"Aiza's POV"
Nangangatog pa ang tuhod ko sa kaba at takot sa loob ng horror train. Lumabas na kami ngunit bakas pa rin sa aming mga mukha ang takot but at the same time na excite rin kami.
Hinahanap ko ang bestfriend ko dahil hindi ko na siya nakita mula noong sumakay kami sa horror train.
"Nakita niyo ba si Gracel? " hindi sila sumagot.
"Sino ang katabi niya sa tren?" tanong ko ulit.
"Si Annie Joy ang katabi ni Gracel sa tren." sagot ni Althea.
"Where is she?" tanong ko kay Annie Joy. She just shrugged as an answer. What the hell?
Kinakabahan talaga ako para kay Gracel."Jeralyn's POV"
Around 7pm na nang magdesisyun ang mga kaklase namin na umuwi na. Kami na lang dalawa ni Aiza ang naiwan sa perya upang hanapin si Gracel.
"Aiza, i-text mo kaya si Gracel. Baka umuwi na iyon." naiinip kong sabi.
"Please Jeralyn, just give me 10 minutes. Kung hindi natin siya mahanap sa loob ng 10 minutes ay uuwi na rin tayo." pagmamakaawang sambit ni Aiza.
Maya-maya'y biglang may nagkagulo sa station ng horror train. Tumakbo kami doon at nag-usisa. Ilang sandali lang ay may dumating na mga pulis. Nakita ko si SPO1 Ricardo Dalisay na pumasok kasama ang ibang mga pulis sa loob ng tunnel ng horror train. Bigla akong kinabahan, hindi kaya patay na si Gracel?
"Aiza's POV"
Lalong sumikip ang kumpulan ng mga tao sa station ng horror train nang pumasok ang mga pulis. Maya-maya'y may inilabas sila mula sa tunnel. Kinabahan ako nang makita na isang bangkay pala ang inilabas.
Tumakbo ako at hinila ko si Jeralyn patungong area ng mga na may hawak sa bangkay.
"Girls, hindi kayo maaaring lumapit dito. Nakita niyo naman siguro ang nakalagay na police line diyan diba?" sita sa amin ng isang pulis.
"You don't understand," I cried. "My friend is missing and I think she's the victim."
Tumango naman iyong pulis at ipinasilip sa amin ang bag na pinaglalagyan ng bangkay. Nanginig ang buong katawan ko nang makita kong walang mukha ang biktima. Naalala ko na ganito ang istilo ng killer sa pagpatay sa section namin. Ngunit nanlabo ang paningin ko nang mkita ang kwintas nax iniregalo ko kay Gracel noong pasko. Napagtanto ko na si Gracel nga talaga ang biktima.
"SPO1 Ricardo Dalisay's POV"Nadagdagan na naman sila, anim na ang napatay ngunit kahit isang lead ay wala pa kaming alam. Ang galing talaga ng killer, planado niya talaga ito. Ito na ang pinakamahirap na kaso na na encounter ko. Ang susunod na makakakuha ng balat ng mukha ay ang susunod na biktima. Nasa amin na ang face #5, asan ang #6? Hanggang ilan kaya ang magiging biktima ng killer? Hindi na ako makakapayag nito, kailangan ko na itong mahuli upang matapos na ang nangyayaring pagpatay.
"Althea's POV"
Nang magdesisyun na ang aming mga kaklase na umuwi na ay umuwi na rin ako kasama si Lyka na nakisakay na naman sa aking Lamborghini.
"Ano kayang nangyari kay Gracel?" tanong ko kay Lyka.
"Ewan ko dun, ano bang pake ko?" sagot ni Lyka. Napabuntung hininga na lang ako.
Binabagtas na namin ang daang madilim nang biglang umulan ng malakas. Tanging tunog ng patak ng ulan at ng wiper ang naririnig namin. Nagitla kami nang biglang nagring ang phone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat. Shit! I said to myself. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kung sino ang tumatawag.
"Jeralyn?"tanong ko sa tumatawag. "What's the matter? "
"It's about Gracel," sagot niya. Niloudspeaker ko naman ang aking phone upang marinig din ni Lyka ang tungkol kay Gracel.
"Yeah, what about her? " maangas na tanong ni Lyka. Siniko ko naman ito at inirapan niya lang ako.
"She's dead!"
"Ahhhh!" sabay naming sigaw ni Lyka. Mabilis in kinabig ang preno at habol-habol pa namin ang aming hininga. Mabuti na lang at hindi namin siya nasagasaan, ngunit ilang pulgada na lang ay mahahagip na namin siya. Isang babaeng basang-basa at duguan ang damit ang nasa harapan namin ngayon. Bago pa siya nakatakbo ay naaninag ko na ang mukha niya.
Annie Joy?!
"Lusel's POV"
Kakarating ko lang galing sa Manila dahil I na extend ang vacation ko. Gusto kong mag-enroll sa BNCHS at magiging kaklase ko na naman ang mga dati kong mga kaklase.
Nasa bahay ako ngayon and I decided to call my friends, yayayain ko muna silang gumimik, tutal weekend naman ngayon.
"Hello? Free ka ba ngayon?" tanong ko kay Loven.
"Bakit Lusel?"
"Yayayain ko sana kayong gumimik ngayon," paliwanag ko.
" Ah, ganun ba? Punta ka na lang dito kina Gracel," suhestiyon niya. Ibinaba ko na ang phone ko at sumakay ng tricycle patungo sa bahay nina Gracel.
Pagdating ko ay nadatnan ko na maraming tao. Uy! May birthday ba? tanong ko sa sarili. Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Loven. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Bakit maraming tao?" she sighed.
"Hindi mo ba nabalitaan?" tanong niya. Umiling ako. Like duh, kakarating ko lang kahapon galing Manila, how should I know?
"Bakit ano bang nangyari?" I asked. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa sala. Nakita ko ang isang kabaong.
"Ano ang nasa loob?" tanong ko ulit. Sinamaan naman ako ng tingin ni Loven.
"Syempre tao. Tao lang naman ang inilalagay sa kabaong diba?" sarkastikong sagot ni Loven. Inirapan ko lang siya at tumalikod na. Naglakad na ako patungong kabaong. At nagulat ako sa nakita, isang picture ni Gracel? Ikinurap ko ang aking mga mata. I'm just dreaming, right?
"Loven's POV"
Kakauwi ko lang galing sa Butuan City nang mabalitaan ko ang nangyari kay Gracel.
Naka-close casket lang si Gracel. Ayaw kasi ng mga magulang niya na isapubliko ang walang mukhang bangkay niya.
Bakit kailangan kunin pa ang mukha? Ang brutal naman ng killer.
Kung sino man siya, sana ay tumigil na siya.
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.