"Someone's POV"
Minulat ko ang mga mata ko at ang unang bumungad sa aking paningin ay ang puting kisame.
I groaned. I winced when I felt my aching head. Ang sakit ah! Siguro natanggal ng bruhang iyon ang Ilang buhok ko!
Umupo ako at sumandal sa headboard. Kinapa ko ang ulo ko at napapikit nang maramdaman ko ang hapdi at sakit. Marami pa akong kalmot at may tama pa ako ng kutsilyo sa balikat!
Strike two! Bakit ba palaging sa balikat ako natatamaan? Tsk.
Tinanggal ko ang dextrose ko at bumaba sa kama ko. I went to the door and turned the knob.
We're not yet done, dear...
"Diana's POV"
Lumabas na ako sa kwarto niya pagkatapos sabihin ng doktor na maayos na ang lagay niya.
I dialled mom's number at sinabi ang tungkol sa nangyari. Pagkatapos ay diretso akong naglakad sa hallway.
Kailangan ko siyang makausap.
Nang makita ko ang taong hinahanap ko ay lumapit ako sa kanya.
"Pwede ka po bang makausap?" Tumingin siya sa ibang pulis at tumango sa akin.
Pumunta kami sa mga upuan na nandoon na malayo sa mga pulis.
Umupo siya kaya sumunod din ako.
"Anong gusto mong sabihin?" tanong niya.
I took a deep breath.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. It's about Rubelyn."
Tumingin siya sa akin na nagtataka.
"What about her? Wala ka nang dapat ikabahala. Oras na gumaling na siya ay---"
"That's not it, Sir Cardo. You got the wrong person!" I ran my hands through my hair in frustration.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi niyo dapat siya pinosasan! She's not the killer!" sabi ko.
Kumunot ang noo ni SPO1 Ricardo Dalisay.
"Kaano-ano mo si Ms. Rubelyn?" I looked down and closed my eyes tightly. Then I heaved a sigh.
"I'm her younger sister. Stepsister, actually. Magkapatid kami sa ama," I answered in a low tone.
"Someone's POV"
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa.
Clear!
Napangiti ako ng lihim. Cool! Wala man lang siyang bantay? Ano bang klaseng mga pulis iyan? Tsk.
I entered her room .
Nakita ko siya nakapikit na nakahiga sa kanyang kama. Sinundan ko naman ng tingin ang isang kamay niya at nakita ko ang mga posas niya.
YOU ARE READING
The 10th Of October
Misteri / Thrillerit was the 10th of october that started it all.