CHAPTER 6

36 5 1
                                    

              "Beverlyn's POV"

     Nakatulala akong nakaupo sa table ng interrogating room ng CIDG. Hinihintay kong dumating si SPO1 Ricardo Dalisay upang mag-imbestiga. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit napunta sa bag ko ang mukha ni Care. Hindi ko naman magagawang patayin si Care i sino man dahil hindi naman ako mamamatay tao. Maya-maya ay dumating na si SPO1 Ricardo Dalisay.

     "Ikaw ba si Beverlyn Dela Rosa? "tanong niya.
     "O-opo ako nga. Sir Cardo, wala po akong kasalanan. Hindi ko ako mamamatay tao,"pagmamakaawa ko.
     "Miss Beverlyn, hindi ako si SPO1 Ricardo Dalisay."

      "H-ho? A-anong?"pagtataka kong tanong.

     "Ako ay si SPO2 Dominador De Leon, kambal ni Cardo. At tulad niya, tutulungan kitang masolve ang kaso.",pagpapaliwanag ni Sir Ador.

     Kahit na natatakot ako sa situation, hindi ko napigilang maisip at mapatitig kay Sir Ador. Sir Cardo and Sir Ador are so handsome, they look like Coco Martin. Nawala ang iniimagine ko nang magtanong si Sir Ador sa akin.

     "Saan ka sa mga oras na natagpuang patay si Miss Mc Carthy?"

     "Nasa bahay na po ako nun. Kahit tanungin niyo po ang ate ko, magkasama po kaming nanunuod ng "Ang Probinsyano" nun, "sagot ko.

     "'Ang Probinsyano? ' Diba 8:00 P. M pa iyon? Namatay si Miss Mc Carthy ng 6:30 p. m," sabi niya.

     "Ahh new time slot na po ang 'Ang Probinsyano'" paliwanag ko.

     "Ahh ganun ba?  O sige, dito ka na lang muna sa CIDG at nay itatanong pa ang kambal ko sayo," sabi niya at umalis na. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Maya-maya'y nakatulog akong hindi namamalayan.

                  "Jesebel's POV"

     Lumipas na ang one week na hindi na nasundan ang killing events. Nasiyahan naman ako dahil one week ding suspended ang klase. Kakauwi ko lang galing sa libing ni Care. Hindi ko talaga maisip kung bakit siya namatay. Sa pagkakaalam ko ay wala namang naging kaaway si Care. Ewan ko ba kung bakit.

                 "Alyssa's POV"

     Ngayon ay Lunes na at may pasok na. Totoo nga ang naging hinala namin na si Beverlyn ang killer dahil one week na siyang nasa pangngalaga ng CIDG at one week na ring walang nangyayaring pagpatay. Pero hindi pa sinasabi ng mga police kung si Beverlyn ba talaga ang killer. But for me, it's more than coincidence.

              "Beverlyn's POV"

     Palagi akong binibisita nina mommy at ate habang nandito pa ako namamalagi sa CIDG. Hanggang ngayon ay hindi pa ako pinapauwi ni Sir Cardo dahil under investigation pa raw ako. Pero kahit anong sabihin nila ay wala silang mapapala sa akin dahil wala naman talaga akong alam. Alam kong lalong tumitindi ang paghihinala ng aking mga kaklase sa akin dahil sabi ni Sir Cardo ay isang linggong wala ng nangyayaring pagpatay sa school dahil raw ay nandito ako sa CIDG.

