isang kaklase.

"Hindi natapos ni Miss Bestudio ang Grade-8 kaya nakabalik siya," singit ni Sir Orajay, adviser namin.

Natapos ang isang oras sa pag-orientation ni sir sa amin. Paglabas niya ay kinilala ng aming ibang kaklase ang mga bago sa amin. Ang nakaagaw-pansin sa akin ay ang kagandahang taglay ni Rubelyn. Nilapitan siya ni Ian at ito'y nagpakilala.

"Hi Rubelyn, I'm Ian. You know what, you're so beautiful. Sana'y maging magkaibigan tayo." Nakita kong nagblush si Rubelyn. Well, indeed maganda nga siya and she looks familiar.

***

Pagpasok ng aming 2nd teacher ay nagsagawa na naman siya ng orientation. Nainis lang ako sapagkat first day pa lang ay may project na? Hmp ano ba yan. Blah,blah,blah, napakaboring ng araw na ito. Parang gusto ko ng huminto sa pag-aaral.

Nag-elect kami ng officers at ang inatasan na magdala ng susi ay si Robelyn. Kung nalilito ka tungkol kay Robelyn at Rubelyn, well sinasabi ko na itigil mo na ang pagkalito dahil magkaiba ang kanilang spelling. When afternoon came at natapos na kami sa paglilinis ay napagdesisyunan naming umuwi na. Kasama ko ang mga kaibigan kong sina Glyzel, Jinky, Stefanie, Anjielene at Lyka. Naglalakad na kami patungong gate nang makita ni Glyzel si Rubelyn.

"Guys, tawagin ko lang si Rubelyn ha,loner kasi siya. Kawawa naman," paalam ni Glyzel.

"Diba sa Hamogaway siya nakatira?"tanong ni Stefanie.

Pagbalik ni Glyzel ay kasama na niuya si Rubelyn. Ngumiti sa amin si Rubelyn at mas lumitaw ang taglay niyang kagandahan.

"Rubelyn, sabay ka na lang sa amin. Diba taga-Hamogaway ka rin?"pag-aanyaya ni Stefanie.

"ah susunduin kasi ako ng aming driver eh. Ahm, baka gusto niyo kayto na lang ang sumabay sa akin. Kasya pa naman tayo,' suhestiyon ni Rubelyn.

"Oh,sige. Masaya iyan Rubelyn. Gusto ko ring makasakay ng kotse. Hehehehehe," masayang sambit ni Anjielene.

"Kayo Lyka at Althea, sasabay ba kayo sa amin?" tanong ni Jinky.

"Next time na lang siguro. Dala ko kasi ang Lamborghini ko at sa akin na sasabay si Lyka. Okay lang ba Lyka?"tanong ko.

"Sure. Okay nga iyan malilibre ang pamasahe ko." Humagikhik si Lyka.

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa at lumisan na. Pagkatapos kong mahatid si Lyka ay umuwi na rin ako. Badtrip naman ang lakas ng ulan. *peep,peep,peep*, busina ng aking kotse. Agad namang binuksan ng isa sa aming maids ang gate.
"Good afternoon, ma'am", bati ni yaya.

"Good afternoon din yaya. Where's mom?", I asked

"Nasa loob po. ",sagot ni yaya. Agad akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong si mom.

"Oh, how's the first day of school? ",mom asked.

"Okay lang namn po. " Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at nagpalit. Iniisip ko ang transferee ng aming school, si Rubelyn. She really looks like familiar, her voice and her face. Malalim pa ang iniisip ko nang makita ko ang picture ko noong una. Ang ganda ko talaga, I said to myself. But now, I'm so ugly because of that goddamn person. Hindi ko na namalayan na nang dahil sa kakaisip ko ay nakatulog na ako kasabay sa pagpatak ng ulan sa aming bubong.

The 10th Of OctoberWhere stories live. Discover now