"Stefanie's POV"
Maaga akong pumasok dahil nag-away na naman ang parents ko sa bahay. Ayokong marinig ang pinag-aawayan nila kaya umalis na lang ako. Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko na ang aga-aga pa nga talaga. Wala oa akong nakikitang ibang tao eh. Pagkarating ko sa building ay nalaman kong hindi pala na-ilock ni Robelyn ang pinto. Binuksan ko ito at nakita ko na mas nauna pa pala si Robelyn sa akin. Nakita ko si Robelyn na nakaupo sa chair ni Neilven at nakatungo ang ulo nito sa desk. Tinawag ko siya ngunit hindi man lang siya lumingon. Hmp, snob talaga. Maya-maya'y dumating na rin si Althea.
"Althea, nagawa mo na ang baybayin?", I asked.
"Hindi pa eh, ngayon pa ako gagawa. Ikaw? ", she asked.
"Hindi rin.", I answered.
"Stefanie, do you have pencil? Bibili sana ako kaso close pa ang YECS.", sabi ni Althea.
"Sorry, wala akong lapis, eh. Itanong mo kaya kay Robelyn." I suggested.
Tinanong ni Althea si Robelyn ngunit tulad ng kanina, hindi ito pinansin. Linapitan ni Althea si Robelyn at kinalabit ito. Sa pagtataka namin, hindi man lang ito tuminag ni kumibo. Niyugyog ni Althea si Robelyn at nagulantang kami sa aming nakita. Puno ng dugo ang ulong walang mukha ni Robelyn? Tama! Wala ngang mukha si Robelyn! Nakikita ang kanyang laman at mga ngipin. May saksak pa siya sa ibang bahagi ng katawan niya. Nasuka ako sa nakita ko. Ngayon pa ako nakakiya ng isang bangkay na napakabrutal na pagpatay. Nakita ko rin na nagpapanic na si Althea. Nagsisisigaw at nagtatatakbp ito. Pinigilan ko siya at kinalma. Kumalma rin naman siya at nang bumalik na siya sa dati ay inutusan niya akong tawagin at magsumbong sa guard. Iniwan ko si Althea sa room kasama anh bangkay ni Robelyn. Pagbalik ko sa classroom kasama ang guard, nakita ko si Althea na nakatayo sa may blackboard. She's still in shock. Pati ang guard ay nagulat rin sa nakita at agad naman itong tumawag ng police.
Maya-maya'y nagsidatingan na rin ang mga police at aming mga classmates. Nagkagulo sila ng makita ang nakakasindak na sinapit ni Robelyn. The police investigated. Nanonood ba kayo ng SOCO? Kung nanonood kayo, ganun ang ginagawa ng mha police ngayon. The police asked me and Althea about what happened to the victim. Walang nakuhang information ang mga police sa amin sapagkat nakita lang namin na bangkay na si Robelyn. But they asked kung sino ang last na kasama ng biktima."Care's POV"
***Haile Calling ***
"Hello? Haile, why did you call?", sagot ko sa tawag ni Haile.
Matagal pa bago nakasagot si Haile. Narinig ko rin sa kabilang linya ang paghangos niya. Umiiyak ba siya?
"C-care, p-patay na si R-robelyn."
Nabitawan ko ang phone ko at ako'y napaiyak. Humagulhol ako ng malakas at tumakbo patungo sa school. Tinakbo ko lang ito dahil napakalapit lang naman ng aming bahay sa school.
And it's true. May tatlong police cars sa baba ng aming building. Nanghina ako ng makita ang bangkay ni Robelyn. I pity her. Halang ang kaluluwa sa gumawa nito sa kanya. May narinig akong isang police na nagtatanong sa aking classmates kung sino ang huling nakakitang buhay ang biktima. Lumapit ako sa police at nagtapat.
"Sir, I'm Glysdi Care Mc Carthy, at ako po ang huling kasama ni Robelyn."
"Ako naman si SPO1 Ricardo Dalisay, at tutulong ako upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kaibigan mo.", sabi ni Sir Cardo.
Isinalaysay ko ang nangyari sa hapong iyon.
"Malapit ng dumilim ngunit nasa building pa kami nina Melody at Robelyn. Nasa baba na po kami but hindi pa bumababa si Robelyn dahil mag lolock pa siya ng room.", sabi ko.
"Bakit iniwan niyo si Robelyn sa taas? Pwede namang sabay na lang kayong bumaba.", tanong ni Sir Cardo. I didn't answer him instead ipinagpatuloy ko ang pagkukwento.
"Naghintay po kami ni Melody sa baba nang may tumawag kay Melody sa cellphone. Sinabi dito na na heart attack ang nanay niya at nasa hospital. Nagpanic po iyong kaibigan ko kaya napagdesisyunan ko na samahan muna ito sa hospital. Nagtext naman ako kay Robelyn na sinamahan ko muna si Melody dahil emergency. I didn't wait to the reply of Robelyn at umalis na kami.", pagtatapos ko.
"At iyon na ang huling pagkikita niyo ng biktima?", he clarified. Tumango ako at nagsimula na namang mangilid ang luha ko. Inalo naman ako ni Melody na umiiyak din. Hindi na muna kami nagklase dahil sa pangyayari. Others are still afraid of what happened. Sa ngayon wala pang lead ang pnga police kung ano ang motibo sa pagpatay. Sabi nila ay maayos at malinis daw ang pagkagawa ng krimen. Wala daw ni isang fingerprints ang nakita sa bangkay ni Robelyn. Ngunit ang pinagtatakhan ng lahat ay kung saan ang kinuhang mukha ni Robelyn. Ito ay pinaghahanap pa rin ng mga police.
"Someone's POV"
Tinitignan ko lang sila habang sila'y natatakot at nalulungkot. Hay, ang ganda-ganda naman nilang panoorin. Ngumiti ako ng palihim habang isinisilid ng mga police ang bangkay ng nakakaawang Robelyn. Where did I just put her face? Ah, I remembered, inilagay ko iyon sa isang attache case. Pero ang tanong, kanino? Nagsusimula pa lamang ang kalbaryo ng mga taga section Sun. Hahahahaha!
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.