"April Jean's POV"Another day has come and another death will be done, sabi ko sa sarili ko. Na predict ko lang na may mamamatay na naman. Araw-araw na kasing nangyayari to, eh. Kaya hindi na ako magtataka kung may mawawala na naman ngayon.
Nagpagulong-gulong pa ako sa malambot kong kama nang may naamoy ako. Agad akong napabalikwas sa kama at tumakbo pababa sa hagdan.
"Ahhh! "malakas kong sigaw. Tumakbo ako patungong kusina at nakita ko si mama.
"hmmm... Ang bango naman ng niluluto mo, mama. " Hinila ko ang upuan at umupo. "Huhulaan ko po kung ano iyan. Fried chicken."Tumango naman si mama at ngumiti. Alam na alam niya talaga kung anong nagpapasaya sa akin. Kaya nga mahal na mahal ko 'yan, eh.
Nagtimpla ako ng gatas at nagsimula ng kumain.
"Ma, paki-on nga po ang t. v."
Kinuha ni mama ang remote at pinaandar ng T. V. Kasalukuyan akong nanunuod ng news, paborito ko kasing manood ng balita dahil lagi akong updated sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Bigla ko na lang naibuga ang iniinom kong gatas sa mukha ng mama ko. Pati siya ay nagulat sa inasal ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagtatanong. Lumingon naman siya at nagtanong.
"Nadagdagan na naman ang namatay,"sagot ko.
"Roselyn's POV"
Hayy... Kawawa naman si Zyann. Hindi ko talaga inaasahang siya ang susunod na mamamatay.Mabait si Zyann, matulungin at maaasahan. Ang bigat-bigat ng kalooban ko ngayon, eh ikaw kaya ang mawalan ng isang mabuting kaibigan? Hindi ka ba malulungkot?
Nasa bahay ako ni Zyann kasama ang aking mga classmates upang makiramay. Maya-maya'y nakita ko si Althea na lumabas sa kanilang gate at naglakad papunta rito. Magkapitbahay lang kasi sila.
"Condolence po, "mahinang sabi ni Althea sa mama ni Zyann. Tumango naman ito at ngumiti ng malungkot. Naglakad si Althea papunta sa direksiyon ko at umupo sa tabi ko. Walang nagsalita sa amin. Mababakas talaga sa mukha namin na malungkot kami.
Maya-maya'y may narinig ako. Parang tunog ng isang balyena ngunit mahina lang. Sapat na upang marinig ko. Kinalabit ako ni Althea and she whispered something to my ears.
"Ros, may nakita ka bang snack dito? Kasi ako wala, eh. "
Nakita ko namang hinaplos niya ang kanyang tiyan. Pumunta lang ba siya dito upang kumain? My God! Hay naku!
Tinuro ko naman iyong sa may bandang kusina nila. Lumingon siya at nakita niya ang pagkain. Ngumiti naman siya at tumayo. Tumingin pa siya sa akin atsaka lumakad nang mabilis patungong kusina. Umiling na lang ako. Hayy...
"Queense's POV"
Lumipas ang isang linggo at naging matiwasay ang buhay namin. In short, walang namatay. Bumalik na rin ang klase namin. Malulungkot ka talaga kung makikita mong marami ng vacant seats sa room namin. Iyon iyong mga upuan ng mga namatay. Nanghihinayang ako, magaganda pa naman sila.
Paglabas ni Sir ay pumunta si Erika sa harap at may ini-announce.
"Guys, bukas nga pala ang libing ni Zyann. Punta kayo ha, huwag niyong kalimutan. "
YOU ARE READING
The 10th Of October
Misterio / Suspensoit was the 10th of october that started it all.