CHAPTER 7

48 4 6
                                    

"SPO1 Ricardo Dalisay's POV"

I picked up the phone as it rings.

"Hello? Sino to?", tanong ko.

"S-si SPO1 Ricardo Dalisay ba ito?", naghihingalong tanong sa kabilang linya.

"Oo, ako nga. Bakit may problema ba?", tanong ko.

"May pinatay na naman po sa building sa BNCHS"

Agad akong umalis at pumunta sa BNCHS. Pinaliligiran na ng ibang mga estudyante ang building. Pagkakita ko sa bangkay ay nalaman ko na parehong istilo lamang ang paraan ng pagpatay.
Kinuha ang mukha.
Kinuha na ng aking mga kasamahan ang bangkay at pinaghahanap pa ang nawawalang mukha ng biktima.

Nalaman ko rin na ang bangkay ay nagngangalang April Mae Tan.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Hindi ko namalayang dinadala na pala ako ng aking mga paa patungo sa CIDG.

"Someone's POV"

Tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin. Im wearing heavy make-up a shades and my beautiful long blonde hair cascades over my shoulder. Nagpaganda ako dahil may bibisitahin kasi akong importanteng tao.

"Good morning ma'am, ano pong atin?", tanong sa akin sa front desk.

"May bibisitahin lang sana ako.", sabay ngiti.

"Sino po iyon?", tanong niya.

"Si Miss Beverlyn Dela Rosa." sagot ko.

Inihatid ako ng isang pulis patungo sa kwartong pinaglalagyan kay Beverlyn.

"Beverlyn, may bisita ka.", tawag ng pulis sa kanya. Agad naman akong pumasok sa kwarto niya at nagulat siya sa pagbisita ko.

"Kumusta ka na Beverlyn?", I asked.

"O-kay lang namam. Ba't ganyan ang ayos mo? Ba't ka bimisita dito?", sunod-sunod niyang tanong.

"Wala lang. Concern lang ako sayo kaklase kaya kita.", sagot ko tapos ngiti.

"Hows our classmates?", malungkot niyang tanong.

"Don't worry about them. They're fine. But... April is dead.", balita ko sa kanya.

Nagulat siya at bigla na lang siyang napaluha at maya-maya'y humagulhol na talaga siya. Lumapit ako sa kanya at inalo ko siya. Niyakap ko siya atsaka hinagod ang kanyang likod.

"Tahan na Beverlyn. Ilang minuto na lang mula ngayon ay matatapos na ang paghihirap mo.", sabi ko.

"A-anong?" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nakita niya sa salamin ang hawak-hawak kong kutsilyo sa kanyang likod. Nagpupumiglas siya sa pagkakayakap ko kaya sinaksak ko siya sa kanyang likod ng limang beses. Natumba siya at lumuhod sa akin.

"Maawa ka. Please dont kill me.", she begged.

"Sorry darling, but I have no mercy." I laughed maniacally. Sinipa ko siya mula sa pagkakaluhod at napahiga siya. Sinaksak ko siya sa kanyang tiyan, tagiliran, sikmura at puso. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Maya-maya'y nalagutan na siya ng hininga. Tinanggal ko ang kanyang mukha at nilagyan ng #3 gamit ang kutsilyo ko. Nilagyan ko ang mukha ni Beverlyn sa dala kong bag ni April Mae. Ang mukha naman ni April Mae ay nasa secret hideout ko. Umalis na ako at iniwan ang bag ni April Mae katabi sa bangkay ni Beverlyn.

"SPO1 Ricardo Dalisay's POV"

Nagmamadali akong pumunta sa CIDG. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Beverlyn dahil may mali akong nararamdaman. Pagdating ko sa kwarto niya ay kumatok muna ako. Nang walang sumagot ay mas lalo akong kinabahan. Binuksan ko ang pintuan ar nagulat ako nang makita na nakabulagta ang isang bangkay...bangkay n Beverlyn. Sa tabi ng bangkay ay may isang bag. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang mukha. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Natauhan ako nang malaman na ang bag ay pagmamay-ari ng biktimang si April Mae at ang mukha ay kay Beverlyn. Inalarma ko ang mga pulis.

"Sir Cardo, may bumisita pong isang babae bago namatay si Beverlyn kanina, " sumbong ng isang pulis.

Tiningnan ko ang logbook at nakasulat doon kung sino ang bumisita kay Beverlyn. At ang bumisita sa kanya ay si..... Annie Joy Pepito.

"Lyka's POV"

Hindi ako makapaniwalang patay na si April Mae. Besfriends na kami simula pa noong grade 7. Akala ko ay matatapos na ang pangyayaring ito. Pero diba nasa CIDG si Beverlyn, ang pinaghihinalaang killer? Tama, baka nga sinet-up lang si Beverlyn. I hope she's okay In CIDG.

"Jinky's POV "

Matapos sa pagkuha sa bangkay ni April Mae sa school ay napagdesisyunan namin nina Glyzel, Anjielene, Stefanie at Lyka na umuwi na. Balitang-balita na sa loob at labas ng campus ang mga pangyayaring pagpatay sa aming building. Kakaunti lang ang pumasok ngayon dahil natatakot siguro silang masunod sa pagpatay.

"Napansin ko lang, ba't absent ngayon si Althea? ", tanong ko.

"Ewan ko lang, hindi naman siya nagtext o nagtawag.", sagot ni Glyzel.

"Okay lang kaya siya? ", kinakabahan kong tanong.

"Althea's POV "
Noong ideneklara ni Sir Orajay na suspended ang klase for one week ay napagdesisyunan kong magbakasyon muna... sa bahay. Ang saya-saya nga eh. Lagi akong nanunuod ng Yokai watch at lagi rin akong nagbabasa ng mga libro ni Rick Riordan. Adventure kasi ang genre ng kanyang mga novel eh. Pagdating ng Lunes, excited na akong pumasok dahil na miss ko na ang aking mga kaklase.

"Oh, anong ginagawa mo? " tanong ni Mom.

"Ah, papasok na po ako. Diba Monday ngayon? ", sagot ko.

"Nakalimutan mo bang susunduin mo sa airport ang cousin mo? ", tanong niya.

"Hala, oo nga! Susunduin ko nga pala si Karla. Nakalimutan ko po. "

Hindi na lang ako pumasok ngayon dahil sinundo ko nga si Karla. Habang nagdadrive ako patungong Butuan, narinig ko na nagring ang phone ko.

"Hello? Glyzel? Why did you call? ", sunod sunod kong tanong.

"Hello? Althea, ba't ka absent ngayon? " nag-aalalang tanong ni Glyzel.

"I'm in the airport right now, I'll fetch my cousin. "

"I have a bad news. ", sabi niya.

"What is it? ", tanong ko.

"P-patay na si A-pril Mae. "

"What?!", nabigla ako sa naging balita ni Glyzel. I hanged up the phone at nang makita ko na ang cousin ko ay nagmadali akong magdrive pauwi.

The 10th Of OctoberWhere stories live. Discover now