"Althea's POV "
Kinabukasan ay maypasok na kami. Sabi kasi ni Sir Orajay na mabebehind kami kung lagi kaming walang pasok. Maya-maya'y may biglang dumating.
"Bakit ka late Miss Brier? " tanong ni sir. Si Brier pala ang dumating.
"Sorry po, Sir. Pero Sir, may ibabalita nga po pala ako. " sabi ni Brier. " P-patay na po si B-Beverlyn. I-ilang oras lang pong natagpuan si April Mae ay natagpuan ring patay si Beverlyn. Sa CIDG po siya namatay. "
My classmates gasped, na shock rin ako. Paano mamamatay si Beverlyn, eh nasa CIDG siya? Diba maraming mga pulis dun? Napa-isip ako. Wow! nalusutan ng killer ang CIDG? Tsk, Tsk, Tsk mga pulis talaga. Mga inutil!
Umiiyak na ang aming ibang mga kaklase, ang iba ay nalungkot at hindi makapaniwala.
Ngunit ang mas naka-agaw pansin sa akin ay si Annie Joy. Nakatingin siya sa labas ng bintana at siya ay parang... tulala?
"Oh Sir, ano pong atin? " malungkot na tanong ni sir Orajay sa teacher na dumating. Si Sir Panagsagan pala ang dumating, kuya ni Shelou.
Hindi muna sumagot ang kuya ni Shelou at ito ay bumuntong hininga. He opened his mouth but no words come out. Then suddenly he burst into tears.
"P-patay na si Shelou. "
Natigilan kami sa kanyang sinabi. What?! Shelou is fucking dead?! Napakabilis naman ng mga pangyayari.
Why is this happening to us? May atraso ba kami sa killer kung bakit niya kami iniisa-isa? Uubusin ba niya kami? Bakit?
****
Hindi na naman nagpatuloy ang pasok namin ngayon. Ngunit hindi pa kami pinauwi ni Sir Orajay.Maya-maya'y dumating si SPO1 Ricardo Dalisay. Pumunta siya sa harapan at nagsalita.
"Kahapon, natagpuang patay si Beverlyn sa CIDG. She experienced multiple stab in her body. At kinuha rin ang kanyang mukha. Sa tabi ng kanyang bangkay ay may bag na pagmamay-ari pala ni April Mae. Sa loob ng bag natagpuan ang mukha ni Beverlyn na may #3. Ang mukha ngayon ni April Mae ang nawawala. "
Natahimik kaming lahat sa narinig. Walang nagsalita ni isa sa amin. Nasulyapan ko si Annie Joy at nakita kong tulala pa rin ito. But I can't really see her face because her long blonde hair cascades over her face and shoulders. Ipinagpatuloy ni Sir Cardo ang pagkukwento.
"At kagabi, isinugod si Shelou Marie Hernane sa hospital. But unfortunately, dead on the spot na siya. Same style, kinuha ang mukha at ngayon ay pinaghahanap pa namin. "
Pinagdugtong-dugtong ko ang mga sinabi ni Sir Cardo. Hindi kaya ang susunod na biktima ay ang susunod na makakakuha ng mukha ng naunang biktima?
****
Kinabukasan, wala kaming pasok dahil pista sa aming lugar. Nagdesisyun akong mag-imbita ng mga kaibigan sa bahay. I invited Glyzel, Stefanie, and Rubelyn. Sinama ko si Rubelyn because I want to know her more. Tumutulong ako sa paghahanda sa bahay nang,
"Tao po! " uy, baka nandiyan na sila, I said to myself. I hurriedly went to the door to check if it's them. Sila nga.
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.