              "Someone's POV"

     Nalulungkot ako noong nakalipas na isang linggo dahil hindi ko na nagagawa ang favorite hobby ko, ang pagpatay. Eh kasi, one week na sinuspinde ang klase,kaya one week na rin akong staycation. Ang boring nga eh. Pero ngayon ay magagawa ko na naman ang hobby ko. Akala siguro ng lahat na tapos na ang aking mga plano,ngunit hindi nila alam n hindi pa ako nangangalahati sa  aking mga plano. Well as our classes resume,my killings will also resume. Maaga akong pumasok dahil...trip ko lang. Gusto ko lang pumasok ng maaga, bakit bawal ba. Pagpasok ko sa classroom, nagulat ako dahil may mas nauna pa pala sa akin, at siya noon ay laging late. Dahan-dahan akong naglakad papasok at sinigurado kong hindi niya ako maririnig dahil nakatalikod at nanonood siya sa labas ng bintana.nang maramdaman niya ang presensya koy agad siyang lumingon at agad ko rin siyang sinuntok nang napakalakas sa kanyang sikmura. Napahiyaw at natumba siya sa sakit. Agad ko namang ginapos ang katawan niya sa isang upuan. Kahit na nagpupumiglas siya ay nakaya ko pa rin siyang igapos.

     "Bakit mo ito ginagawa? Aahhh..." Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil sinaksak ko na siya sa kanyang tagiliran.
     "Ano kaya ang mukha mo kung...wala kang mukha?" tanong ko sa kanya habang tumatawa.
    
     Lumaki ang mga mata niya nang marinig ang tanong ko.
     Sinimulan ko na ang pagtanggal sa balat ng mukha niya. Umiiyak siya at nagmamakaawa habang ginagawa ko iyon. Marami na ring umaagos na magasanang dugo mula sa kanyang tagiliran at sa kanyang hindi ko pa natatapos na mukha. Hayy...at san wakas ay natapos ko na ring kunin ang mukha niya.

     "Hoy, ba't di kana kumikibo? Are you dead?", tanong ko sa kanya. Dumilat naman siya at nag-angat ng tingin. Napasigaw siya ng makita niya na hawak-hawak ko na ang kanyang magandang mukha.

      "Sige, sumigaw ka lang. Its like music to my ears.", tumawa ako ng mala-demonyo at tila ba ay nasisiyahan sa aking ginagawa. Pagtingin ko sa relo ko ay nagulat ako.

     "Naku! 6:00 na. Baka may dumating na na iba."

     Humanap ako ng kung anong ipapalo sa kanya. Sawa na kasi ako sa kakasaksak. Nang makita ko ang malaking salamin sa teacher's table ay napangiti ako. Kinuha ko iyon. Tss. Ang bigat naman. Ilang kilo kaya ito?
     Naglakad ako papunta sa kanya. Sumigaw siya ng malakas at naputol din agad iyon dahil sa tunog ng nabasag na salamin. Hindi siya makagalaw dahil nabaon sa kanyang katawan ang mga bubog ng salamin. Mas maraming bubog ang nabaon sa kanyang mukha. At tuluyan na siyang namatay. Umalis na rin ako kaagad dala ang kanyang bag at ang kanyang mukha na nilagyan ko ng number 4. Kung bakit number 4 na agad? Hehehe. Secret!

"Warren's POV"

     Naglalakad ako kasama ang mga barkada kong sina Neilven at Rolando papunta sa school. Malayo pa kami sa building namin pero tanaw na namin na bukas na ang aming classroom.

     "Hindi ba kayo natatakot sa killer sa ating classroom?", tanong ni  Rolando.

     "Bakit pa kami matatakot? Diba nahuli na si Beverlyn?", sagot ni Neilven.

     "Huwag mo namang husgahan si Beverlyn, Neilven. Hindi pa naman napapatunayan na siya talaga ang killer.", panenermon ko sa kanila.

     Pagpasok namin sa classroom, nagulantang kami sa aming nasaksihan. Isang kaklase namin ang duguan at puno ng bubog ng salamin ang kanyang katawan lalo na sa mukha. Masasabi naming patay na siya dahil hindi na siya humihinga. Hindi  rin namin siya makilala dahil wala siyang dalamg bag at wala rin siyang mukha. Agad na tumawag si Rolando ng guard at ang guard na ang tumawag sa mga pulis.

 

The 10th Of OctoberWhere stories live. Discover now